M E M B E R ?
Umupo kaming lahat sa sofa. Tabi tabi ang Bts at magkahiwalay kami ng upuan nung Manager nila.
"Hija, ang tinutukoy ko ay hindi na ko magpapaligoy ligoy pa na.." hindi natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumingit si V.
"Ikaw yung naka bangga ko sa mall kahapon dba?" Takang tanong niya. Naalala niya ko myghad.
"A-ah o-oo, Sorry ulit." Nginitian niya naman ako.
"Wala yun." Nakakatunaw ang mga ngiti niya.
"So ayun nga, ikaw ang napili ko na mapapaisa sa BTS. Nag hahanap kami ng isang babae na pwedeng maging isa sakanila at ikaw yun." Nagulat naman ako. "Nabasa namin yung form mo--" hindi niya naman na natuloy ang sasabihin niya ng mag salita ako.
"Ha? Pano po nangyare yun? Eh wala naman po akong pinapasa na form?" Nagtaka naman siya.
"Pano ka nakakuha ng VIP ticket kung wala?" Nag tatakang tanong ni Jhope
My ghad. Si Kuya Tally, di ko alam kung magthathankyou ako sakanya o magagalit.
Bigla namang nagring ang phone ko.
Speaking of Kuya Tally, tumatawag na siya ngayon.
"Excuse lang po ah." Tumayo ako at medyo lumayo sakanila.
Sinagot ko ang tawag niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumili.
"Myghad bunso!!! Ikaw ang napili na maging ka member ng Bts!!!" Nailayo ko naman yung phone ko sa tenga ko.
"Kuya bakitt??? Bakit hindi mo sinabi? Kausap ko na ngayon yung manager nila at andito sila sa harap ko. Nagmumuka akong hunghang sa harap nila dahil di ko alam kung ano yung sinasabi nila tapos---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Wag kana umarte, basta umoo kanalang. Pumirma ka sa papapirmahan sayo. Ieexplain ko sayo bukas lahay! Byebye mwa" agad niya namang binaba yung tawag niya.
Tinignan ko naman yung phone ko. Anong gagawin ko. Pipirma ba ko o hindi???
Bumalik na ko sa kinauupuan ko kanina.
Ngumiti naman silang lahat sakin bukod kay Jungkook tyaka kay Suga.
"So i eexplain ko sayo, Iilan lang ang nakakaalam na naghahanap kami ng bagong miyembro. At babae ang hinahanap namin, ang mga nasa VIP kanina ay mga nag si pasa ng form at isa ka don. Nakita kita kanina papasok kapalang sa loob, Nakikita ko na ang potential mo. Kaya ikaw ang napili ko. Ok na ba yung explanation nayon?" Tumango naman ako. Hindi padin ako makapaniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/117393143-288-k382179.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Come True
Hayran KurguIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...