CHAPTER 38

1K 41 4
                                    

JOSH'S POV

"Bullshit!" Malutong at pasigaw na mura ko pagkatapos kong pagsusuntukin ang pader.

"Josh, kumalma ka." Pag aawat sakin ni Seddie. Napasabunot ako sa sarili kong buhok at wala akong pakialam kung nakakabawas ng pagkalalaki ang pag iyak.

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala.

"Sabihin mo sakin Seddie kung may dahilan pa ba para kumalma ako!" Sigaw ko sa kanya. "Dalawang kapatid ko na ang nakahiga at walang malay ngayon dito sa ospital!" Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko at marahas ko itong pinunasan.

Hindi kumibo si Seddie. Humugot ako ng malalim na paghinga at pumikit ng mariin para maikalma ko ang sarili ko kahit papaano.

"Sigurado akong hindi naman 'yun sinasadya ni Lisa." Sambit ni Jun habang nakaupo sya sa upuan sa harap ng hospital bed na kinahihigaan ni Jennie.

Sang ayon naman ako sa sinabi nya pero masisisi ba nila ako kung magalit ako sa taong naging dahilan kung bakit walang malay ngayon ang kapatid ko?

"Sabi naman ng doctor magigising rin kaagad sya, mahina lang talaga ang lagay ng katawan nya ngayon kaya sya nahimatay." Dagdag pa ni Rose.

Akala ko ay may sasabihin rin si James pero bumuntong hininga lang pala sya.

"Josh magpakatatag ka, idaan mo nalang sa dasal ang lahat." Pagpapakalma sa akin ni Seddie.

"Sa tingin ko kailangan na naming umalis sa bahay na 'yon. Wala na si tito Myth kaya wala na kaming karapatan na makitira pa doon." Sagot ko.

"Pero pinsan mo kami, anak kami ng kapatid ng Mommy nyo." Giit ni Rose.

"Mali ka Rose." Giit ko. Nakita ko ang sabay sabay nilang pagbaling ng tingin sa akin na tila hinihintay pa ang karugtong ng sasabihin ko.

"Hindi ko kayo pinsan. Hindi kapatid ng Mommy ko ang Daddy nyo." Dugtong ko.

"Pero ang sabi ni Daddy--"

"Sabi nya lang 'yun." Pagputol ko kay Rose.

"So ibig sabihin nagsinungaling lang satin si Daddy?" Maagap na tanong ni James.

"Oo, si Amelita na kakambal ni Amelisa ang nagsabi sa akin na hindi nila pinsan si Tito Myth. Ang natatandaan nya sa pangalang Mytho Park ay iyon daw ang isa sa mga kasamahan ng kakambal nyang si Amelisa sa isang bahay, which is 'yung bahay ni Lola Mely."

"Nasaan na ba 'yung Amelita? Gusto ko syang makausap." Tanong ni Jun.

"Nasa bahay si Amelita." Napatingin kami sa taong nagsalita, mabilis akong lumapit sa kanya para icheck syang mabuti.

"Jennie, mabuti at gising kana." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit kahit nakahiga pa sya mula sa hospital bed. Kahit papaano ay parang nabunutan ako ng isang tinik mula sa maraming tinik na nasa dibdib ko.

"Anong sabi mo Jennie?" Pag uulit ni Jun. Napahiwalay din ako ng yakap dahil naalala ko 'yung sinabi ni Jennie na nasa bahay daw si Amelita.

"Si Amelita talaga 'yung pinakilala naming Lita na nasa bahay. Siya 'yung inakala namin noon na si Amelisa na mommy namin." Sagot nya.

"Dinala nyo sya sa bahay?" Paninigurado ko at marahan lang syang tumango sakin.

"Hindi muna namin sinabi sa inyo dahil alam naming maguguluhan kayo at mas marami pa kayong itatanong samin. Mas mabuti kung dito natin pag usapan 'yon kesa sa bahay na 'yon." Paliwanag pa ni Jennie.

"Anong dahilan nyo at dinala nyo sya doon?" Tanong ko.

"Kuya Josh, naniniwala ako na totoo ang sinasabi ng Mommy mo." Nagkatitigan kami ni Jennie nang sabihin nya iyon. Hindi pa rin kasi ako panatag na Mommy ko nga 'yun at hindi ko yata matanggap sa sarili ko na hindi ko talaga kapatid si Jennie at kuya Gabriel.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon