Pag katapos ko silang ipakilala sa isa't isa nag kaayaan kaming pumunta sa isang Ice cream shop para doon na muna mag palipas ng oras.
"Ako na oorder hanap na kayo ng table natin." Pag prinsinta ko dahil alam ko naman ang gusto nilang dalawa na flavor.
Tumango lang sila at naupo sila sa sulok kung saan wala masyado makakapansin saamin.
Mabuti na nga lang at wala masyadong tao dito kung hindi dudumugin sila ng mga makakakilala saamin.
"What's your order ma'am?" Tanong sakin nang babaeng nasa counter. Nakangiti lang siya at alam kong nakilala niya ko.
"Isang cotton candy flavor tapos dalawa chocolate." nakangiti kong sagot sagot sakanya at tsaka ko inabot yung card ko.
"Serve nalang po ma'am thankyou po." nakangiting sabi nya kaya nginitian ko nalang din siya.
Nang mapansin ng dalawa na papalapit na ko parehas silang umurong at nag bigay ng pwesto para makaupo ako tsaka sila nag katinginan dalawa.
Umupo nalang ako sa gitna atsaka sila tinawanang dalawa.
"So kamusta ka naman oppa? After mong umalis satin hindi kana bumalik." Tanong ko kay Eunho Oppa tsaka ako ngumuso.
"Ayos lang naman, sobrang busy na kasi kaya hindi na ko nakakapunta dun." Sagot niya sakin tsaka ngumiti. "Gusto mo sabay tayo dumalaw satin eh" Pag aya niya sakin
"Sige ba namimiss ko na rin kasi yung madalas natin kinakainan dun eh" Meron kasi kaming tinatambayan na tindahan doon, halos araw araw kami noon kumakain doon kaya kilalang kilala na kami ng tindera.
Agad din namang dumating yung order namin, nag usap lang kami ng kung ano ano.
Nag paalam din kaagad si Eunho oppa dahil tumakas lang daw siya sa manager niya dahil nakita niya lang kami sa park kanina kaya naman napag desisyonan nadin namin ni Taehyung oppa na umuwi na.
Pag karating namin sa dorm wala na din si Hanbin oppa siguro nakauwi nadin yun dahil mag gagabi nadin.
Dumeretso ako sa kwarto ni Jungkook oppa pero wala siya dun kaya naman pinuntahan ko si Hobi oppa.
"Have you seen Jk oppa?" bungad na tanong ko sakanya.
Nasa sala siya at nanonood ng tv habang may mask ang muka.
"Lumabas ata, nakita ko siya may kausap sa phone tas nag mamadali lumabas eh." Napaisip naman ako kung saan siya pumunta at sino kausap niya. "Pabalik narin siguro yun." Dagdag niya pa.
"Oh ok." Yun nalang nasagot ko at pumasok narin ako sa kwarto ko.
Nag babad lang ako sa bathtub ko dahil wala naman akong magawa. Ang boring talaga pag free time namin. Mas gusto ko pang may tour kami dahil may napag kaka abalahan kami kesa ganito.
Natapos ang isang linggo at puro ganoon lamang ang ginagawa namin. Madalas lang kaming nasa bahay.
Nag tataka nadin ako sa kinikilos ni Jungkook oppa dahil madalas may tumatawag sakanya at bigla nalang siyang mag papaalam na may pupuntahan saglit.
Nandito kami ngayon sa meeting room, pinag uusapan namin ngayon kung saan kami mag ttravel para sa Summer Package namin.
Napapagitnaan ako ni Jk oppa at Taehyung oppa katabi niya naman si Jimin oppa, nasa harapan naman namin yung mga tanders.
"Why not mag Maldives naman tayo?" Suggest ni RM oppa.
"Oh my ghod!! I agree, maganda daw doon!!" Excited na sabi ko.
Napangiti naman silang lahat dahil sa sinabi ko.
"Wala nabang ibang suggestion?" Tanong ng manager namin. "Kasi kung wala na, Maldives na ang magiging last decision" nakangiti niyang sabi.
"Wala na po!!! Let's go for Maldives na!!" sabi ko habang malaki ang ngiti.
Lahat naman sila nag agree na kaya naman yun na ang last decision namin, pinag uusapan nalang kung kelan kami aalis ng biglang may tumawag kay Jk oppa at nag mamadaling nag paalam.
"We're having a meeting. Hindi ba makakapag hintay yan?" Si Hobi Oppa. Napapansin nadin kasi nilang napapadalas na siyang ganito.
Hindi naman na nakasagot si Jk oppa at umupo nalang siya ng maayos. Pero hindi padin siya mapakali.
Nang matapos ang meeting namin dali dali siyang lumabas ng Meeting room.
"Sino ba yung laging tumatawag dun? Last week pa yon ganon." Si Yoongi oppa
"I don't even know. He's not telling me something." Sagot ni Taehyung oppa.
Napailing nalang ako atsaka lumabas nadin.
Didiretso na sana ako sa van para makauwi na pero bigla akong nagutom kaya dumeretso muna ako sa Cafeteria ng building.
Nag pasama nalang ako kay Yoongi oppa dahil siya ang kasama ko sa van pauwi.
Habang nag lalakad kami papunta sa counter nakita ko si Jk oppa na nakaupo sa isang table at may kausap na babae.
Hindi familiar sakin yung face ng babae kaya napatigil ako sa pag lalakad. Napalingon naman sakin si Yoongi oppa.
"Can you order me nalang? Im going to talk to someone." Sabi ko sakanya.
"Ok." maikli niya lang na sagot at dumeretso na sa counter.
Nag lakad ako palapit sa kinauupuan nila Jk oppa, pangiti ngiti kapang mokong ka.
Nanlaki ang mata ni Jk oppa ng makita niya ko na naka cross arm sa tabi ng table nila.
"Oh, you must be Trisha." Maarteng sabi ng babae sakin. "You're Jk's friend right? Im Jasmine." inabot niya naman sakin ang kamay niya.
Friend?? Are you fucking serious?? Kalat na ang news na we're officially dating tapos sasabihin niya friends kami??!
Tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka ako tumingin sa kamay niya.
Gulat padin ang tingin ni Jk oppa at di nag sasalita.
"Jk's Girlfriend." dagdag pa ng babae. Mas lalo naman nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
So he's cheating on me??? Ang sakit na nararamdaman ko ngayon at napapalitan na ng galit at gusto ko ng ilabas lahat ng iyon.
Mag sasalita na sana ako ng biglang lumapit si Yoongi oppa sa pwesto namin.
"Let's go Trisha." maikling sabi niya tsaka ako hinatak paalis, pero napigilan yon ng biglang may humawak sa pulsuhan ko.
Hinatak ako pabalik ni Jk oppa pero hindi padin ako binibitawan ni Yoongi oppa.
"No, we have to talk." Ang kaninang gulat na muka ni Jk oppa ay napalitan ng seryosong mukha.
Hinagis ko ang kamay ni Jk oppa at napatingin samin ang iilang tao sa cafeteria.
"Wala na tayong dapat pag usapan." Madiin na sabi ko sakanya habang pinipigilan ang mga luhang nag babadyang bumagsak. "We're over."
------------------------------------------------------
Ilang years bago ako nakapag update hahaha. Kala ko tapos ko na tong story yung isa pala yun. Sorry xoxo
pls support
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanfictionIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...