Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil may schedule ako ng pasok ngayon.Naligo agad ako at nag bihis. Pagkalabas ko sa kwarto dumeretso agad ako sa kusina para kumuha ng makakain.
Pero laking gulat ko ng andoon na si Suga Oppa nagluluto.
Umarte ako na umuubo na nakakuha naman ng atensyon niya.
"Ang aga mo ata Suga Oppa?" Crossarm na tanong ko sakanya.
"Maaga kasi akong nagising kaya naisipan kong magluto na muna." Seryoso niyang sagot sakin.
Siya hindi makakatulog ng maayos eh takaw tulog nga siya.
"Kumain kana muna bago ka pumasok." Umupo naman ako sa seat ko at sinimulan ko ng kumain. "Siya nga pala umuwi ka kagad pagka dissmisal nyo na. Wag ka nang mag mall or sa kahit saan mo pa gusto pumunta, umuwi kana agad." Seryoso niyang sabi sakin habang inaayos ang mga ginamit niya sa pagluluto.
"Bakit naman?" Tanong ko sakanya habang nakatalikod. Awkward kasi, hindi naman siya dating ganto sakin.
"Basta umuwi ka ng maaga." Sagot niya sa tanong ko habang kumukuha ng mansanas sa Ref at tyaka umalis.
Doon ko lang din napansin na pang isang tao lang ang niluto niya.
Hindi ko naman na inintindi yon at binilisan ko na ang pagkain ko at nag iwan ng note sa Ref.
"Good morning guys! Eat your breakfast! But brush your teeth first! Annyeong"
At tsaka ako dumeretso sa kotse ko at nag padrive. Naka sunod naman ang sasakyan ng mga body guard ko.
Saaming lahat ako lang ang may kotse. Ito pa kasi yung kotse ko sa bahay.
Pagdating ko sa school marami ng tao, may kumpulan din ng mga studyante doon na naghihintay saakin.
Nang makita nila ang kotse ko agad silang nag sipag takbuhan sa harap ng pinto pero mabilis din namang humarang ang mga body guard dito.
Pinagbuksan ako ng body guard ng pinto at tsaka ako bumaba.
"Ang ganda mo"
"Ang cute cute mo Trisha!"
"Ang swerte niya talaga no"
Puro ganyan lang naman ang naririnig ko sa paligid ko.
Sinuklian ko naman ng ngiti ang mga sinabi nila.
Naglakad na ko papunta sa room kung saan ako andoon ang first subject ko.
Nakasunod padin sila saakin kaya naman nakaharang padin ang mga body guard sa kanila.
Nang makarating ako sa loob ng classroom ko ay agad akong umupo sa seat ko, namamangha pading nakatingin sakin ang mga kaklase ko.
Angga fangirls naman ay nasa labas padin. Sinabihan ko naman yung mga kaklase ko na ituring nila akong normal dahil ayoko ng special treatment.
Pero naiilang padin sila dahil daw sikat na ko, naisip ko nga siguro kung hindi ako napili na maging isa sa Bangtan boys normal siguro ang bawat araw ko.
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanficIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...