Dream Come True: Chapter 14

72 3 0
                                    


Flight na namin pabalik sa Manila ngayong araw. Nandito na kami ngayon sa Airport at nag hihintay nalang kami ng flight.

Ngayon ko lang din nalaman na kumalat pala sa Manila ang nangyare sakin dito sa Palawan kaya for sure madaming media ang nag hihintay neto sa Airport sa Manila.

Ilang oras pa kaming nag hintay at nakasakay na kami sa eroplano.

Hindi na kami nakapag usap usap dahil mga pagod din kamo at inaantok.

Pare-parehas silang bulagta sa kani kanilang upuan at ako ito naka tingin lang sa bintana.

Pagod ang katawan ko pero hindi ako inaantok. Hindi ko alam kung bakit ako ganito.

Katabi ko si Jungkook oppa na sa kasalukuyang nag lalaro ng Mobile Legends sa cellphone niya.

Bukod sakin siya lang gising saming lahat. Nasa harap ko naman si Taehyung oppa na humihilik pa.

Simula nung lumabas ako sa ospital hindi na niya ako masyadong pinaghihigpitan na lumapit sa ibang member.

Feeling niya daw kasi kaya kami napag layo nung groupings nung bumaba kami ng bundok ay dahil ayaw niya daw na nalalayo sakin.

Ayan daw tuloy nilayo na siya ng staff sakin at hindi niya ako nasalo nung nabagok ako. Ang isip bata no? Hahahaha.

Napa tawa ng ako ng mahina sa naisip ko.

"Baliw kaba?" Mahinang tanong sakin ni Jungkook oppa habang nag lalaro padin siya.

"Oo matagal na, hindi mo pala alam." Pag tataray ko sakanya.

Ito namang si Jungkook oppa simula nung lumabas ako ng ospital panay na ang pang aasar sakin.

Lagi niya akong pinipikon kaya naman lagi akong nababadtrip sakanya.

"Hayaan mo pag baba natin sa Manila papa diretso kita sa mental" bulong niya nanaman sakin.

"What everrrr" sarkastiko kong sabi sakanya at nag salpak nalang ng earphone sa tenga.

Ilang oras lang ang nakalipas ay andito na kami sa airport dito sa Manila.

Palabas palang kami ng airport nakikita na namin ang napaka raming media ang nag aabang doon.

Napatigil naman si Suga oppa sa pag lalakad kaya namn napatigil din kami.

"Wae hyung?" Tanong ni Jimin Oppa.

"Paikutan natin si Trisha. Ahm, hyung-nim pa tawag naman ng ibang security for our safety nadin thankyou" sabi ni Suga oppa.

Agad naman pumalibot sila sakin at hinarangan din sila ng mga guard.

Habang papalabas kami ng airport nag katulakan na nga kaya hindi kami agad maka usap ng pag lalakad.

"Interview lang po saglit"

"Kamusta kana ngayon Trisha?"

"Pano ka nabagok doon sa Palawan?"

"Ano buong pa pangyayare?"

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon