CHAPTER 30 SEPTEMBER 13 PART 2

1.1K 43 6
                                    

JUN'S POV

Wala talaga ako sa mood na makicelebrate sa birthday ni James dahil sa dami ng pinoproblema ko, isama mo pa 'yung mga bagay na bumabagabag sakin.

Sa tingin ko wala na kong karapatan para makisalamuha pa sa pamilya ng taong sinaktan ko. Idagdag mo pa 'yung baka ito na ang huling araw ni Jimson. At ang isang bagay na hindi ko maintindihan.. Ang panaginip ko. Napanaginipan ko kagabi ang isang lalaki na kamukang kamuka ni Thei. Meron siyang pakpak, pero sa tingin ko hindi sya isang anghel, at kung hindi nga sya anghel, isa syang demonyo.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip kong iyon at ngayon lang ako nanaginip ng ganon. Noon kasi, ang napapanaginipan ko 'yung mga magulang namin na humihingi ng tulong kaya naniwala rin ako na si Juliana nga ang Mommy namin dahil isinumpa daw sya sa bahay na 'to, pero sinungaling pala sya. At ang madalas ko nang mapanaginipan sa ngayon ay ang babaeng kapareho ng buhok ni Lisa na walang muka at sigurado na akong sya 'yon, napapanaginipan ko lang ang mga katangian nya doon at palagi ko syang kasama.

At 'yung napanaginipan ko kagabi, kakaiba talaga.

"Hoy Jun, kumain kana. Alam kong hindi ka naman nagdasal at kanina ka pa tulala dyan." Paninita sakin ng kakambal ko.

Tapos na pala silang lahat magdasal. Sa sala kami kakain kaya kanya kanya kami ng kuha ng pagkain sa buffet na inorder nila. Sobrang dami naman nilang inorder na pagkain, eh wala namang inimbitahan na bisita.

Sumandok ako ng ilang putahe ng pagkain na ngayon ko palang nakita. Hindi ko pa kasi natitikman ang mga ito dahil nga bago palang ito sa paningin ko.

Gustung gusto kong tabihan si Lisa pero baka kung ano lang ang mangyari. Tsk. Tumabi ako sa kaliwa ni Thei at napakunot ang noo ko dahil nasa kanan nya si Jisoo.

"Akala ko ba iiwasan mo na?" Bulong ko na sigurado akong hindi maririnig ni Jisoo.

"Umiiwas naman ako eh, tabi naman ng tabi." Bulong nya pabalik.

"Baka magamit mo 'yung kakayahan mo sa gagawin natin mamaya kaya dapat iwasan mo muna sya kahit ngayon lang."

"Anong pinagbubulungan nyo? Para kayong mga bubuyog." Pang uusisa ni Jisoo kaya napailing nalang ako at sinimulan na ang pagkain.

Nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin si Jennie at napatingin sya sa akin pero hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain ko. Ang lakas naman ng loob nya kung tatabi pa sya sakin. Tss!

Papalapit samin si Josh at nakatingin lang ito sa pagkaing hawak hawak nya habang naglalakad.

"Josh baka madapa ka." Pagpapaalala sa kanya ni Raffy pero napatingin lang ito kay Raffy at muling nagpatuloy sa paglalakad. Tumabi sya sa akin at hanggang ngayon seryoso pa rin syang nakatingin sa pagkaing hawak hawak nya.

"Hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang 'yan." Pagpapaalala ko kahit alam kong ang weird ng ikinikilos nya.

"Para kasing may kakaiba sa pagkain na 'to." Seryosong tugon nya.

"Kakaiba talaga, kasi ngayon lang din ako nakatikim ng ganito at mukang mamahaling pagkain 'to."

"Hindi eh." Giit nya.

"Kumain kana Josh, ang sarap kaya." Sambit ni Thei. Lahat naman masarap sa kanya. Hindi na talaga nya iniintindi 'yung sinabi ko kanina. Tss! Basta talaga pagkain, kakalimutan nya ang lahat eh. Sa totoo lang, madali mong malalason 'yan, basta pagkain hindi uurungan.

"Kumain kana Josh." Plain na sabi ko. Sinimulan nya namang kumain at mukang nagustuhan naman nya dahil masarap naman talaga. Kunwari pa, isa't kalahating big eater din naman sya sa amin.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon