RAFFY'S POV
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang nya saksakin ang isang babae. Nakita ko kung paano sya galit na galit sa babaeng sinasaksak nya ng walang habas. Gustong gusto ko syang pigilan pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
"Tama na po! Tama na po!" sigaw ko sa kanya.
Halos lahat ng nakasaksi sa nangyari ay hindi magawang lumapit sa kanya. Parang lahat kami ay naging animo'y mga estatwa.
Sobrang nakakatakot ang lugar na to. Puro mga manika na parang ginagamit sa pangkukulam. Sobrang daming mga libro at mga likidong may iba't ibang kulay.
"Tumigil na po kayo! Tama na!" sigaw ko pa. Halos umiiyak na rin yung mga taong kasama ko pero yung isang batang nasa tabi ko ay hindi man lang kumikibo.
Napatakip ako sa tenga ko nang marinig ko ang sigaw noong babae pagkatapos nyang saksakin ng walang habas yung isang babae. Nakakatakot sya, sobrang nakakatakot sya! Biglang nagkaroon ng animo'y ipo ipo sa lugar na yon habang sumisigaw yung babae kaya naman napahawak ako sa isang bakal doon pero yung mga paa ko ay hindi pa rin maalis sa kinatatayuan ko.
May sinasabi yung babae at tila isang dasal iyon. Nakita ko yung paano maging kulay itim lang yung mga mata nung babae, kulay itim lang sya at walang kulay puti kaya mas lalo akong natakot. Biglang dumating yung isa pang babae at itinapat sa kanya ang isang hugis krus kaya naman mas napasigaw yung babaeng bruha. Biglang may dumating pa na isang lalaki kaya naman napalingon doon yung babaeng may hawak na krus at nabitawan nya yung hawak nyang krus. Bigla nalang syang tumalsik dahil parang naglabas ng kapangyarihan yung babaeng bruha. Nagsimula na naman syang magsalita ng animo'y isang dasal.
"Tama na!" Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko dahil mukang binabangungot na naman ako.
Alam ko sa sarili ko na totoong nasaksihan ko ang ganoong pangyayari noon, pero bakit sa ngayon ko lang yon naaalala?
Sino ang mga taong iyon?
Anong koneksyon nila sa buhay ko?
Sino ba talaga ako?
Pinapatay na ko ng mismong konsensya ko kung bakit hindi ko man lang natulungan yung babaeng sinasaksak sa harapan ko. Hindi ito epekto ng droga sakin dahil yung mismong droga ang tumutulong sakin para malimutan ko ang ganoong pangyayari. Sa tuwing gumagamit ako ng droga ay nawawala ang alaala kong iyon. Sa tingin ko talaga, hindi ako pwedeng tumigil. Hindi bali nang mabaliw ako, basta mawala lang yon sa alaala ko.
Napahawak ako sa ulo ko nang bigla nalang itong sumakit.
"Arrrggghhhhhh! Ang sakkiiiittttt!!!!"
Namimilipit na ko sa sobrang sakit at halos pinupukpok ko na ang ulo ko dahil parang hindi ko na kaya.
May bumukas ng pinto ng kwarto ko at mabuti nalang dahil hindi ko ito nailock.
"Raffy!"
Sigaw ng isang tao nang makapasok na sya sa kwarto ko. Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Seddie.
"Seddie, ikaw ba yan? Tulungan mo ko! Arrggghhhh!!!!"
"May dala akong gamot, inumin mo 'to!" sabay lagay nya ng isang tableta sa bibig ko at maagap ko naman itong nilulon.
"Seddie, ang sakit!!!"
Wala namang magawa si Seddie kundi himasin ang ulo ko dahil namimilipit na ko sa sakit non.
"Drugs ba yung pinainom mo sakin Seddie? Gusto ko ng drugs, kahit anong klase!"
"Ano bang problema mo Raffy? Bakit hindi mo pa rin kayang tumigil?"
BINABASA MO ANG
Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved: #33 in Mystery/Thriller as of 01/20/18. "Dollhouse" is about a family that appears to be perfect on the outside looking in, yet it's far from it.