Dream Come True: Chapter 10

70 3 0
                                        


Pa letter "L" ang sofa na to. Kaya sa paanan ko si Hoseok Oppa.

Parehas lang kaming nag ce-cellphone habang nag aantay na abutan ng antok.

"Bat mo naman mas pinili pang dito ka matulog e ikaw na nga sa isang kwarto." Bigla niyang sabi.

"Wala lang, kasi naiinggit ako nagbubunutan kayo tapos ako alam ko na agad yung room ko." Pag eexplain ko sakanya.

"Siyempre babae ka" sabi niya pa.

"Diba sabi ko nman sainyo ayoko ng special treatment. Gusto ko kung ano yung nakasanayan nyo ganon din ang gagawin ko." Pagrereklamo ko sakanya. "Kaya ko naman lahat ng ginagawa nyo eh" pahabol ko pa.

Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila Jungkook.

Napalingon kaming dalawa doon.

Nakita namin si V may dalang unan at kumot.

Dumeretso siya sa tabi ni Jhope Oppa at doon humiga.

Malapad naman ang sofa kaya kasya ang dalawang tao.

"Hoy bakit ka andito?!" Sigaw sakanya ni Jhope Oppa.

Hindi siya sinagot nito, tinakpan lang ni V ang muka niya gamit ang dala niyang unan.

Nakasimangot naman si Jhope.

"Ano bang pinakain mo dito at ayaw ng malayo sayo?" Nakadapa na nakaharap na tanong ni Jhope Oppa.

"Hahaha, grabe pinakain talaga." Nakatawang tanong ko sakanya.

"Tignan mo kasi oh. Ayaw ng nalalayo sayo" sabi pa niya.

Tinignan lang namin si V at nag tinginan kaming dalawa at sabay kaming tumawa.

Makalipas pa ang ilang minuto at nakatulog na kami pareho.

Nagising nalang ako sa sinag ng araw at ingay ng mga taong naglalakad.

Pag kamulat ng mga mata ko nakita ko agad ang mga staff na busy sa pag set ng kanya kanya nilang camera at ang mga make up artist na nag aayos na ng mga make up.

"Bangon na Trisha" nakangiting sabi ni Suga Oppa?

Nanlaki ang mata ko at agad akong napaupo sa kinahihigaan ko.

Si Suga Oppa? Nakangiti sakin?

"Maligo kana at maya maya aalis na tayo" dagdag niya pa.

Umalis na din siya agad at ako di ko padin maintindihan, bakit ganyan ang mood niya.

Tumingin naman ako sa paanan ko nakita ko si V tulog padin hanggang ngayon.

Agad akong tumayo at linapitan siya.

"V oppa gising na" pag gising ko sakanya habang niyuyugyog siya.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon