CHAPTER 29 SEPTEMBER 13

1.2K 40 27
                                    

A/N: Sorry po if now lang ulit nakapag UD, naging busy lang talaga. So ayun, may part two ang chapter na 'to at hindi ko alam kung ilang chapter pa ang aabutin nito. Nilagyan ko na rin ng title kasi medyo importante sya. HAHA! By the way, happy halloween guys! Hugs & Kisses.

LISA'S POV

Hingal na hingal akong napabangon mula sa pagkakahiga ko dahil binangungot na naman ako. Kasama ko na naman sa panaginip ang lalaking anak ng mangkukulam.

Wala man akong nakikitang pruweba sa panaginip ko na anak nga siya ng mangkukulam pero iyon ang laging pumapasok sa utak ko.

Nakikita ko sa panaginip ko ang isang susi na ang dulo ay kahugis ng balat ko sa likod, isang libro, dugo at 'yung lalaking anak ng mangkukulam na walang muka. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip kong iyon pero may kutob akong hindi maganda lalo pa't may nakikita akong isang babaeng papalapit sa amin na wala ring muka habang hawak hawak nito ang isang kutsilyo. Parang ako 'yung sasaksakin ng babae kaya napapasigaw ako kasabay ng pagkagising ko.

Napatingin ako sa gilid ko nang may marinig akong umuungol. Nacurious ako kung saan 'yun nanggagaling kaya bumaba ako ng kama para hanapin kung saan nagmumula 'yung pag ungol.

Lumabas ako ng kwarto at dahan dahang naglakad. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong sa kwarto ni kuya Raffy nagmumula 'yung pag ungol. Nakaawang ng bahagya ang pinto ng kwarto niya kaya hindi na ko nagdalawang isip na sumilip doon dahil hindi rin naman ako patatahimikin ng curiousity ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si kuya Raffy na nakaupo at tila may ibinubugang usok mula sa bibig niya. Nakita ko rin na may pinapanood siya sa laptop niya kung saan nagmumula 'yung pag ungol.

Bigla niyang pinatay ang laptop niya kaya sumandal muna ako sa pader dahil natatakot ako na baka mahuli niya kong nakasilip. Naramdaman kong naglalakad siya papunta sa pinto ng kwarto niya kaya naman nagmadali akong pumasok ulit sa kwarto ko habang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

Bahagya akong sumilip sa labas ng kwarto ko at nakita ko si kuya Raffy na naglalakad na paalis. Kinukulit na naman ako ng curiousity ko at gusto kong malaman kung saan galing ang usok na ibinubuga niya kaya dahan dahan ulit akong pumunta sa kwarto niya hanggang sa nakapasok na ko sa loob.

Sana nga sigarilyo lang.

Napailing iling ako dahil sobrang gulo na naman ng kwarto niya. Pati mga underwear niya nagkalat. Wala akong nakitang kahit anong bagay na sinindihan pero nakita ko ang parte ng kama niyang nakaawang at sa tingin ko may bagay na nakasiksik doon kaya hindi na ko nagpaligoy ligoy pa na itaas ito.

Napahawak ako sa bibig ko habang nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat. Hindi lang basta gulat ang nararamdaman ko, pati na rin ang sobrang pagkadisappointed.

Nakita ko ang sari-saring uri ng mga ipinagbabawal na gamot. Bawat pakete ay may kani-kaniyang pangalan na nakasulat. Nakasulat sa mga pakete ng weeds ang salitang cannabis. Kung hindi ako nagkakamali iisa lang naman ang weeds at cannabis pati na rin ang marijuana. May nabasa pa kong ecstasy at cocaine.

"Hindi." Wala sa sariling sabi ko dahil parang hindi ko matanggap na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago si kuya Raffy.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto niya para alamin kung saan naman siya pupunta.

Kita ko sa peripheral vision ko na gumalaw yung larawan ng phoenix na itim kaya sinulyapan ko ito kaagad pero hindi naman talaga siya gumagalaw kaya kinusot kusot ko ang mga mata ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Bumaba ako patungo sa sala pero wala siya doon kaya nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kusina. Nagpadahan dahan ako sa paglalakad dahil may naririnig na naman akong panibagong pag ungol na sigurado akong nanggagaling mula sa kusina.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon