CHAPTER 7

1.9K 74 31
                                    

SEDDIE'S POV

Laking pasasalamat ko dahil hindi kami nabangga kahit paantok antok na ko sa pagda-drive. Imbis na nag enjoy ako sa outing mas lalo lang nadagdagan ang problema ko.

Kung hindi nga kami ang nakapatay doon sa lalaki, pwes sino sya?

Nakahood na itim?

Wala namang nakahood na itim sa amin nung gabing iyon. Tsaka paano kami nakabalik sa hotel ng gabing iyon?

"Jisoo, pasensya kana kung masyado akong nagpakalasing kagabi, pero pwede ko bang malaman kung paano ako nakabalik sa hotel kagabi?"

Napatigil naman sya sa pagsasalansan ng mga gamit nya at napatingin sakin.

"Bakit kuya, hindi mo ba maalala?" Aniya at tumango naman ako ng dahan dahan.

"Kumatok ka lang sa kwarto tapos halatang lasing na lasing ka kaya inalalayan kita para makahiga sa kama tapos nakatulog kana."

"Wala ba akong ginawa o sinabi man lang sayo?"

"Wala naman kuya, wala ka namang binanggit na kahit ano. Sa susunod nga kuya, wag kanang magpapakalasing ng sobra, hindi mo naman pala alam ang ginagawa mo baka mamaya kung ano pang magawa mo eh!" panenermon nya sakin.

"Hindi na mauulit Jisoo, I'm sorry."

"Payakap nga kuya." Aniya bago lumapit sakin at niyakap ako.

Napakalas kami sa pagyakap nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Sandali lang Jisoo." paalam ko bago ako lumayo sa kanya.

"Hello James?"

"[Seddie, pumunta ka dito sa likod bahay andito kaming lahat.]"

"Sige sige, susunod na ko." sabay hang up ko.

"Jisoo, sandali lang ah?" paalam ko sa kanya at tumango naman sya sakin kaya lumabas na ako ng kwarto.

Nadatnan ko silang lahat na nakatayo lang at nakayuko. Tiningnan ko si James at nakita ko kung gaano kalalim ang pagtitig nya kay Raffy.

"Gago ka Raffy!" Sigaw ko. Mabilis ko siyang sinugod at sinuntok sa muka dahil hindi ko na napigilan ang galit ko. Nakita ko namang sinuntok din sya ni James pero hindi man lang sya gumanti sa amin.

"Putangina nyo kumalma muna kayo!" bulyaw sa amin ni Gabriel. Hinatak nya ko palayo kay Raffy at si Josh naman ang humatak kay James.

"Akala ko okay na tayo, yun pala tatarantaduhin mo pa rin kami! Nandamay kapa!" sigaw ko pa. Halos magwala na ko sa galit at gusto ko pa syang suntukin pero pigil pigil ako ni Gabriel.

"Kung iniisip nyong nilagyan ko ng drugs yung alak na dinala ko kagabi, nagkakamali kayo!" sigaw ni Raffy.

"At sino naman ang maglalagay non? Wag mo nga kaming lokohing adik ka!" sigaw ni James sa kanya.

"Sa maniwala kayo at sa hindi, wala talaga akong inilagay na kahit ano doon!" giit pa ni Raffy. "Masaya ako dahil nakilala ko kayo, masaya ako dahil feeling ko may karamay na ko. Masaya ako dahil dumating kayo dito at magkakasama tayo."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa kadramahan nya dahil alam kong may pagkatuso sya. Saglit kaming natahimik at pilit kong ikinakalma ang sarili ko.

"Sana magkaayus ayos na tayo. Ang importante ngayon, hindi tayo ang pumatay sa lalaking nabugbog natin kagabi." Sambit ni Gabriel bago nya ko marahang binitawan.

Ilang segundo pa kaming natahimik. Pakiramdam ko ay kumalma na rin ako kahit papaano.

"Oh mga anak, anong ginagawa nyo dyan?"

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon