Dream Come True: Chapter 27

69 1 2
                                    


Taehyung Point Of View.

Pauwi na kami ngayon galing sa isang event namin. Maaga kaming nakauwi ngayon dahil isang event lang naman ang pinuntahan namin. Pero bukas madami nanaman kaya kailangan namin mag pahinga.

Nakuha naman ng atensyon ko si Jungkook-ssi na nakasimangot at pabalik balik ang pagsilip sa cellphone niya.

"What's wrong?" Tanong ko sakanya.

"Si Trisha kasi hindi pa nag tetext sakin tapos may nakita akong post na mag kasama sila ni Yoongi hyung sa mall" sabi niya ng nakasimangot.

"What's wrong with that? Atleast si Yoongi hyung ang kasama." Biglang singit ni Jimin hyung sa usapan.

"Kahit na." Pagmamaktol niya.

"Bakit kaba nag kakaganyan eh hindi naman kayo?" Nakangising sabi ni Hobi hyung. Napaka sakit talaga neto mag salita.

"Tsss" sabi niya nalang, nag talukbong naman siya ng hoodie niya at nag earphone.

"Grabe naman yun ang sakit nun" sabi ni Jimin hyung kay Hobi Hyung

"Nag tanong lang ako" sabi ni Hobi hyung

Napailing nalang ako habang nakatitig kay Jungkook. Baliw na baliw na talaga siya kay Trisha. Buti nalang napigilan ko yung feelings ko sakanya.

Oo nag kagusto ako sakanya noon, pero nung narinig kong umamin na si Jungkook kay Trisha dumistansya na ko dahil ayokong maging karibal ang kaibigan ko.

Nang makarating kami sa dorm dumeretso agad si Jungkook sa kwarto at hindi na lumabas. Ako naman ay nag bihis lang at naglaro na sa sala.

Ayokong guluhin si Jungkook dahil bad mood siya ngayon.

Wala pang 30 minutes na nag lalaro kami ni Hobi hyung dumating na sila Trisha. Mukang nag enjoy sila ni Yoongi hyung ah.

"Where have you been?" bungad na tanong ko sakanila ng hindi sila tinitignan.

"Jan lang, naboring kasi kami ni Suga oppa dito kaya nag mall muna kami." Diretsong sagot niya sakin. Umalis naman si Yoongi hyung ng hindi nag sasalita.

Dumeretso naman si Trisha sa likod ko at naupo sa sofa. Nasa lapag kasi ako naka upo ngayon. Nilingon k naman siya at tinignan ng masama.

"What?" Inosente nyang tanong sakin.

"Puntahan mo si Jungkook-ssi sa kwarto, nag tatampo yata sayo yun." Sabi ko sa sakanya at tyaka lumingon na ulit sa nilalaro ko.

Hindi ko na siya nilingon ulit. Naramdaman ko nalang na umalis na siya at pumasok na sa kwarto niya.

Maya maya pa eh lumabas nadin siya sa kwarto niya at pumasok na sa loob ng kwarto namin ni Jungkook.

Wala pang sampung minuto lahat kami natigilan sa kanya kanya naming ginagawa at napa tingin sa kwarto kung nasaan silang dalawa.

Nagulat kaming lahat sa sigaw ni Jungkook-ssi. Hindi namin maintindihan yon kaya dali dali kaming pumasok sa kwarto.

Naabutan namin doon si Trisha hawak ang bibig ni Jungkook-ssi parang pinipigilan niya sa pag kilos si Jungkook.

"What happened?" Nakataas ang kilay ni RM hyung habang nag tatanong.

"Ah wala!" Natatarantang sagot ni Trisha.

"Eh bakit sumisigaw yan?" Tanong ni Jimin hyung habang naka turo kay Jungkook-ssi

"Wala lang masaya lang ako" cool na sagot ni Jungkook. Napaniwala niya naman sila kaya umalis na sila sa kwarto. Pero ako hindi ako naniniwala sa palusot nila.

Dumeretso ako sa bed ko at doon naupo ako. Tinignan lang nila akong dalawa.

"So bakit kanga sumisigaw Jungkook-ssi?" Tanong ko sakanila.

"Masaya nga lang ako" sagot niya sakin ng nakangiti.

"Bakit siya masaya Trisha?" Nagulat naman si Trisha ng tawagin ko ang pangalan niya.

"Eh kasi ano--" sabi niya ng natataranta.

"Wag kang mag sisinungaling sakin." Sabi ko sakanya ng seryoso.

"Eh kasi sinagot ko na siya." Mabilis na sagot niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lalabas na sana ako ng biglang lumapit sakin si Trisha.

"Please don't tell to anyone!" Sabi ni Trisha at tyaka ako niyakap.

"Hahahaha bakit ko naman sasabihin sakanila don't worry secret natin tong tatlo" sabi ko sakanilang dalawa. Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sakin.

"Thankyouuu" sabi ni Trisha sakin.

Trisha's Point of View

Kinaumagahan maaga kaming bumiyahe papuntang Japan dahil may concert kami doon kinabukasan.

Nasa eroplano na kami ngayon, si Hobi oppa ang katabi ko nasa harap naman namin si Taehyung oppa at Jungkook oppa.

"Matulog ka muna trisha" sabi sakin ni Hobi oppa. Hindi naman na ako nag salita dahil inaantok din ako, wala pa akong tulog.

Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung pano namin itatago yung relasyon namin ni Jungkook oppa.

Dalawang oras akong nakatulog, bigla nalang akong nagising, at pag gising ko si Jungkook oppa na ang katabi ko. Kasalukuyan siyang natutulog ngayon.

"Bakit nanjan ka?" Tanong ko kay Hobi oppa na nasa kabilang side na

"Nakipag palit siya kay Jin hyung tapos pinilit ako na makipag palit sakanya." Sabi niya sakin.

Napailing nalang ako dahil mas mukang naging kompotable siya ngayon sa tabi ko.

Nanghingi ako ng makakain sa isang FA dahil hindi pako nag breakfast at 3 hours pa ang ang tagal namin dito.

"Sarap ng kain love ko ha" nagulat naman ako ng biglang may nag salita sa tabi ko habang kumakain ako.

"Shut up." Sabi ko sakanya pag kalingon na pagkalingon ko.

"Why?" Inosenteng tanong niya sakin.

"Stop calling me love" pabulong na sabi ko sakanya.

Sumimangot naman siya, di ko na siya pinansin at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

Matapos ang 5 hours ma byahe naka rating na din kami sa hotel kung saan kami mag stay.

Tinignan ko ang orasan at 10 na ng umaga. Napag desisyonan kong matulog muna dahil napagod ako sa byahe namin.

Mamaya pag gising ko mag rerehears na kami at hanggang umaga nanaman iyon wala nanaman kaming pahinga.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon