F I R S T T I M E .
Paalis na ko, nasa baba na din yung sundo ko. Hindi sundo na papunta langit. Ibang langit haha.
Pagkababa ko binaba nadin ni Kuya Tatym yung maleta ko. May mga naiwan pa kong gamit dito sa bahay pero konti nalang.
"Magiingat ka palagi ha, wag kang pasaway." Pangangaral sakin ni Kuya Tatym.
"Mamimiss ko kayo, wag kayong mag alala My pupunta punta din ako dito." Sabay ngiti ko sakanila. Niyakap naman nila ako.
Hinatid na nila ako palabas sinakay nadin nila Kuya Troy yung maleta ko sa van na pinangako ni Manager Jack na susundo sakin.
Kiniss ko na sila Mommy pati narin sila Kuya at sumakay nadin ako sa van.
Nung umalis na yung van na sinasakyan ko tinignan ko lang sila sa side mirror habang kumakaway sakin.
"Ma'am baka po may gusto muna kayo puntahan o may gusto muna ho kayong bilhin bago ko po kayo ihatid sa dorm ng bts?" Tanong sakin ng driver.
"Wala na po manong diretso nalang po doon. Marami daw po kasing ipapagawa sakin si Bangpd-nim kaya kailangan ko din pong makarating don agad." Nginitian ko nalang siya. Muka siyang mabait.
Tumango nalang si manong at nag patuloy ng pagdadrive patungo sa pupuntahan namin.
Mahigit isang oras din ng makarating kami sa Dorm kung saan nakatira ang Bangtan boys di ko maimagine na dito na ko titira na kasama ko na sila dito.
Bumaba ako ng van at dumeretso sa harap ng gate. Actually hindi lang siya mukang basta dorm, para siyang bahay ng mayaman na pamilya. Hindi siya totally mansion pero parang ganon nadin.
Nag doorbell na ako, nag antay lang ako ng ilang minuto ng bumukas na yung gate. Sinilip ko muna ito kung may nag bukas pero wala.
"Baka automatic" bulong ko sa sarili ko. Napailing nalang ako.
Tinulungan ako ng driver na maipasok ko sa loob ng gate yung mga maleta ko. Bale 5 maleta ang dala ko.
"Thankyou po." Nginitian nalang ako ng driver at umalis na din siya.
Hinila ko naman papunta sa tapat pintuan ang mga maleta ko isa isa. May 4 steps kasing hagdan kaya kailangan isa isa.
Nang malagay ko ang mga maleta ko sa harap ng pintuan kakatok palang sana ako pero bigla ng bumukas ang pinto.
"Kanina kapa jan?" Tanong niya saakin ni Suga.
"A-ah oo, in-inakyat k-ko pa kasi to dito ka-kaya me-medyo na-natagalan sa pag katok." Utal utal at hingal kong sagot sakanya.
Napalingon naman ako sa likod niya at doon nakita ko na nagmamadaling lumapit samin si V at si Namjoon
"Anjan kana pala. Kanina kapa namin inaantay." Bungad ni V sakin.

BINABASA MO ANG
Dream Come True
Hayran KurguIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...