Dream Come True: Chapter 39

30 1 0
                                    

Pina-nood ko nalang sila kumain dahil tapos naman na ako.

"Ang aga mo naman ata nagising ngayon Trisha?" Sabi ni RM oppa habang tumutusok ng hotdog na niluto.

"Maaga ako nag pahinga kagabi kaya maaga din akong nagising." Sagot ko sakanya habang umiinom ng orange juice na gawa ni Yoongi oppa.


"Eh maaga din daw nagising tong si Kookie sabi niya." sabi ni Jimin oppa.


"Hindi ako lumabas ng kwarto." Pag sisinungaling niya. Napatingin naman siya sakin.



Tumango naman si Jimin oppa at Taehyung oppa nang nakangisi. Parang nangaasar pa mga mukha.


"Akala ko ba lumabas ka tapos---" Hindi na natuloy ni Taehyung oppa ang sasabihin niya ng subuan siya ng egg ni Jk oppa.



Napatawa naman silang lahat doon at wala padin akong reaksyon.


Sabay sabay kaming napalingon ng pumasok ang manager ko at may dala dalang mga damit.

"Goodmorning guys, ito ang mga susuotin nyo mamaya." Tinaas niya ang isang bag na puno ng damit. "Ikaw Trisha mag bibikini ka dahil summer package ito." Sabi niya sakin.


"Ha?! sana sinabi kaagad sakin para hindi ako kumain ng madami." gulat na sabi ko habang papalapit ako sakanya.


"Dapat alam mo na yun, kelan ka nakakita ng naka jacket sa beach??" pilosopong sagot niya sakin kaya napasimangot nalang ako habang tinitignan ang tube na two piece na kulay black.


"Sexy ka pa rin naman ok lang yan!" sigaw ni Jin oppa sa kusina.


"Oo nga daw sabi ng katabi ko!!" dagdag pa ni Taehyung oppa habang nakaturo kay Jk oppa. Tinignan naman siya ng masama neto kaya napa baba ang kamay niyang nakaturo dito.

Napangiti naman ako sa itsura ni Taehyung oppa dahil mukha siyang takot na aso sa mukha niya. Nagtama tuloy ang tingin namin ni Jk oppa kaya napaiwas din ako kaagad.



Nang mag tanghali na hindi na ako kumain ng lunch at nag workout din ang ng konti para maganda ang hubog ng katawan ko sa litrato.


Suot kona ang tube two piece black ba binigay sakin at sinuotan ko muna iyon ng maong na shorts dahil sasakay pa kami ng yatch bago makarating sa mismong beach.

Nang makarating kami sa beach ay nandoon na ang ibang staff at nag reready na sila. May isang cottage doon na may sofa at doon kami pinaderetso.

Naunang kuhanan sina Jimin oppa, RM oppa, Jin Oppa at Yoongi oppa. Kaya kami lang ang naiwan dito sa cottage.

Natatakam nako sa pag kain na nakahain dito pero pinipigilan ko ang sarili ko na kumain dahil baka lumaki bigla ang tiyan ko mahirap na.

Naka upo lang ako sa sofa habang nag ccellphone ng biglang may lumapit saakin ng foreigner.

"Hi." Bati niya sakin ng nakangiti. "You look hot, can I get your name?" Nagtaka naman ako dahil bakit walang security ang pumigil sakanya pano siya nakalapit dito.

"I'm sorry, but I can't give you my name because---" napatigil ako sa pag sasalita ng hilain niya ako bigla sa bewang.

"Why not babe that's sad" mapang akit niyang bulong akala niya naman naaakit ako.

"What the fuck?! get off me!!" sigaw ko sakanya sabay tulak pero madiin ang pag kakahawak niya saakin.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang mapalayo saakin at bigla nalang bumagsak sa lapag ang kanong humawak saakin.

Agad namang lumapit saakin si Taehyung oppa.

"Are you ok?" nag aalalang tanong niya.

Tumango lang ako sakanya at binalik ang atensyon ko sa dalawa, nakitang kong kinuwelyohan pa ni Jk oppa ang kano pero pinigilan nadin siya ng mga staff.

Pabagsak niyang binitawan ang kano atsaka nag lakad na palayo.

"Where's the security??" Sigaw ni Hobi oppa.

"Kasama po sila doon sa set ng pictorial para mag bantay madami po kasing tao doon." paliwanag ng baguhang staff habang nakayuko.

"Wala manlang iniwan dito?? Kayo?? kahit kayo hindi niya napansin na may papalapit dito??" Galit na sigaw ni Jk oppa sakanila habang nakahawak sa kamay niyang pinangsuntok sa kano kanina.

"Sorry po hindi po namin napansin--" pag hindi naman ng tawad ng isa pang staff.

"Enough." walang emosyong pag putol ko sa sasabihin niya. "I'm good, walang may kasalanan sainyo. We're all busy at hindi napansin yun." sabi ko sakanila. Napatingin naman silang lahat saakin. "No need to say sorry." Tsaka ko sila nginitian at umalis doon.

Nag punta muna ako sa cr at nag salamin doon.

"Walang may kasalanan, tama ka Trisha. Walang dapat sisihin. Kawawa naman sila at pare-parehas lang kaming nag ttrabaho." sabi ko sarili ko dahil nagagalit ako sa loob dahil sa ginawa padin ng kano na yun.

"Pero dapat padin akong mag thankyou kay Jk oppa diba?" napaisip ako bigla.

Lumabas nalang ako doon at bumalik na sa cottage. Pagkabalik ko may tatlo ng security doon at nakaupo padin sila sa sofa habang nag hihintay.

Umupo lang ako sa tabi ni Taehyung oppa, napatingin naman siya sakin.

"You should say thankyou to Jungkook." Napatingin naman ako sakanya ng bumulong siya sakin.

Hindi na ako nakasagot sakanya ng tawagin na kami ng isa sa mga staff at papuntahin na sa lugar kung saan kami mag shoot.

Hinubad ko na ang maong shorts ko at ibinigay iyon sa stylist tsaka ako sumunod sakanila.

Malaking rock formation ang spot namin at pwede kang sumilong sa ilalim sobrang ganda dito.

Umakyat ng konti si Hobi oppa at Taehyung oppa at naiwan naman sa baba ay ako at si Jungkook oppa.


"I think you better take off your shirt Jungkook." sabi ng photographer kay Jk oppa.

Tumango naman siya at ginawa iyon. Nang tanggalin niya ang beach polo niya eh napaiwas kaagad ako ng tingin.

Nag take lang kami ng iba't ibang pose at nag palit kami ng pwesto nila Hobi oppa.

Naunang umakyat si Jk oppa at inabot niya saakin ang kamay niya. Wala naman na akong ibang choice kundi abutin yun dahil ayokong masugatan sa mga batong to no.

"Thankyou." walang emosyong sabi ko sakanya. Tumango lang siya ulit at hindi sumagot.

Alam kong galit padin siya dahil sa nangyare kanina dahil hindi siya nag sasalita simula nangyare iyon. Kasalanan ko ba yon? Hindi ko kasalanan yun bakit siya magagalit sakin.

"And..." putol na sabi ko kaya napalingon siya. "About sa kanina, thankyou din." sabi ko sakanya at nginitian siya ng konti.

"Yan ganyan tingin ka lang sakanya Jk" biglang sabi ng photographer kaya napalingon ako dito.

Nakatingin saakin ngayon si Jk oppa habang naka tingin naman ako sa harap at yung dalawa naman sa baba halatang nakangisi.

Nang matapos na kami mag pictorial humarap na ako sakanya.

"Actually hindi mo naman kailangan gawin---" napatigil ako sa pag sasalita ng biglang mag tama ang mata namin.


"Anong hindi kailangan? Binastos ka niya Trisha. He deserve more than that."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon