Dream Come True: Chapter 15

72 3 0
                                        


Ng matapos na kong maglinis ng katawan nag stay muna ako dito sa kwarto dahil baka ako ang pinaguusapan nila.

Nakakainis kasi to si Namjoon hyung eh, pano niya pa nahalata yun? Akala ko pa naman walang nakakapansin sakanila.

Napaka talino talaga neto ni Namjoon Hyung.

"Jungkook-ah! Kakain na tayo." Tawag sakin ni Jhope hyung.

Napaka lakas talaga ng boses neto.

"Neee" sigaw ko at lumabas na.

Dumeretso na ako sa dining area, pag ka dating ko doon lahat sila nakatingin sakin ng mapang asar bukod kay Suga hyung at Trisha.

"What?" Takang tanong ko sakanila.

"Kanina kapa namin inaantay kakain na tayo." Nakangising sabi ni Taehyung hyung.

Di ko naman na sila pinansin at umupo na ako sa tabi ni Trisha. Ito nalang kasi yung upuan na walang nakaupo.

Nag simula na kaming kumain. Habang kumakain kami hindi padin naaalis ang mga tingin nilang nakakaloko.

Tinadyakan ko naman sa ilalim ng lamesa si Namjoon hyung at napatawa naman siya bigla kaya napalingon sakanya si Trisha.

"What's wrong hyung?" Inosenteng tanong ni Trisha.

"Ah wala, may naalala lang ako na sinabi ni Jungkook-ssi" sagot ni Namjoon hyung. Tinignan ko naman siya ng masama kaya pinipigilan niya ng tumawa ngayon.

"Mamaya na kayo mag harutan kumain na muna kayo." Singit naman ni Suga hyung.

Thankyou hyung sinave mo ko ngayong araw na to.

Tinapos na namin ang pagkain. Dumeretso kaming lahat sala at doon nag palipas ng oras.

Sinabi na din sakin nila Jimin hyung na alam na nila at Si Suga hyung nalang ang di nakakaalam at si Trisha.

Mabuti nalang at nasa kusina padin si Trisha kasama si V hyung nag huhugas ng plate. Buti nalang di niya maririnig ang mga sinasabi netong mga to.

"Bakit ayaw mo aminin?" Tanong ni Jhope hyung.

"Hyung naman, alam mo naman na bawal diba? Tyaka magiging awkward kami pag nalaman niya." Sagot ko sakanya.

Kanina pa kasi nila ako kinukulit about sa pag sabi kay Trisha about sa nararamdaman ko at kung ano ano pa.

Kada tanong nila may kasamang palo hindi ko alam kung bakit kaya kung titignan mo lang kami ay parang simpleng harutan lang.

As usual nasa studio nanaman si Suga hyung at magisang nandoon.

Bigla namang dumating sila Trisha, umupo naman si Trisha sa tabi ko.

"What?" Takang tanong niya ng tignan nila kami ng nakakalokong tingin.

"Ah wala lang." Sabi ni Jimin hyung habang tumatawa.

"Siya nga pala pupunta dito sila Jackson, you all know them naman diba. Si Trisha nalang ang diko pa naiintroduce sakanila." Biglang salita ni Jin hyung.

"Really?" Excited na tanong ni Trisha. "Fan din kasi nila ako." Dagdag niya pa.

"Sino Bias mo sakanila?" Tanong naman ni Taehyung hyung sakanya.

Buti nalang wala na saakin yung topic pero nakaka ramdam ako ng inis dahil may iba pa pala siyang gustong ibang boy group.

"Si Bambam tyaka si JB." Magiliw na sagot ni Trisha sakanila.

"Bakit naman sila pupunta dito?" Bigla kong natanong.

"Wala lang, mag paparty lang? Bakit masama ba?" Tanong ni Jin hyung sakin.

Hindi ko alam kung bakit ko natanong yan.

"Hindi naman." Tangi kong nasagot at si Trisha na ang tinanong nila about sa pagiging fan girl niya sa iabng boy group.

Hindi ba naiinis ni Taehyung hyung dahil ibang boy group ang tinatanong nila kay Trisha? Pag saamin nga galit na galit siya eh.

Makalipas ang isang oras at natapos na din silang magusap. Pumasok na si Trisha sa kwarto niya pati narin sila Namjoon oppa.

Ako nalang ang naiwan dito sa sala. Mag gagabi na din ang bilis ng oras, parang kanina lang nasa palawan pa kami.

---------

Trisha Poin of View.

Mabilis ang pag daan ng araw namin at gabi na, pupunta ngayon dito ang grupong Got 7.

Excited na ko dahil magkakaron daw ng simpleng party ngayon dito sa dorm.

Ngayon lang kasi ang Free time ng Got 7 at free time namin kaya biglaang sched lang din ang nangyare.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, naririnig ko naman sila sa labas na nag aayos na kaya naman inaayos ko na din ang susuotin ko.

Excited na ko dahil ngayon ko lang sila ma memeet. Bias ko pa naman doon si Bambam at Jb.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakapag desisyon nadin ako kung ano ang susuotin ko.

Navy blue na croptop hoodie at simpleng short lang.

Nag gandang pulbo at liptint lang din ako. Di na ako nag make up na malala simpleng party lang naman to at dito lang sa bahay.

Pagkalabas ko ng kwarto ayos na ang lahat. Alas otso nadin ng gabi, sabi nila papunta nadaw sila kaya naman naupo muna ako sa sofa habang ang iba ay nag bibihis pa.

At dahil hindi ako pwedeng uminom makiki happy nalang ako sakanila at makikikain.

Sabay sabay silang nag si labasan ng kwarto, sabay naman non ang pag tunog ng door bell.

"Nandito na sila." Masayang sabi ni Jhope Oppa.

Lumabas si Jin Oppa at Suga Oppa para sunduin sila sa gate.

Ako naman ay nandito sa sofa nakaupo hinihintay na makapasok sila.

Pagkapasok nila tumayo agad ako. Tinatakpan ako ni Jungkook oppa.

Nangaasar nanamn siguro to.

"Trisha where are you?" Sabi ni Jin oppa.

"I'm here!" Sigaw ko atsaka tinulak si Jungkook oppa dahilan para mapaupo siya sa sofa.

"Ahm, guys this is Trisha. The only girl in our group." Introduce sakin ni Namjoon oppa.

"Nice to meet you trisha" biglang banggit ni Mark.

"Nice to meet you to guys." Sabi ko sakanila ng nakangiti.

"Hi Trisha! I'm your fan since you debut" bigla naman sabi ni Bambam na kina-init ng pisngi ko.

"Really? Thankyou! Fan mo din ako." Sabi mo sakanya.

Ngumiti naman siya ng nakakagiliw.

Bigla naman gumitna si Jungkook oppa samin.

"Tara na kumain na muna tayo." Pag aaya ni Jungkook oppa sakanila.

Mukang si Jungkook Oppa ang pumalit sa ugali ni Taehyung oppa ah?

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon