Chris POV.
Kasalukuyan akong kumakain ng pinadeliver ko sa unit ko na tapsilog sa isang fastfood ng tumunog ang doorbell.
Napatingin ako sa orasan alas sais pa lang ng umaga,sino naman ang pupunta sa'kin?Not unless nadoble ang delivery.
Uminom lang ako ng gatas at nagtsinelas bago ko tuluyang puntahan ang nagdodoorbell.Sinilip ko muna ito.Teddy bear na sumbrero lang ang nakita ko.
"Goodmorning ma'am."Isang lalaking nakasumbrero ng teddybear ang bumungad sa'kin.
Hindi ko agad tinanggal ang chainlock ng pinto ko upang makasigurado sa safety ko.
"Yes?"
"Ms."May tinignan ito sa hardboard na pinagiipitan ng mga papel."Chris Lauren?"Bigla din itong nag-angat ng tingin at titig na titig sa'kin.
"Yes."Sagot ko at nginitian pa sya.
"May delivery po ako sa'inyo."May inilabas ito mula sa malaking kahon.Isang bouquet ng white roses"Pakirecieve na lang ma'am."
Nangunot ang noo ko kanino naman galing ito?
Tinanggal ko na ang chain ng pinto ko upang makapirma ng maayos sa papel na ibinigay nya. Pagkatapos kong pumirma ibinigay nya sa'kin ang bulaklak at may kinuha pa sa box.Isang malaking white na teddy bear.
Awwwwwww...Ang cute.. Weakness ko ang mga malalaking teddy bear. Sa katunayan dati ng nasa buhay ko pa si Milo halos mapuno ng iba't ibang size ng teddy bear ang kwarto ko.
Milo?
Napatingin ako sa stufftoy na ibinigay sa'kin ng deliveryboy.
"Akin din 'to?"Paniniguro ko.
"Yes ma'am.Thank you po."Yumuko pa bilang pamamaalam ang lalake.
Pinasok ko na sa loob ang mga delivery.
Dahil may card na kasama ang bulaklak agad ko namang binasa.
History repeats itself Darling.
Emilio
((((Flashback.))))
Napahinto ako sa paglalakad ng masigurado ko malayo na ako s kinaroroonan nya.Bakit malakas ang tibok ng puso ko??
Marahil dahil sa galit..
Pero....
Alam kong hindi ito galit.Hindi..
Nanlaki na lang ang mata ko ng may humawak sa braso ko at kabigin ako payakap sa'kanya.
"Chris.."Huminga pa ito ng malalim bago nagpatuloy magsalita."Hindi kita sinundan kanina para pagtawanan.Sinundan kita dahil handa kang saluhin ng mga bisig ko pag nasaktan ka."
Mula sa pagkagulat napalitan ng paglambot ng puso ko mula sa mga bagay na narinig ko.Parang hinaplos ng isangdaang anghel ang puso ko.
"Gusto kitang protektahan.Ayaw kitang nakikitang nasasaktan.At gusto ko lagi lang akong nasa tabi mo pag nasasaktan ka na.I don't know it may sounds weird dahil lagi kitang nasusungitan.But..."Humigpit ang pagkakayakap nya sa'kin bago namutawi sa bibig nya ang mga salitang magpapabago sa relasyon naming dalawa."I love you Chris."
Hindi ako sumagot.Hindi rin ako gumanti ng yakap.Ngunit hindi ko naman sya itinulak.Hindi ko rin naman yun kayang gawin.Cause here in his arm I feel so safe.It's so warm.
BINABASA MO ANG
I love you Chris
Roman d'amourFrom kontra bida to Bida Chris Lauren of In times. Nahanap na kaya ni Chris yung taonv nakalaan sa'kanya?Yung taong rason kung bakit hindi pinayagan ng langit ang relasyon nila ni Justin? Malaman kaya ni Chris ang dahilan ng lahat ng nangyari sa bu...