Dream Come True: Chapter 34

4 1 0
                                    

Pagkapasok ko sa van sumunod nadin agad si Yoongi oppa sakin. Hindi ko na din napigilan ang luha ko na kanina pa nag babadyang bumagsak.

"Oh why are you crying? What's wrong?" natatarantang tanong sakin ng manager namin na nasa shotgun seat.

Umiling lang ako sakanya, naka takip ang dalawa kong kamay sa muka ko habang humahagulgol.

"Anong nangyare? Ok namang natapos ang meeting ha." natataranta pading tanong niya.

"Hayaan mo muna siya. Wag mo muna pansinin." Pag pigil ni Yoongi oppa.

"Ohh ok." sagot ni Pd nim kay Yoongi oppa. "Where's Jungkook by the way? siya nalang ang hinihintay natin." Tanong nya kay Yoongi oppa.

Bigla namang kumirot ang puso ko ng marinig ko ang pangalan niya, naalala ko nanaman kung paano nag pakilala sakin yung babae niya.

Tatlo kaming magkakasama dito sa van kanina kaya naman hinahanap siya ng manager namin.

"I'll message him na sa ibang van na sumakay. We need to go." mahinahon na sabi ni Yoongi oppa.

Siguro nakaramdam na ang manager namin kami sinabihan niya na ang driver na umalis na kami.

Hanggang sa makarating kami sa dorm umiiyak padin ako. Kaya ng pag kababa  ko ng van nag madali kaagad ako para makapag kulong na ako sa kwarto.

Nakita ako ni Hobi oppa at Jin oppa na umiiyak pagka pasok ko ng dorm. Tinignan lang nila ako ng may malungkot na muka at tsaka ko sila nilagpasan.

Pag kapasok ko sa kwarto sinarado ko agad ang pinto atsaka ako napaupo sa sahig habang umiiyak. Nanghihina ako ng sobra.

Hindi ko akalain na gagawin niya saakin yun. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, pare-parehas nga talaga sila.

"May nagkalat sa social media sa nangyari kanina sa cafeteria kaya nag aalala kami pag karating dito sa bahay." Sabi ni RM oppa sa labas nag uusap usap na siguro sila sa nangyare.

"Kailangan natin siya makausap bakit nag kaganon, kung anong dahilan niya." Sabi naman ni Hobi oppa.

Kinuha ko ang maleta ko at nag impake ako ng iilang damit. Hindi ko kayang manatili dito ng ganto ang sitwasyon. Gusto ko mag pakalayo layo muna.

Ayoko silang madamay kaya ako muna ang aalis hangga't magulo pa ang isip ko. Nagbihis lang din ang ng itim na hoodie at sweatshorts. Kinuha ko din ang shades ko.

Dire-diretso lang akong lumabas habang hawak ang bag ko. Si Hobi oppa lang at Jin oppa ang nasa sala. Napalingon silang dalawa sakin at bumaba ang tingin nila sa bag na dala ko.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Hobi oppa.

"I can't stay here. I'm leaving for a while." sagot ko sakanya atsaka ambang aalis na pero biglang nag salita si Jin oppa.

"Saan ka naman tutuloy? wag ka ng umalis kakausapin namin si Kookie." napalingon ako sakanya tsaka sila nginitian ng pilit.

"I'm ok." yun lang ang sagot ko sakanya tsaka ako lumabas papunta sa garahe.

Pumasok ako sa Corvette ko na white. Ngayon ko lang ilalabas tong sasakyan ko na to, hindi kilala ng mga media to kaya ito ang napili kong gamitin.


Nag drive lang ako sa kawalan at hindi malaman kung san ako pupunta, dumaan muna ako sa isang fastfood chain para mag drive thru dahil halos 4 hours na akong nag ddrive.

"Here's your order ma---" hindi na natuloy ng isang crew ang sasabihin niya ng makita ako.

Nginitian ko nalang siya tsaka inabot ang order ko, wala pa yung drinks kaya inaantay ko pa.

"Oh my ghad! trending siya ngayon sa internet diba"

"Ang sabi nag cheat daw si Jk"

Usapan nila sa loob habang inaantay ko yung drinks ko.

Patuloy lang sila sa pagbubulungan tungkol sakin na akala mo'y wala ako dito. Kaya ng dumating ang drinks kinuha ko agad yon at umalis na kaagad.

Nag stop ako sa isang park kung saan walang tao at umupo ako sa bench na nandoon. Kinain ko lang ang pagkain ko habang naka tulala.

Iniisip ko padin kung pano niya nagawa sakin yun. Kung sabagay asawa nga nag loloko ito ba kayang dating palang.

Pero hindi niya ba naisip na buong tiwala ko yung tinaya ko dun tapos dadayain niya ko ng ganon ganon nalang. Hindi biro yung tiwala na tinaya ko don.

Para akong tanga dito sa park na umiiyak mag isa habang kumakain at nakatulala sa kawalan. Madilim na kaya walang makakapansin sakin dito.

Bigla namang nag vibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha yun.

[Are you ok baby girl?] Text sakin ni Kuya Tally.

Mas lalo akong napaluha ng mabasa ko ang text niya. Ang tagal ko na rin palang hindi sila nakikita, at sa panahong ganito siya ang kailangan ko.

Dinial ko ang number niya, nakakadalawang ring palang eh sinagot niya na agad.

"Baby, I saw the news. Are you ok?" Bungad niya sakin kaya napahagulgol ako.

"I-Im ok k-kuya" humihikbi kong sagot sakanya.

"I know you're not. Where are you?" hindi ko alam kung sasabihin ko sakanya kung nasaan ako.

"I have a car with me kuya." sagot ko sakanya dahil alam kong susunduin niya ko pag sinabi ko kung nasaan ako. "C-can I c-come to your c-condo?" tanong ko sakanya.

Sakanya muna ako mag sstay hangga't hindi pa ok ang lahat.

"Ofcourse baby, I'll wait for you here." Tsaka niya binaba ang call.

Dali dali akong nag drive papunta sa condo ni Kuya Tally. Habang nag ddrive ako sunod sunod ang text nila Hobi oppa sakin, tumatawag pa sila pero hindi ko sila sinasagot.

Halos kalahating oras lang ako nag drive nakarating nadin ako condo ni Kuya Tally, pagkapasok na pagkapasok ko agad niya ako niyakap.

Tumulo nanaman tuloy mga luha ko at napaupo pa kami dalawa habang mag kayakap.

"It's ok baby girl, part yan ng pagmamahal--" bulong niya sakin habang hinahagod ang likod ko "--yung sakit." napahagulgol pa ako lalo sa sinabi niya.

"Grabe naman yung sakit na 'to Kuya Tally" sagot ko sakanya at bumitaw na sa pagkakayakap.

"Nakausap mo na ba siya?" tanong niya sakin habang nag pupunas ako ng luha.

"Hindi niya na kailangan mag explain kuya. Kasi kung sa simula palang alam niyang masasaktan ako dapat hindi niya na ginawa yun." sagot ko sakanya tsaka ako tumayo ako umupo na sa sofa.

Dumeretso naman siya sa kusina.

"Pero kailangan mo rin malaman yung side niya. Para hindi ka umiiyak jan ng ganyan." Sigaw niya mula sa kusina.

Siguro kailangan ko muna ng time para mag isip kung kakausapin ko pa siya.

Kinuha ko ang phone ko tinignan mga message doon. May mga nagsesend sakin ng attachment kaya binuksan ko yon.

Tumulo nanaman ako luha ko ng makita ko ang isang picture na sinend sakin na kahalikan ni Jk oppa yung Jasmine. Nasa parking lot silang dalawa at nakahawak yung Jasmine sa mukha niya.

Hinablot naman ni Kuya Tally yung phone ko ng mapansin niyang nanginginig ang kamay ko habang nakatingin ako doon.

"Mukhang makakapag kalbo ako ng dalawang malanding tao ngayon." Sabi ni Kuya Tally habang hawak ang phone ko. Kita ang galit sa mukha niya dahil sa litratong nakita niya.

"K-kuya, do I d-deserve t-this?" Nanginginig na tanong ko kay Kuya Tally.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon