Almost two weeks na ang nakalipas simula ng mangyare ang issue about saaming dalawa. Isang linggo nadin akong nandito sa condo ni Kuya Tally.
Hindi ko sinasabi sa kahit kanino kung saan ako tumutuloy bukod kay Yoongi oppa. Dahil nakausap niya si Kuya Tally noong nakaraan.
Kinausap niya nadin ang manager ko about dito at pumayag naman siya at nangakong aayusin ang gulong nangyayare ngayon.
Maaga akong nagising at hindi ko pa madilat ng maayos ang mga mata ko dahil sa namamaga ito kakaiyak ko kagabe.
Nag check kaagad ako ng social media ko, mas lalong dumami ang mga article na nag labasan kumpara noong mga nakaraang araw dahil sa nag kalat na litrato nila ng babae niya.
Napag desisyonan kong mag work out muna dahil masyado akong maaga nagising. Kaya naman pumasok na ko sa banyo para maligo, nag suot nalang ako ng sports bra na black at leggings na above the knee at nag sapatos.
Tulog pa si Kuya Tally kaya nag iwan nalang ako ng note sakanya.
Pag kalabas ko ng unit ni Kuya Tally napabuntong hininga nalang ako at bumulong sarili.
"You can do this Trisha, start the day like there's nothing happen." pag encourage ko sa sarili ko tyaka ako dumeretso sa parking lot para sumakay na sa sasakyan ko.
Pag dating ko sa gym isa lang ang naabutan ko doon, hindi ko nalang pinansin at dumeretso na ko sa treadmill.
Pagkatapos kong tumakbo nag stretching lang ako ng kaunti atsaka ako ng planking, ilang oras pa ang tinagal ko sa gym atsaka ko napag desisyonan na maligo na para makapag breakfast na ako.
Habang nag bibihis na ako may babaeng pumasok sa shower room.
"Balita ko nandito daw kanina si Trisha ha." pangalanan natin siyang girl 1.
"Oo nga daw, paano niya kaya nakakayang lumabas ngayon sa ganong sitwasyon no" siya naman si girl 2
"Hindi niya naman kailangan mag paapekto sa nangyayare eh, dapat nga ipakita niya pa dun sa dalawa kung sino yung sinayang." si girl 1
"Oo nga maganda siya dapat hindi siya pumapayag ng ganon." dagdag pa ni girl 2.
Doon ako napa isip na, tama sila. Hindi ako dapat nag mumukmok dahil sa nangyare, dapat ipakita ko kung sino yung sinayang at ginago nila.
Sinuot ko lang ang white oversized shirt ko at neon jogging pants tsaka ako lumabas ng cubicle. Agad naman nanlaki ang mata ng dalawang babaeng naguusap kanina.
Niyakap ko silang dalawa na mas lalo nilang kinagulat.
"Thankyou for the advice girls." Sabi ko sakanila tsaka ko kinuha ang gym bag ko tsaka ako umalis.
Habang papalapit ako sa sasakyan ko nakita ko kaagad na may tatlong journalist na nandoon. Nang mapansin nilang paparating na ako umayos sila ng tayo at nag handa ng kulitin ako.
Ang aga aga mangungulit sila, natulog ba silang maayos o mas inuna nilang mangialam ng ibang buhay.
Nang tuluyan na akong makalapit sa sasakyan ko agad nilang nilapit ang kanya kanya nilang recorder.
"Totoo po ba yung issue na kumakalat ngayon?"
"Ano na pong sitwasyon nyo ngayong dalawa ni Jungkook?"
"Kilala mo ba yung babaeng kasama niya sa litrato?"
"Totoo bang hiwalay na kayo ni Jungkook? Kamusta ka ngayon?"
I need to do this.
"Yes we're over. And definitely ok. Im happy. Thankyou." Nginitian ko lang sila atsaka ako pumasok sa sasakyan ko at umalis na.
Dumeretso muna ako sa Salad Stop para umorder ng pagkain ko, nag drive thru nalang ako para mabilis.
Habang hinihintay ko ang pagkain ko biglang nag ring ang phone ko at nang icheck ko kung sino yun nakita ko ang pangalan ng manager ko kaya sinagot ko kaagad.
[How are you? Can you come to our meeting later?] Bungad ng manager ko.
I can do this. I need to do this.
"Ofcourse I can. Just send me the details." atsaka ko binaba ang tawag. Kinuha ko lang ang order ko tsaka umuwi na sa dorm ni Kuya Tally.
Pag kadating ko doon ay wala na siya, pero may iniwan din siyang note sa coffee table.
"I'm off to work. I love you keep on fighting baby girl." Napangiti naman ako sa note niya.
Chineck ko ang phone ko at sinend na ng manager ko ang detail ng meeting.
Manager Jackson: 2pm. Meeting room with other member. You sure you can come? I can tell you naman kung ano pag uusapan if you don't want to come.
Me: Ofcourse I can come. I have no any reason not to attend the meeting.
Me: Don't worry, I'm all good. :)
Manager Jackson: Ok, just tell me if you need someone.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Kinain ko lang yung inorder kong salad at nag antay ng oras. Nang mag 12pm na tsaka na ako naligo ulit at nag bihis.
Ternong rainbow pastel color na hoodie at jogging pants lang suot ko pinartneran ko narin ng white nike shoes. Nag light make up lang din ako dahil mejo namamaga padin ang mata ko. Nag suot din ako ng classic rectangular shades.
Nang makarating ako sa loob ng building pinag titinginan ako ng mga tao. Pero hindi ko na sila pinansin at dire-diretso na sa meeting. Late na ako ng 10 minutes dahil medyo natraffic ako kanina.
Pag kapasok ko ng meeting sabay sabay silang napalingon sakin at nagulat pa sa presensya ko. Bukod kay Yoongi oppa na seryoso lang ang tingin at kay Jungkook oppa na walang emosyon ang muka.
"Parang nakakita ng multo grabe." Pag bibiro ko sakanila.
Mabuti nalang at wala pa si Bang Pd-nim at sila sila palang ang nandito tsaka mga manager.
Wala pang nakaupo sa seat ko sa tabi ni Jungkook oppa, at talaga triny nilang isave yun. Akala naman nila doon ako uupo.
Mabuti nalang at may extra chair pa sa gitna nila Hobi oppa at Yoongi oppa kaya naman doon ako naupo.
"At saan ka naman tumutuloy aber??" Nakataas na kilay na tanong sakin ni Taehyung oppa.
"Why? You already miss me?" nakangisi kong tanong sakanya.
"Syempre naman no!!" tumayo siya sa upuan niya at umikot papunta sakin tsaka ako niyakap.
Nag sinuran naman silang lahat atsaka ako inipit. Bukod kay Jungkook oppa at Yoongi oppa.
Nang bitawan nila ako sakto namang dumating na si Bang Pd-nim kaya nag si balikan na sila sa upuan nila.
"I want to start this meeting with the issue first." bungad niya pagka upong pag kaupo niya. Mukhang hindi naman naapektuhan doon si Jk oppa kaya kailangan ko din mag act na hindi na ako naapektuhan sa nangyare.
"I saw the video that you confirm your break up with Jungkook." Sabi sakin ni Pdnim
"I thought it's just a recorder." totoo naman wala akong napansin na camera kanina siguro nasa katawan nung mga journalist kanina. "And there's nothing wrong about it sinabi ko lang yung totoo." Matapang na sabi ko kaya napatingin silang lahat saakin.
Kung makatingin sila saakin parang hindi ako yung Trisha na nakilala nila. Grabe sila. Natauhan lang naman ako sa sinabi ng mga babae kanina.
"Pero image nating dalawa ang nakasasalay sa pag sagot mo sa kanila. It look like you admit that I cheated on--" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Jungkook oppa.
"Bakit hindi ba??" natahimik siya sa tanong ko. "So you want me to cover all your bullshit? Is that what you want?!"
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanficIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...