Other Casts:
Twice Momo as Momoxhien Molina Montemayor
Twice Nayeon as Annie Batungbakal
Twice Sana as Divine Dimapasok
Exo Baekhyun as Jairus Sanchez
May Madadagdag pang ibang casts, mga 3 ata. Abangan nyo kung sino sila, jebal. Mwa! :D
THEI'S POV
"Chuckie, bakit tinawag kang kuya Angelo ni Raffy?"
Tanong ko sa baklitang multo na nakaharap sa salamin ng kwarto namin. Kanina pa siya tingin ng tingin sa itsura niya sa salamin, eh wala namang magbabago sa muka niyang nakakatakot. Kulang na nga lang mabasag na yung salamin.
"What do you think?" maarteng tanong nya pabalik.
"Kapatid ka niya?"
"Di ko na keribels yang pagiging slow mo Thei!"
Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at lumapit ng bahagya sa kanya.
"Teka, bakit hindi na kuya Thei ang tawag mo sakin? Tsaka saan ka ba nanggaling at bakit kulay blonde na yung buhok mo?"
"Lot of questions! Nasisira ang beauty ko sayo! Kung di ka lang wafu, hinila ko na lawet mo eh!" Maarteng sabi pa niya habang dinadampi dampi ang magkabilang pisngi niya.
"Pwede bang sagutin mo nalang?" walang ganang tugon ko.
Humarap naman siya sakin bago nagcross arm. Kung umasta siya parang mas matanda pa talaga siya sakin. Tss! Maarte na, malanding baklita pa.
"8 years old palang ako nung namatay ako pero kung tutuusin mas matanda talaga ko sayo at ganito talaga ang hair color ko, tumigas lang dahil sa natuyong dugo sa ulo ko kaya nagmistulang kulay itim ang buhok ko. Sinabi ko lang kay Raffy na brother ko siya dahil na-feel ko talaga na brother ko si Raffy at Josh nung nakita ko sila."
"Pati si Josh? Mang aagaw ka ng kapatid! Si Jennie at Gabriel lang ang kapatid ni Josh!"
"Feeling ko kasi, may connection kami ni Josh sa isa't isa kaya I consider na kapatid ko rin siya."
"Paano kung hindi?"
"Edi hindi, no problem. Ayoko rin naman doon dahil hindi naman siya kagwapuhan." Walang ganang sagot niya. "Baka naging crush ko lang siya noon kaya pakiramdam ko may connection kami. Ahihi!" dugtong niya habang nakangiti na ng malapad.
Di daw kagwapuhan pero crush niya noon. Tss!
"Baka pinsan mo?"
"Ewan ko. Ayokong mastress ang beauty ko! Basta crush ko si Jun the walking ilong with a big junjun!" Malanding sabi niya bago mabilis na umupo sa gilid ng kama at pinagmasdan ang muka ni Jun na mahimbing pang natutulog. Iba talaga ang karisma ng kakambal ko, kahit multo nagkakagusto sa kanya.
"Naaalala mo na ba kung paano ka namatay?" Tanong ko. Umayos naman siya ng upo paharap sakin.
"Not yet, ang alam ko lang Angelo ang real name ko, Chuckie ang nickname ko dahil sikat noon yung movie na Child's play. Uh.. Tapos dito ako namatay sa bahay na 'to."
"Namatay ka ba o pinatay?"
"I think pinatay ako. Hindi ako nagpakita sayo ng ilang araw dahil hinahanap ko yung bangkay ko dito pero hindi ko naman nahanap, tsaka di ako makasapi sayo dahil isinumpa ka kaya nawalan ka ng boses, useless ka kaya di nalang ako nagpakita sayo, wala ka namang kwenta eh."
"Langhiya ka. May tanong pa ko. Alam mo ba ang pangalan ng demonyong nagkakatawang tao?"
"Nope, all I know is, si Aling Juliana ang may ari ng Dollhouse na 'to."
BINABASA MO ANG
Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved: #33 in Mystery/Thriller as of 01/20/18. "Dollhouse" is about a family that appears to be perfect on the outside looking in, yet it's far from it.