CHAPTER 3

2.5K 112 73
                                    

SEDDIE'S POV

"Busog kana ba Seddie?" tanong sa akin ni Daddy pero ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Ang daming pagkain pero sa tingin ko kailangan ko na magbawas ng timbang.

"Mukang nabantayan mo naman sila ng ayos ah?" sabi pa nya sakin bago tumingin sa kanila.

"Opo. Ako na po ang tumayong panganay sa kanila." Tugon ko.

"James, bakit hindi ka nagkanin? Ito ang kanin oh?" sabay lapag ng kanin ni Tita sa tabi ng pinggan ni James.

"Pasensya na po hindi po ko mahilig magkanin." Pagtanggi nito.

"Baka lalo kang mamayat nyan?" Pagbibiro ni Tita. Nakita ko kung paano yumukom ang kamao ni James kahit hindi naman masama ang sinabi ni Tita sa kanya. Nagagalit ba sya kapag tinatawag syang payat? Kung ako sa kanya matutuwa pa nga ako dahil nahihirapan akong magbawas ng timbang.

"Wala kang pakialam."

Napatingin kaming lahat kay James dahil sa isinagot nyang iyon. Nabaling din ang tingin namin kay Lisa nang bigla nyang pukpukin ang lamesa.

"Sino ka para sagutin ng ganyan ang Mommy ko?" sigaw ni Lisa kay James.

"Lisa, nasa harap tayo ng pagkain. Wag mo nang intindihin 'yon, okay lang ako. Naninibago lang siguro ang kapatid mo." Pagpapakalma ni Tita kay Lisa. Napatingin ako kay Daddy na pumailalim ng tingin kay James.

"James, pwede bang magsorry ka sa Tita mo?" tanong ni Daddy kaya mas lalong napakunot ang noo ni Lisa.

"Sorry." Kalmadong sagot ni James na parang wala lang sa kanya yung sinabi nya kanina.

Ilang segundo ang lumipas na natahimik ulit kami, tanging pagtama lang ng kutsara at tinidor sa pinggan ang maririnig.

"Para mas makabonding pa natin ang isa't isa at para mas makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa inyo, nagpareserve ako ng resort para sa outing natin bukas. Masaya siguro kung magsasama sama tayong lahat doon. Anong sa tingin nyo?" Ani Daddy. Nakita kong nagsmirk si James pero mukang hindi naman iyon napansin ni Daddy.

"Pwede po ba kaming sumama?" tanong ni Thei.

Nakita kong napangiti ng natural si Daddy at Tita kay Thei.

"Oo naman Thei. Lahat kayo hindi na iba samin. Lahat kayo mga anak na namin." Nakangiting sagot ni Daddy.

"Daddy, bakit nyo po kami iniwan noon?" Out of the blue na tanong ni Jisoo kaya nagsimula na akong kabahan.

Nakita kong tumingin muna sa akin si Daddy bago sya muling tumingin kay Jisoo.

"Pasensya kana Jisoo. Maloko kasi ang Daddy mo noon, gimikero, babaero, sugalero, pero wag kang mag aalala, hinding hindi ko na kayo iiwan kahit kailan."

Nakita ko kung paano ngumiti ng malapad si Jisoo bago ito tumayo at yumakap kay Daddy.

Sa pangalawang pagkakataon ay nabaling ang tingin ko sa kamay ni James na nakayukom na naman, naiintindihan ko sya kung bakit malaki talaga ang galit nya kay Daddy.

Pagkatapos namin kumain sinimulan kong tumulong sa pagliligpit ng mga pinagkainan dahil napansin kong wala namang mga katulong dito at gawain ko rin naman iyon noong nasa bahay pa kami ni Lola Mely.

"Seddie, ako na ang magliligpit. Bawal pagligpitin ang mga bisita, magpahinga kana lang." Pagpigil sa akin ni Tita.

"No Tita, dito na po kami titira diba? Hindi na po kami mga bisita." Giit ko.

"Kahit na Seddie, ako nang bahala dito. Doon kana lang sa mga kapatid mo okay?" Giit ni Tita bago nya ko nginitian kaya nginitian ko nalang sya ng tipid bago ako lumapit at tumabi kila Jisoo na nanonood ng tv.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon