Dream Come True: Chapter 13

73 4 0
                                        


Nakalabas na ko ng ospital, hindi muna kami umuwi sa dorm dahil tatapusin pa namin ang shooting namin dito.

Papunta na kami ngayon sa bahay dito sa Palawan, pag papahingahin muna daw nila ako bago kami mag start ulit ng shoot.

"May gusto kabang kainin Trisha?" Tanong ni Jhope Oppa.

"Gusto ko Jollibee tapos sisig tyaka Cake pati Ice cream!" Magiliw na sabi ko.

"Para ka namang may alagang malaking bulate jan sa tyan mo! Hahahaha" Si Jungkook Oppa.

Sabay sabay naman kaming tumawa.

"Di lang naman sakin yun syempre para din sainyo." Sabi ko at nginitian sila.

"Yeheeeeey!!!" Napalingon naman kami kay Jin Oppa.

Nagulat naman siya dahil sabay sabay kaming napalinhon sakanya.

"Waeeee?!.. Wae!!!!" Sigaw niya samin ng hindi namin tinangal ang mga titig namin sakanya.

Tinawanan naman namin siya ng di na siya mapakali sa mga titig namin.

Ilang saglit pa at andito na kami sa bahay.

"Trisha, doon kana sa kwarto namin kami nalang dito sa sala." Si Namjoon Oppa.

"Pero---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang mag salita si Jimin Oppa.

"Wala ka ng magagawa, nalipat na namin gamit mo sa room." Wala na talaga akong magagawa.

"Tara na Trisha pumasok kana sa room mo!" Sigaw sakin ni Taehyung oppa.

"Nga pala nasaan si Yoongi oppa?" Nag tinginan naman sila.

"Nanjan lang yun sa may tabing dagat wag ka na mag alala." Sagot ni Jhope Oppa.

"Ok" tangi kong nasagot at pumasok na ko sa kwarto.

Naligo na ko at nag bihis, mabilis nag hilom ang sugat sa ulo ko dahil may nilalagay silang hindi ko alam.

Pagkalabas ko ng banyo bumungad sakin ni Taehyung oppa at si Jimin oppa na nakahiga sa kama.

Parehas silang nag cecellphone kaya hindi nila napansin ang paglabas ko ng Cr.

"Oppa." Tawag ko sakanila.

"Wae?" Sabay nilang tanong habang naka tingin padin sa mga cellphone nila.

"Yung totoo, nasan si Yoongi oppa?" Tanong ko sakanila. Automatic namang bumaba ang mga cellphone nila at tumingin sakin.

"Sabihin mo na." Sabi ni Jimin Oppa kay Taehyung Oppa na kinagulo naman ng utak ko.

"Nung nabagok ka si Suga hyung ang nag dala sayo sa Hospital, tarantang taranta siya noon. Lahat kami sinigawan niya dahil wala pa munang kumikilos noon dahil nagulat din kami sa nangyare at nagulat din kami sa inasta niya. Ayaw niyang mag palit ng damit doon sa ospital hangga't hindi lumalabas ang doctor at sabihin na ok kana kahit puro dugo mo na ang damit niya." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon