Nakahiga na ko sa kwarto ko at hindi padin ako makatulog.Paikot ikot lang ako sa higaan ko at patuloy na iniisip yung sinabi ni Jungkook Oppa sakin kanina.
"Oo na nag seselos ako, masaya kana? Oo nagseselos ako kasi ang saya saya mo kasama si Bambam, nag seselos ako kasi pag ako kasama mo parang inis na inis ka sakin. Oo nag seselos ako. Gusto kasi kita! Mahirap bang mahalata yun? Hindi mo ba nararamdaman na gusto kita?!"
Gusto kasi kita!!
Gusto kasi kita!!
Gusto kasi kita!!
Paulit ulit na naririnig ko kaya bigla akong napa upo sa kama ko.
Ginulo ko ang buhok ko dahil hindi kona talaga kaya grabeng lakas ng kabog ng dibdib ko.
Halos hindi ko nga alam kung pano ako nakaalis sa harapan niya kanina.
Tinignan ko ang oras na. 3am na pala, kanina pang 1am natapos ang party nila.
Napag desisyonan kong lumabas ng kwarto at mag kumuha ng tubig.
Pag ka labas ko ng kwarto nakita ko sila Jin Oppa na naka bulagta parin sa sofa.
Mga lasing na sila kaya hindi na sila naka pasok sa mga kwarto nila.
Hindi nadin pala nakauwi sila Mark Oppa. At mga naka salampak na sila sa sahig. Natiis nilang matulog sa ganto ka kalat na sala?
Nag lakad na ko papuntang kitchen at doon kumuha ako ng tubig.
Pagkasarado ko ng ref nagulat ako ng nandoon si Jungkook Oppa.
"Ba-bakit gi-gising kapa?" Utal utal na tanong ko sakanya habang hindi alam ang gagawin.
"Totoo yung sinabi ko sayo kanina." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pang ulitin?????
"Ah, pabayaan mo na yun." Sabi ko sakanya at tsaka ko siya tinalukaran paalis.
Bigla niya naman akong hinila at hinarap sakanya. Nanlaki ang mata ko ng maglapit ang labi naming dalawa.
Hindi ko alam. Pero nalalasing ako sa halik niya, gusto kong mag pumiglas pero hindi ko magawa.
Gusto ko siyang itulak pero walang lakas ang mga kamay ko para gawin yon.
Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakahalik niya sakin.
"Totoo ang lahat ng yon. Gusto kita. Pabayaan mo kong gustuhin ka, wag mo sana akong pagbawalan na gustuhin ka." Sabi niya habang naka tingin sa mga mata ko.
Hindi ko padin alam ang gagawin ko. Nakatulala padin ako sa ginawa niya.
"Ehem" natauhan naman ako ng may marinig akong ubo galing sa likuran ko.
Pag kaharap ko doon nakita ko si Suga Oppa naka taas ang kilay habang naka sandal at cross arm sa pinto ng kitchen.
"Bakit gising pa kayong dalawa? Anong oras na ha." Seryosong sabi ni Suga Oppa.
Hindi na ko sumagot. Nag madali nalang akong maglakad paalis sa kusina at dumeretso ako sa kwarto ko.
Pag kasarado ng pinto tyaka lang ako naka hinga. Ilang minuto ko din pala pinigilan ang paghinga ko.
Tumakbo ako sa higaan ko at doon nag talukbong at pinilit kong makatulog.
Pagkagising ko kinabukasan para akong lutang. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi.
Naghilamos lang ako at tsaka lumabas ng kwarto.
Nakita ko padin sila, bulagta sa sala.
Lumapit ako sakanila, naisipan kong linisin yung mga kalat nila dito.
"Jin oppa!!! Hoseok oppa!!! Namjoon oppaa!!! Wake up!!!" Sigaw ko sakanila.
Naginungot lang sila at umikot sa hinihigaan nila pero hindi padin sila gumigising.
Inisa isa ko ang pag gising sakanila.
"Jin oppa!! Wake upp!!.. ya! Hoseok oppa!! Gising naa!! Namjoonie oppa!!! Gising na please mag lilinis na koo!! Jackson oppa!! Wake up nay schedule padaw kayo ngayon." Halos mamaos na ko sa kakasigaw dito pero hindi padin sila nagigising.
Pumunta ako sa harap ng studio ni Suga Oppa, alam kong siya nalang kasi talaga makakatulong sakin sa pag gising sa mga lasing na lalaki na yun.
Pinindot kona ang doorbell niya dito sa studio niya, studio niya lang ang may sariling doorbell dahil pag kumakatok daw kasi kami hindi niya naririnig.
Mabilis naman bumukas yung pinto niya.
"Wae?" Bungad na tanong niya sakin.
"Thank god at gising kana. I need your help oppa." Naiiritang sabi ko sakanya.
"What's wrong?" Sabi nya sabay labas ng studio niya.
Dinala ko siya sa sala kung saan andoon silang lahat naka bulagta.
Jin Oppa, Hoseok Oppa, Namjoon Oppa, Mark Oppa, Jackson Oppa, Jb Oppa, at si Jinyoung Oppa.
Nababaliw na ko, lahat sila naka bulagta sa sahig at sa sofa. Siguro si Bambam Yugyeom at Si Youngjae oppa nasa kwarto ni Jimin Oppa.
Tinignan ko naman si Suga Oppa pero pag kalingon ko wala na siya sa tabi ko.
Nakita ko nalang siya papalapit dito sa may dalang timba na puno ng tubig.
Binuhusan niya sila isa isa nagising naman silang sabay sabay.
"Jackson may schedule pa kayo ngayon. Kailangan nyo na mag ayos. Kayo naman Hoseok ayusin nyo na sarili nyo at doon niyo tapusin ang tulog niyo." Diretsong sabi ni Suga Oppa atsaka umalis na.
Nag sipag kilos naman na sila at ako naman sinimulan ko ng maglinis.
Nangmatapos na kong maglinis dumeretso ako sa kwarto ni Jimin Oppa.
At hindi ako nag kakamali nandoon nga yung tatlo. Ginising ko na sila at pinag ayos na dahil aalis na din sila.
Pag ka tapos ko silang gisingin nagluto naman na ako ng kakainin nila pag gising nila.
Feeling ko katulong ako for today. Bakit pa kasi ako lang ang hindi lasing sakanila.
Si Suga oppa naman hindi ko na aasahan na tumulong sakin yun dahil alam nyo na.
Nangmatapos na ko mag luto sunod sunod na silang nag datingan sa dining area.
Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Jungkook Oppa doon.
Aalis na sana ako ng hawakan ni Taehyung Oppa ang kamay ko.
"Saan ka pupunta? Kakain na." Sabi niya ng inaantok pa.
"Wait lang may hahanapin pa ko." Pagdadahilan ko sakanya.
"Mamaya na Trisha. Kumain ka muna." Sabi ni Suga Oppa.
Wala na kong nagawa kaya naupo na ko sa tabi ni Jungkook. Ito kasi talaga yung permanent seat ko kaya wala na kong magagawa.
Hindi na ko nag salita. Kumain nalang ako at hindi na ko umimik sa kanila.
Nag usap usap sila. Nirecall nila yung mga ginawa nilang katarantaduhan kagabi.
At doon naalala ko nanaman ang nangyare samin ni Jungkook Oppa kagabi.
Inalog alog ko ang ulo ko at mabilis na tinapos ang kinakain ko.
Pagkatapos ko kumain tumayo agad ako at hindi na ko nag salita umalis na ko at dumeretso na ko sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto naligo agad ako. Gusto kong umalis sa bahay na to para makapag isip kung anong gagawin ko para makaiwas kay Jungkook oppa.
Naiilang ako sa nangyare samin kagabi at bawal ang gusto niyang mangyare. Mayayari kaming dalawa sa manager namin.
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanfictionIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...