Trisha's Point of ViewNandito kami ngayon sa stage kung saan kami mag coconcert bukas.
Medyo pagod nadin kami dahil saglit lang ang tulog namin kanina sa hotel.
"Break muna tayo" sabi ng stage director.
Naupo agad ako sa stage at uminom ng tubig. Hinagisan naman ako ng towel ni Jungkook oppa.
Sinenyasan niya ko na punasan ang mga pawis ko.
Hindi kami masyadong nag didikit ngayon dahil nandito si Bang pd-nim, baka mahalata kaming dalawa.
Lumapit naman sakin si Yoongi oppa.
"Wae?" Tanong ko sakanya.
Hinagisan niya lang ako ng tubig at umalis na sa harapan ko. Pinaningkitan naman ako ng tingin ni Jungkook oppa kaya nginitian ko nalang siya.
"Mukhang may nag seselos" bulong sakin ni Jimin Oppa ng bigla siya tumawa ng malakas.
"Sino?" Kunyareng inosenteng tanong ko sakanya.
"Sus kunyare kapa. Narinig--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Hobi oppa.
"Let's get back to work!!" Sigaw niya.
Bumalik na kami sa pag papractice. Ilang oras lang ang lumipas at nag ayos na kami dahil malapit na magsimula ang concert namin.
Lumipas pa ang mga oras at natapos nadin ang concert namin, naging successful ang lahat wala masyadong error.
Dumeretso na kami sa hotel kung saan kami tumutuloy, nag tipon tipon kami sa kwarto ko at doon kumain ng dinner.
"Tired?" Bulong na tanong sakin ni Taehyung oppa.
Pagod na pagod kasi ako buong araw. Kahit maaga kaming natapos sa concert napagod padin ako.
"Yeah, but I'm fine" sagot ko sakanya ng nakangiti.
Bigla namang pumagitna samin si Jungkook oppa.
"Let's eat!!" Sabi niya.
Nang matapos na kami kumain nag balikan na sila sa kanya kanya nilang kwarto pero si Jungkook oppa nasa kabilang bed padin.
Dalawa kasi ang bed dito sa kwarto ko. Bawal akong makisama sakanila kaya ako lang mag isa dito.
"Hindi ka pa ba mag papahinga Jungkook oppa?" Tanong ko sakanya habang nag aayos ako ng isusuot ko dahil maglilinis na ako ng katawan.
"Dito ako mag papahinga." Maikli niyang sagot habang nakatutok sa cellphone niya.
"Pero bawal alam mo naman--" hindi na ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Nag paalam na ako, pumayag sila dahil wala nading bed sa kwarto namin nila Jimin Hyung." Sabi niya sakin.
Hindi na ko nag salita at dumeretso na ko sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Ano kayang magiging reaksyon ni Bang pd-nim pag nalaman niya yung about samin ni Jungkook oppa?
Ilang minuto pa akong nag isip kung anong magiging reaksyon ni Pd-nim ng biglang kumatok si Jungkook Oppa sa Pintuan.
"Are you ok? Kalahating oras kana jan hindi ka pa ba tapos?" Sabi niya ng may pag aalala sa boses.
"I-Im o-ok!" Nasagot ko nalang sakanya at nag simula ng mag linis ng katawan.
Nang makalabas na ko sa loob ng banyo naabutan ko si Jungkook oppa na tulog na.
Nag dahan dahan lang ako sa pagkilos para hindi siya magising.
Naupo ako sa bed ko at humarap sakanya.
'Napaka swerte ko sayo' tangi kong nasabi sa isipan ko.
Nagulat naman ako ng biglang dumilat yung mga mata niya.
"Titig na titig love ah" sabi niya habang naka ngisi.
Tinapik ko naman ang dibdib niya pero mabilis niya din itong nahawakan at hinila niya ako palapit sakanya dahilan ng pagkakahiga ko sa dibdib niya.
"Iloveyou love" bulong niya sakin.
"Jungkook-ssii ito na nga pala yung--" nagulat naman ako ng biglang pumasok si Jimin Oppa dala ang maleta ni Jungkook oppa.
Natigilan siya ng makita niya kami dalawa ni Jungkook oppa na magkapatong kaya agad din akong tumayo sakanya.
"Sorry mukang naka istorbo ako" sabi niya ng may pang aasar na tonon.
"No, mali ka ng iniisip kasi ano--" mag dadahilan palang ako ng bigla siya mag salita.
"Don't worry alam ko naman yung about sainyong dalawa. I mean alam naming lahat. Including Pd-nim" sabi niya sakin tyaka ako kinindatan at umalis na.
Nag taka naman ako sa sinabi niya, panong nalaman eh kagabi ko lang naman...
Napalingon naman ako sa likod ko nakita ko si Jungkook oppa na tumatawa ng mahina sa likod ko.
Nang mapansin niya nakatingin na ko sakanya ng masama tumayo na siya sa pagkakahiga at hinawakan ang kamay ko.
"Don't worry love, ok na ang lahat. Kinausap ko na si Pd-nim, at pumayag siya pero wag lang makakasagabal sa trabaho natin. Ok lang din daw na malaman na ng netizens siya na daw ang bahala kaya you have nothing to worry my love." Pag eexplain niya sakin. Bigla namang tumulo ang luha ko. Niyakap niya naman ako bigla.
"Stop crying my love it's ok. Sasabihin ko nalang sakanila na wag--" hindi na siya natuloy mag salita ng yakapin ko siya ng mahigpit.
"I'm so happy." Bulong ko sakanya.
Hinawakan niya naman ang muka ko at tyaka ako kiniss sa noo.
'So sweet'
"Stop crying na. Ok na ang lahat." Sabi niya sakin.
Kinabukasan nagising ako sa silaw ng liwanag na galing sa binatana.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isa sa mga importanteng lalaki sa buhay ko.
Hindi ko na namalayan sa iisang kama na kami nakatulog kagabi.
Dahan dahan akong tumayo sa kinahihigaan ko para hindi siya magising.
Lumabas ako ng kwarto namin at dumeretso ako sa kwarto nila Taehyung oppa.
Naabutan ko siyang ginugulo sila Jhope oppa at Jimin oppa sa pagkakatulog.
Nang mapansin niya ako nilapitan niya ako agad.
"Congrats!" Bati niya sakin.
"For what?" Kunyareng takang tanong ko sakanya pero alam kona kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Sainyong dalawa ni Jungkook-ssi" sabi niya sakin.
"Thankyouuu!" Sabi ko sakanya ng nakangiti. "Buti hindi ka galit or naiinis?" Tanong ko sakanya.
Nag lakad naman ako papunta sa bed niya at doon naupo.
Kinuha ko yung mga damit niyang magulo at tiniklop iyon.
"Hindi, kasi deserve ka niya at deserve mo siya. Masaya akong makita na masaya kayo sa isa't isa" sabi niya sakin ng nakangiti.
"Talaga ba?" Napalingon naman ako sa likod ko kung saan nandoon si Jimin Oppa. Hinampas naman siya ni Taehyung oppa.
Nakapikit pa siya, siguro nananaginip to.
Hindi kona iyong pinansin at nag paalam na sakanya.
Bumalik ako sa kwarto namin at tulog padin si Jungkook oppa.
BINABASA MO ANG
Dream Come True
FanfictionIka nga nila Expect the Unexpected, isang simpleng babae na natupad ang pangarap, hindi niya inakala na mapapabilang siya sa isang sikat na grupo na kanyang iniidolo. Ngunit magiging masaya ba siya kapag nakasama na niya ang mga ito? Makakabuti kaya...