Jungkook's POV
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Miss na miss ko na si Trisha.
Hindi ko naman siya masisisi kung galit siya sakin. Alam kong mali ang ginawa ko pero para sakanya din naman yun.
Si mommy ang may gustong mag karon kami ng relasyon ni Jasmine, sinabi ko naman sakanya na ayoko pero ang sabi ni mommy sisirain nya ang career ni Trisha pag hindi ko ginawa ang gusto niya.
Nag kasundo na kasi si mommy at yung mommy ni Jasmine about doon kaya wala na akong nagawa. Alam din ni Jasmine yon, ang usapan namin kung maaari saming dalawa lang ang nang yayare kaya medyo nagulat ako ng mag pakilala siya kay Trisha.
After noon, kinausap ko si mommy na sobra na ang gusto niyang mangyare kaya pinatigil ko na iyon. Sinabi ko sakanya na pprotektahan ko si Trisha kahit na anong gawin nila.
Kaya nang makabalik si Trisha sa dorm palagi akong wala dahil inaayos ko ang gulong ginawa ko. Inexplain ko kay Bang pd-nim kung anong totoo pati narin sa member kung bakit ganoon ang nangyare.
Kaya sinabi nilang hahayaan nila ako ang mag ayos ng gulong ginawa ko dahil pati sila hindi makapaniwalang magagawa ko iyon.
Nang dumating na ang bagahe ni Trisha agad kong kinuha yon at inabot sakanya.
"Thankyou" Walang emosyon na sabi niya.
Hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan ang pakiki tungo niya saakin. Sana pala una palang pinili ko nalang na protektahan siya kesa ang gawin ang gusto nila mommy.
Dumating narin naman na ang iba pang mga bagahe namin kaya umalis nadin kami kaagad ng airport.
Dumeretso kami sa isang port kung saan sasakay kami sa isang yatch para makarating sa tutuluyan naming bahay.
4 hours ang tagal papunta sa bahay na tutuluyan namin kaya naman napag desisyonan naming kumain muna. May mga kwarto din dito kaya kung gusto matulog pwedeng pwede.
Habang kumakain kami hindi ko mapigilan mapatingin kay Trisha, nakikipag tawanan siya kela Taehyung hyung kaya hindi niya ako napapansin.
Trisha's POV
Nang matapos kaming kumain nag pumasok na si Yoongi oppa at RM oppa sa kwarto para mag pahinga, nag lalaro naman ng uno si Jin oppa, Jimin oppa, Taehyung oppa at Hobi oppa. Naka tabi lang sakanila si Jungkook oppa habang may hawak na beer in can.
"Pahangin lang ako sa taas." Pag papaalam ko sakanila tsaka ako tumayo at umakyat sa taas.
Pag ka akyat ko naramdaman ko kaagad ang preskong hangin. Hapon na kaya naman hindi na masyadong mainit. Naupo lang ako sa pabilog na upuan sa gitna at natulala sa ganda.
Pangarap ko talagang makarating dito, noon pa man gustong gusto ko na mapunta dito.
Pero hindi ko naman ineexpect na medyo mapait ang pag punta ko dito.
Habang nakatitig lang ako sa kawalan biglang may umupo medyo malayo sakin. Hindi na ako lumingon dahil alam kong si Jk oppa yon, amay palang alam ko na.
Tahimik lang kaming dalawa habang naka titig sa kawalan. Nang masyado na akong na awkward-an saming dalawa tumayo na at aalis na sana pero bigla siyang nag salita.
"I'll make this up. I hope you can still forgive me." nakatitig padin siya sa harap ng lingunin ko siya.
Hindi na ako nag salita at tuluyan ng umalis doon, dumeretso ako sa cr dahil alam kong babagsak na ang mga luha ko.
Bakit parang ganob lang kadali sakanya lahat? Ganon ba talaga tingin niya sakin? na kapag nasira niya madali nalang ayusin?
Pinunasan ko ang luha ko at nag hilamos bago ako lumabas ng cr. Napalingon naman sakin sila Jimin oppa na nag lalaro padin ng uno.
"You ok?" bungad sakin ni Jin oppa.
Nginitian ko sila "Oo naman." masiglang sagot ko sakanila tyaka ako umupo sa tabi ni Hobi oppa.
Maya maya naman ay pumasok na din si Jungkook oppa na mukhang katatapos lang din umiyak.
"Oh what's wrong? umiyak ka?" nakangising tanong ni Jimin oppa sakanya.
"H-ha, hindi ah. Yung hangin lang sa labas." Pag tanggi niya.
"Sabagay ganyan din itsura ni Trisha pag balik dito." nakangising pading sagot ni Jimin oppa.
Ngumiti naman silang lahat ng nakakaloko kaya hindi ko nalang sila pinansin at umalis nalang doon.
Pumasok ako sa isang kwarto at doon ako nahiga, hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako kaya naman ng magising ako nag reready na silang bumaba.
Kinuha ko na agad ang maleta ko at inayos ang iba ko pang gamit. Namangha ako sa itsura ng tutuluyan namin.
Pag kababa palang ng yatch bubungad agad sayo ang dalawang sofa na pa L at may hagdan sa gitna papasok sa bahay. May slide din sa gilid at may pool din.
Sa gitna ito ng dagat nakatayo pero medyo malapit nadin sa beach. Malaki din ang loob, sa second floor may 4 na bedroom. Yung dalawang kwarto may tig dalawang bed may ang isa naman at may 3 bed at ang isa ay solo lang.
Malaki din ang sala neto, may malaking tv at may paikot na sofa. Puro glass ang nakapalibot samin kaya kitang kita ang kagandahan sa labas. Tanaw naman mula sa kusina ang pool, may hagdanan din doon paakyat sa slide diretso sa dagat.
"Ok, mag papahinga muna kayo ngayon dahil alam kong pagod kayong lahat sa byahe. Tomorrow afternoon pa ang schedule niyo for adventure kaya mahaba haba ang pahinga nyo." sabi ng isa sa mga staff namin.
Nag set up na ng mga camera sa buong bahay at tsaka umalis nadin sila. Meron din sila tinutuluyan na ganito pero mas malaki ang saamin.
Naligo lang ako at nag bihis ng pajama tsaka sleeveless na croptop at dumeretso na sa kusina para mag ready ng kakainin namin.
Naabutan ko naman doon sina Jin oppa at Yoongi oppa na ang reready nadin ng makakain namin.
Maya maya mag sun set na kaya napag desisyonan namin sa labas kumain mamaya.
"Do you need some help?" tanong ko sakanila habang kumakain ako ng strawberry na nakuha ko sa ref.
"Kaya na namin to. Take a rest." sabi ni Yoongi oppa.
Tumango naman ako at dumeretso na sa sala para makinood nalang kela RM oppa at Hobi oppa.
Pare-parehas kaming nakapag linis na ng katawan bukod kay Jimin oppa, V oppa at Jk oppa na wala pa dito. Siguro naliligo palang sila.
Nang dumating na silang tatlo sakto namang tapos nadin mag luto sila Jin oppa kaya nag ayos na kami ng mga gagamitin sa labas.
Habang inaayos ko ang mga gagamitin namin sa labas namangha ako sa ganda ng tubig. Ang linaw kitang kita mo ang ilalim kaya tumayo ako para picturan iyon.
Nang pabalik na ako sa pag aayos bigla akong nawalan ng balance at mahuhulog na sana sa tubig ng may biglang humatak sakin.
"Are you ok?" nag aalalang tanong ni Jk oppa sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/117393143-288-k382179.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanfictionIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...