Dream Come True: Chapter 11

77 4 0
                                    


Naglakad pa kami ng ilang minuto ng pare-parehas na kaming nakaramdam ng pagod.

"Pahinga muna tayo" Sabi ni Jin Oppa habang hinihingal hingal pa.

Naupo sila sa sahig. Kitang kita mo sa mga itsura nila na napapagod na sila.

Binigyan naman kami ng staff ng tubig.

Habang umiinom ako ng tubig napansin ko na sumusulyap sakin si V kaya naman hindi na ko nag dalawang isip na lapitan siya.

"Hoy bata!" Tawag ko sakanya na kinasimangot niya naman.

"Anong bata?" Sabi niya at napatayo pa sa kinauupuan niya.

Sabay sabay namang silang natawang lahat, kasama na ako doon.

"Hehe, joke lang! Pansinin mo na ko di naman kita inaano eh!" Pag lalambing ko sakanya.

"Ikaw kasi eh! Pag pinaglalayo tayo sumasangayon kadin!" Sabi niya pa sakin.

"Syempre close na tayo, so bigyan naman natin ng pagkakataon yung iba na maging close pa ko lalo diba." Pageexplain ko sakanya.

"Oo na sige na!" Sabi niya pa at ngumiti ng nakakaloko. "Basta ako padin best best friend mo ha!" Pahabol niya pa.

"Oo na po bata!" Pangaasar ko pa sakanya.

Ngumiti naman siya at naging masigla na ulit siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakarating na kami sa tuktok.

Nawala lahat ng pagod ng makita namin kung gaano kaganda dito sa taas.

Pareparehas kaming napanganga sa sobrang ganda dito.

"Wow" tanging naiusal nalang namin sa sobrang ganda dito.

Dito na namin napag desisyunan kumain ng umagahan, di kasi kami nakapag breakfast kanina dahil umalis na kami agad sa bahay.

Hindi nanaman lumalayo sakin si V oppa simula ng magkalinawan kami.

"So i will group you into 3." Biglang singit ng Manager Director habang kumakain kami.

"Namjoon and Jin for the first group. Jimin, Jhope and V for the second group. And the last group will be Suga, Jungkook and Trisha." Nalungkot nanaman ang muka ni V kaya naman tinapik ko siya agad.

"Ok lang yan!" Pag cheer up ko sakanya.

Nginitian niya naman ako atsaka patuloy na nakinig sa Manager Director.

"So ang kailangan nyong gawin ay paunahan maka baba sa bundok na ito. Ang unang makakababa ay makakakuha ng 20,000 ang second naman ay 10,000 at ang last ay walang makukuha."

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon