Nag ayos lang ako ng susuotin ko para mamaya kapag ka nag ikot na kami.Napatigil naman ako sa pag kalkal ng maleta ko ng bigla akong makaramdam ng yakap.
Pagkaharap ko si Jungkook oppa, naka yakap sa likod ko habang naka pikit.
"Yah!" Sigaw ko sakanya para magising na siya.
"Please let's stay like this for a minute." Mahinahong sabi niya habang nakapikit padin.
Pinabayaan ko nalang siya at nag patuloy ako sa pag hahanap ng damit ko.
Nang matapos ako mamili ng damit hinarap ko na siya.
"Mag ready kana aalis na daw tayo maya maya." Sabi ko sakanya.
Ngumuso naman siya na parang bata.
"Wae?" Tanong ko sakanya.
"Dito nalang tayo pleaseeee." Pag iinarte niya sakin.
"What? Hindi pwede, may shooting tayo Jungkook oppa. Hindi naman porket pumayag na sila Pd-nim sa relasyon natin eh ok na lahat. May kondisyon sila na wag maapektuhan yung work natin so kailangan natin tiisin ok?" Dire diretso kong sabi sakanya.
Hindi naman na siya nag salita at sumunod nalang sa sinabi ko pero hindi siya nag bitiw kahit isang salita.
Pinabayaan ko muna siya at nag ayos na ako ng sarili ko.
Nandito na kami ngayon sa first destination namin. Nag ikot ikot muna kami bago kami nag start na mag shooting.
Habang nag shoshooting naman kami mag katabi kami ni Jungkook oppa. Nanunukso naman ang tingin nilang lahat kaya naiilang ako.
Sinimulan na namin ang mag ikot ulit. Konti lang kasi ang naikot namin kanina.
Habang nag iikot ikot kami nakasalubong naman namin sila Minho oppa at Hyungsik oppa.
Tinigil na muna namin ang shooting at nakipag kwentuhan na sakanila.
"Long time no see hyung!!" Bati ni Taehyung oppa sakanila at nakipag kamayan siya.
"Kaya nga eh. Akalain mo yun dito pa tayo mag kikita hahaha." Biro naman ni Hyungsik oppa.
"Ah siya nga pala si Trisha siguro naman nakikita nyo na siya sa Tv." Pakilala sakin ni Taehyung oppa sakanila.
"Ah oo, mas maganda pala siya in person no?" Sabi ni Minho oppa. Nailang naman ako sa sinabi niya.
"Thankyou po." Sagot ko sakanya. Tumabi naman siya bigla sakin at nakipag usap.
"You look so nice" puri niya pa sakin.
"Ikaw din po hehe salamat" nahihiya kong sagot sakanya.
Siniko naman ako bigla ni Jimin oppa. Sinenyasan niya naman ako na wala si Jungkook oppa.
"Ah saglit lang ha." Pag papaalam ko kay Minho oppa.
Hinanap ko agad si Jungkook oppa pero hindi ko siya nakita.
Nang makabalik na ko kung nasaan kami kanina eh mag sisimula na ang shooting, nasa gilid nadin sila Minho at Hyungsik oppa.
Nandoon na din si Jungkook oppa, naka ngiti naman siya na parang hindi siya nawala kanina.
"Saan ka galing?" Pabulong na tanong sakin ni Hobi oppa.
"Kanina pa ba si Jungkook oppa dito?" Tanong ko sakanya habang inaayos ang damit ko.
"Oo kanina pa, pag alis mo dumating na siya. Akala ko may kukunin kalang pero ang tagal mo" sabi niya sakin.
Nainis naman ako, nakakainis lang kasi kanina pa pala siya nandito hindi niya manlang ako naisipan hanapin. Samantalang ako hinahanap ko siya nung sinabi ni Jimin oppa na umalis siya.
Nag simula na ang shooting at malayo kami sa isa't isa ni Jungkook oppa. Hindi ko din siya pinapansin pag kinakausap niya ako.
Naiinis ako sakanya. Bahala siya sa buhay niya.
"Ok 10 minutes break" sigaw ng director.
Dumeretso agad ako sa tent, hindi ko na sila pinansin lahat basta nag lakad na ko agad papunta sa tent.
Nginitian naman ako ni Minho oppa kaya nginitian ko nalang din siya.
Naka higa lang ako sa loob ng tent habang naka earphone ng biglang may nag hagis sakin ng tubig.
Tinanggal ko naman ang earphone ko at tyaka tinignan ng masama si Taehyung oppa. Kasunod niya naman si Jungkook oppa.
Hindi nalang ako nag salita at pinalsak ulit ang earphone ko sa tenga ko.
Hindi ko na sila pinansin dalawa at nag cellphone nalang ako pero maya maya biglang may humila ng earphone ko.
"What?!" Medyo pasigaw na tanong ko kay Jungkook oppa.
"I'm sorry nag selos lang ako kay Minho hyung." Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Hindi ko kasi alam kung ano kinaselos niya eh nag usap lang naman kami.
Hindi ko siya sinagot at nag cellphone padin ako.
Niyakap niya naman ako habang nakahiga ako sa folding bed pero hindi ko padin siya pinansin.
"Let's start again!!!" Sigaw ng producer.
Tatayo na sana ako ng hinalain ako ng Jungkook oppa at hindi ako binibitawan sa pag kakayakap niya.
"Let me go Jungkook oppa." Mahinahon kong sabi sakanya.
"No, hangga't di mo ko kinakausap di kita bibitawan." Sabi niya sakin.
Napa buntong hininga nalang ako at hinawakan ang kamay niya.
"Ok lang yun, naiintidihan kita. Kaya tara na at mag sisimula na ulit mag shoot" mahinahon kong sabi sakanya kaya medyo lumuwag ang yakap niya.
Hawak ko padin ang kamay niya at hinila ko na siya palabas ng tent.
Pagkalabas namin ng tent wala na sila Hyungsik oppa at Minho oppa.
Sinimulan na namin mag shooting.
Nang matapos na ang shooting namin dumeretso ako agad sa tent dahil madami na ang mga fans na nag sisidatingan. Hindi ko alam kung pano nila nalaman na nandito kami.
"Tired?" Tanong sakin ni RM oppa.
"Yeah." Maikling sagot ko dahil napapagod na talaga ako.
Nahiga ako agad sa folding bed at pinikit ko ang mata ko.
Wala pang limang minuto na naka pikit ang mata ko ng biglang may yumakap sakin.
"Pagod na pagod ang baby girl ko ha" sabi ni Jungkook oppa.
Dinilat ko lang ang mata ko at tyaka ko siya niyakap din.
"Nilalanggam na kami" biglang sabi ni Jimin oppa.
Napalingon naman kaming dalawa sakanila at lahat sila naka tingin samin.
Lahat sila naka ngiti saming dalawa pero si Yoongi oppa seryoso lang ang tingin na parang walang pake.
"Ingit ka naman hyung" sabi ni Jungkook oppa. "Wala ka kasing bebe liit mo kasi eh" pangaasar na dagdag ni Jungkook oppa.
Nag tawanan naman kaming lahat at si Jimin Oppa eh hindi na nakapag salita.
BINABASA MO ANG
Dream Come True
फैनफिक्शनIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...