Dream Come True: Chapter 23

72 2 0
                                        


Dalawang linggo ang nakalipas ng pagkamatay ni mommy.

Hindi ako nakakasama sa show nila dahil hindi ko pa kaya.

Hindi padin nag ssink in sa utak ko na sala na si mommy.

Umiiyak padin ako tuwing gabi, hindi ako lumalabas ng kwarto. Kumakain lang ako pag ka umaalis na sila dito sa dorm.

Hindi ako sumama sa pag libing kay mommy. Hindi ko kaya, isang beses lang din akong sumilip sa kabaong niya.

Nawalan pa ko ng malay non sa sobrang hirap ng nararamdaman ko.

Tinetext ako noon ni kuya Tally kung kelan ako pupunta sa lamay ni mommy pero di ko sinasagot.

Hindi ko kasi talaga matanggap na wala na si mommy, huli kong kita sakanya nasa ospital pa ako.

Malakas pa siya non, wala akong nakikitang kahinaan sakanya non.

Pero may sakit na pala siya non, may cancer na pala si mommy. Nag ppretend lang siya na malakas para sakin.

Dahil ayaw daw niya na masaktan ako sabi sakin ni Kuya Tatym.

Pero sa nangyare ngayon parang mas nasaktan ako, kasi kung alam kong may cancer si mommy at bilang nalang ang araw niya mas makakagawa pa kaming memories.

Naiinis ako, hindi sakanila kundi sa sarili ko. Bakit nga ba isang beses hindi ko nakamusta si mommy simula nung umalis ako sa bahay.

Tumulo nanaman ang luha ko at humagulgol ng napaka lakas.

Dalawang linggo na akong ganto. Gusto kong pumunta kay mommy pero hindi ko kaya.

Jungkook point of view.

Naririnig ko nanaman ang mga hagulgol niya. Dalawang linggo na siyang ganyan.

Nagaalala na ko sakanya. Kapag may show kami kung pwede lang na magpaiwan dito ginawa kona.

Dalawang linggo na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya.

Yung mga pagkain na hinahanda namin at iniiwan sa tapat ng kwarto niya hindi manlang nagagalaw.

"Umiiyak nanaman siya." Sabi ni Hoseok hyung.

"Nagaalala na ko sakanya hyung" sabi ko kay hoseok hyung.

"Eh kung pasukin na kaya natin siya sa kwarto niya?" Sabi naman ni V hyung.

"Siguro naman pwede na natin siyang kamustahin." Sabi ni Jin hyung.

Lahat kami nandito sa kwarto pinakikinggan ang pag iyak niya.

"Baka kailangan niya ng makakausap para malabas--" hindi natuloy ni Namjoon hyung ang sasabihin niya ng marinig namin ang malakas na pag lagabog sa kwarto ni Trisha.

Nag takbuhan kaming lahat papunta sa kwarto niya pero ng bubuksan na namin ang kwarto niya naka lock ito.

Tumakbo naman si Jimin hyung para kunin ang mga susi sa loob ng dorm.

"Trisha! Open the door!" Sigaw ni Suga hyung.

Lahat kami natataranta at nag aalala.

"Trisha please!!" Sigaw ni V hyung.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon