Nandito ako ngayon sa 7/11 nagutom kasi ako bigla kaya napag desisyonan kong lumabas sa dorm.10 pm na at tapos na din kaming kumain pero hindi ako nakakain ng maayos dahil katapat ko kanina sila Jungkook Oppa at si Zoe.
Magisa lang ako dito sa 7/11 kumakain ako ng Noodles habang nakatingin sa kalsada at binibilang ang mga dumadaan na sasakyan.
Hindi ako nakikilala ng mga dumadaan dahil naka cap ako at nakasalamin.
"Excuse me miss." Boses ng lalaki.
Napalingon naman ako sakanya. Naka cap din siya tyaka naka mask may hawak din siyang noodles.
"May nakaupo naba dito trisha?" Nanlaki naman ang mata ko dahil alam niya ang pangalan ko.
Ibigsabihin nakilala niya ako.
"Wag kang mag alala, si Jin to." Sabi niya na kinaluwag naman ng pag hinga ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Kakain, sasamahan ka." Sabi niya atsaka naupo sa tabi k.
"Pano mo nalaman na nandito ako?" Takang tanong ko sakanya.
"Secreeeet!" Sabi niya pa at tsaka tinanggal ang mask niya tsaka kumain.
Tahimik lang kaming kumain. Nang matapos na kami kumain bigla naman niyang binasag ang katahimakan.
"Narinig ko kayo nila Zoe kanina na nag sasagutan ah." Napatingin naman ako sakanya.
"Wala yun. Pinagsabihan ko lang sila pabayaan mo na yun." Sabi ko sakanya.
"May gusto kana kay Jungkookie no?" Bigla niyang tanong sakin.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Nababaliw kana ba Jin oppa? Bakit naman ako magkakagusto sakanya. Tyaka bawal yun alam mo naman." Sabi ko sakanya.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at halata mong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Hay nako alam ko namang hindi ka maniniwala eh" sabi ko sakanya.
Tumawa lang siya kaya naman napairap ako.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at tinapon ang pinagkainan ko tsaka lumabas na ng 7/11.
Sumunod naman agad sakin si Jin oppa at sinabayan ako sa paglalakad.
"Bakit hindi mo pakinggan yung explaination ni Jungkook-ssi?" Bigla niya sabi.
"Bakit? Para saan? Wala naman sakin yun eh." Sabi ko sakanya na may pilit na ngiti.
Patuloy kami sa paglalakad pauwi sa dorm ng biglang may sumigaw ng panagalan niya.
"JIN OPPAAAAAAA!!" Sigaw ng grupo ng mga babae na nakakuha ng atensyon ng maraming tao at napatingin samin.
Nagkatinginan naman kami ni Jin oppa. Mayayari kami sa manager namin kapag kumalat sa social media na lumabas kami ng dorm ng hindi nag sasabi.
Tumakbo kami ni Jin oppa ng mabilis at mabilis din kaming sinundan ng mga babae sa likod.
"Ano nang gagawin natin?!" Tanong ko sakanya habang tumatakbo kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/117393143-288-k382179.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanfictionIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...