Dream Come True: Chapter 18

71 2 0
                                    


Maghapon akong nasa loob ng kwarto ko, hindi ko alam kung paano ako lalabas.

Nahihiya ako, na naiilang sa ginawa ni Jungkook Oppa kagabi at nakita pa yun ni Suga Oppa.

Pero bakit naman ako mahihiya eh di naman nila alam tyaka di naman madaldal si Suga Oppa eh.

Tumayo na ko sa kama ko at lumabas na ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko silang lahat nakaupo sa sala at seryoso ang mga muka.

"Sakto labas mo, dadating si manager may sasabihin daw" sabi sakin ni V Oppa kaya umupo na ako agad sa tabi niya.

"Ano daw yun?" Tanong ko sakanya.

Nagkibit balikat nalang siya.

Maya maya pa ay dumating na si Manager at may kasama siyang isang magandang babae.

Nakita ko naman ang pag babago ng reaksyon ng mga muka nila lalong lalo na si Jungkook Oppa.

"Sino yan?" Bulong na tanong ko kay V oppa.

Hindi niya na ako sinagot. Naguguluhan nako, para kong bagong sali ulit sa grupo nato, yung tipong walang alam sa kung anong galaw ang pwede nilang gawin laht.

"Goodafternoon guys, alam ko naman kilala nyo na tong si Zoe kaya kay Trisha ko nalang siya ipapakilala." Baling sakin ni Manager.

Tumayo naman kaming lahat.

"Zoe this is Trisha, the new member of bangtan." Pagpapakilala sakin ni Manager kay Zoe.

"Nice to meet you Trisha." Sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko nalang din siya.

Pero ang awkward padin ng nang yayare ngayon. Lahat sila tahimik tapos blanko ang muka ako lang tong nakangiti.

Nilagpasan naman ako bigla ni Zoe at lumapit siya kay Jungkook Oppa.

Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niyang yakapin si Jungkook Oppa.

"Oppa!! Imissyou oppa" pabebe niya banggit kay Jungkook.

Nagulat din naman silang lahat at si Manager. Pilit namang inaalis ni Jungkook oppa ang pag kakayakap sakanya ni Zoe.

Ewan ko pero nainis sa nakta ko. Feeling ko gusto ko manghablot nalang bigla ng buhok pero mabait ako kaya wag nalang.

Nang maalis ni Jungkook oppa ang pagkakayakap sakanya ni Zoe tinaasan niya ito ng kilay.

"Mandiri kanga." Tanging sabi ni Jungkook oppa at umalis na. Pumasom siya sa kwarto ganun din naman ang iba.

Hindi na siya pinansin ng mga ito. Si manager nalang ang kumausap sakanya.

Ako naman dumeretso sa kwarto ni Jin Oppa para mag tanong kung anong nangyare.

Pagkapasok ko sa kwarto nila normal naman parang walang nangyareng ka awkwardan sa labas.

"Oppa." Pag tawag ko sakanya.

"Wae Trisha?" Pagtatanong niya sakin

"Sino yung babae kanina sa labas? Bakit parang nag iba yung mood nyo nung nakita nyo siya?" Takang tanong ko sakanya.

Nagbabasa lang siya ng kung ano ngayon dito sa kwarto.

"Ah si Zoe ba. Bestfriend siya ni Jungkook dati, tapos nag kagusto siya kay Jungkook tapos naging sila. Nung mahal na mahal na ni Jungkook si Zoe niloko naman netong si Zoe si Jungkook kaya ayun. Secret relationship lang yon dahil alam mona baka maissue yun sa Army kaya kami lang ang nakakaalam nun." Tuloy tuloy na sabi niya.

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon