CHAPTER 11

1.5K 65 26
                                    

JAMES' POV

"James, mamaya mo na sya hanapin! Dito ka muna sa tabi namin!"

Sigaw sa akin ni Josh pero hindi ko sya pinansin, iniwan ko sila para pumasok sa loob ng bahay. Puro sigaw at pag iyak ang naririnig ko sa mga tao pero isinawalang bahala ko na muna yon. Hindi ako nagpapanic dahil sa lakas ng lindol, nagpapanic ako ngayon sa kaligtasan ni Rose dahil wala sya sa tabi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Sigurado akong nasa loob sya ng bahay kaya kahit gaano pa kalakas yang lindol, hahanapin ko sya.

"James! Sumilong ka dito! Delikado!" sigaw sa akin ni Raffy habang nagsisiksikan sila sa ilalim ng lamesa. Nakita ko pang nakahiga doon si Jennie at tila walang malay pero hindi ko muna inintindi yon. Hinanap ng mga mata ko kaagad si Rose pero wala sya doon.

"Nasaan si Rose?" pasigaw at may halong pangamba na tanong ko kay Raffy.

"Pumanik sa itaas, James! Delikado!" Narinig ko pang sigaw ni Raffy pero hindi ko na sya pinakinggan dahil umalis na kaagad ako kahit pa ilang beses na kong tumutumba dahil lakas ng lindol.

Nagbabagsakan na ang mga maliliit na bato sa bawat sulok ng bahay. Nagkandabasag na rin ang mga banga at flower vase na nakadisplay at sumasayaw na rin ang mga chandelier. Kahit hirap na hirap akong pumanik sa itaas at kahit alam kong delikado ay sinubukan ko pa rin dahil hindi rin naman ako matatahimik hangga't hindi ko nasisiguradong ligtas ang kapatid ko.

Malapit na ko sa itaas nang biglang sumala ang paa ko sa hagdan. Mahuhulog na ko pero bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa kamay ko para hindi ako tuluyang mahulog. Tila isang kamay ang humawak sa akin at nang makabalanse ako ay agad din naman itong nawala.

Inaamin kong kinilabutan ako sa pagsulpot ng isang kamay na yon pero nagpapasalamat ako dahil niligtas ako kung kanino man ang kamay na yon.

"Mommy?" bigla ko nalang nasambit dahil naisip kong baka kay Mommy ang kamay na yon.

"Mommy, si Rose!" sigaw ko pa habang patingin tingin ako sa paligid.

Wala namang nangyari kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagpanik ko sa itaas. Napansin kong nagbagsakan na ang lahat ng mga picture frames doon pero ang malaking larawan ng ibong itim ay hindi man lang nagbago ang pwesto.

Nang makarating na ko sa tapat ng kwarto namin ay agad kong binuksan ang pinto at sinilip ang loob nito pero wala doon si Rose. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko si Thei na nakaupo at tila walang malay sa gilid ng pinto ng kwarto nila Seddie. Nilapitan ko sya at tinawag ang pangalan nya habang niyuyugyog ko sya pero hindi man lang sya magising, wala naman syang galos pero tiningnan ko pa rin ang pulso nya. Napabuga ako ng hangin nang marinig ko ang pulso nya. Napansin kong nakasarado ang pinto ng kwarto nila Seddie at nakalock pa ito kaya padabog ko itong kinatok dahil sigurado akong may tao sa loob noon. Bigla nalang tumigil ang paglindol kaya naman mas nilakasan ko pa ang pagkatok ko.

"Seddie! Jisoo! Buksan nyo 'to!" sigaw ko habang patuloy lang ako sa malakas na pagkatok. Sigurado akong nandito sila dahil hindi ko naman sila nakita sa labas.

"Seddie! Jisoo!"

Napahinto ako sa pagkatok nang makita kong gumalaw na yung doorknob at dahan dahan itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko sa taong nagbukas nito. Gulu gulo ang buhok nya at basang basa ang muka nya ng pinaghalong pawis at luha. May mga maliliit na hiwa pa sa muka nya at halatang sariwa pa ang mga ito.

"Kuya.."

"Ro-Rose."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya ng mahigpit. Para akong nabunutan ng tinik dahil nakita ko na sya pero hindi pa rin mawala ang pag aalala ko dahil sa itsura nya.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon