F I R S T D A Y P A R T I I
Mahigit dalawang oras din akong nag ayos ng mga gamit ko dito sa kwarto.
Simula nung pumasok ako dito na pa ko lumalabas. Napag desisyunan ko munang maglinis ng katawan bago ako lumabas.
Pagkatapos ko mag linis ng katawan nag short lang ako at sweatshirt. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom ng nagpapatuyo ako ng buhok.
Palabas na ko at ng buksan ko yung pinto nakita ko si Jungkook, nasa harap ng pinto ko. Pakatok na sana siya pero hindi natuloy ng bigla kong buksan yung pinto kaya napakamot siya sa batok niya.
"Let's eat." Nakayuko niyang sabi at umalis na din siya agad.
Ano kaya problema nun? Oo nga pala mahiyain yun, lalo na sa babae.
Sumunod na ako agad sakanya sa dining area. Andoon na silang lahat, at mukang ako nalang ang inaantay nila.
"Ang tagal mo namang tawagin si Trisha." Bungad ni V.
Siya yung tipo ng lalaking isip bata, pero cute. Hindi oa sakto lang. Makulit, maharot, malambing at higit sa lahat clumsy haha.
"Sorry" at nag peace sign ako sakanila.
Ngumiti naman silang lahat bukod kay Suga. totoo ba ang sinasabi nila na napaka cold ng lalaking to? Na hindi to mahilig ngumiti? Na masungit to?
"Upo kana, at kumain na tayo." Sabi naman ni Jimin.
Nag simula na kaming kumain at nag tanong sila ng mga bagay bagay sakin.
"Siya nga pala, ilan taon kana?" Tanong ni Jhope.
"Ah, 17 years old." At nginitian ko sila.
"So ikaw pala ang maknae dito?" Naeexcite naman na tanong ni V "sorry jungkook, hindi na ikaw ang "golden maknae namin" diniin niya pa ang pag kaka sabi ng golden maknae.
At halatang inaasar niya si Jungkook kinukurot naman siya ni Jungkook sa tagiliran at siya tumatawa pa.
"So, fan kadin namin diba?" Diretsong tanong ni jin hyung.
"Ah, oo. Kaya nga super thankful ako kasi ako yung napili. Kahit na hindi naman ako yung nagpasa ng form na tinutukoy ni ---. " Hindi kona natuloy yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Namjoon ng puno pa ang bibig niya.
"Panong hindi ikaw ang nag pasa?" Lahat sila nag aabang ng isasagot ko.
"Ah, kasi plano talaga to nila mommy and my kuyas. Basta bago ang concert at nung araw na naka bangga ko si V oppa sa mall, binigyan ako ng kuya ko ng ticket at VIP daw yon. Wala naman siyang inexplain pang iba." Nakangiti kong sagot sakanila.
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanfictionIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...