CHAPTER 37

1.1K 47 6
                                    

SEDDIE'S POV

"Raffy." Pagtawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa mental hospital, kasama ko si Rose at James.

"Rose." Pagtawag nya rito kaya lumapit kaagad si Rose sa kanya. Tss!

"Bakit ganyan ka makatingin? Selos ka?" Pang aasar sakin ni James pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

Nakita kong hinawakan ni Rose si Raffy sa balikat. "Raffy, naniniwala akong hindi ka baliw."

"Rose, I'm sorry, yung nangyari kay Mommy di ko sinasadya 'yun!" Halos papaiyak na sabi ni Raffy. Napag usapan naming tatlo na wag nang ipaalam kay Raffy ang nangyari kay Tita Maiza at sinabi namin na okay lang ito para hindi na sya mag alala at mastress.

"Anong plano mo Raffy?" Pagsabat ko.

"Hayaan nyo muna ako dito. May personal nurse ako at mapagtutuunan nya ko ng pansin sa mga oras na susumpong ang sakit ng ulo ko. Ayoko pang mamatay Seddie."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Hindi ka pa mamamatay kaya wag kang magsalita ng ganyan." Giit ko.

"Konti nalang siguro, unti unti ko ring makakayanan ang sakit ng ulo ko kapag naaalala ko 'yung mga nangyari noon. Gusto kong magstay ang alaalang iyon sa utak ko dahil hindi ako matatahimik, at pakiramdam ko nandoon din ang sagot sa ibang mga tanong ko."

"Baka tuluyan kanang mabaliw nyan."  Sambit ni James.

"Okay lang, hinanda ko na rin ang sarili ko pag nangyari 'yun. Kapag ginusto ko, gagawin ko kahit ikabaliw ko pa dahil iyon ang magpapatahimik sa akin."

Desidido talaga sya sa gusto nya.

"Seddie, James, may ipapakita ako sa inyo." Aniya. Hindi na kami nakapagtanong at sumunod nalang sa kanya.

Bahagya akong napasimangot dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko habang nakatingin kami sa lalaking kinakamot ang pader gamit ang mahaba nyang kuko. Nakakangilo ang ginagawa nya kaya napansin kong nagtakip ng tenga si Rose. Ni hindi man lang nya kami napapansin dahil sobrang seryoso nya sa ginagawa nya at hindi na iyon normal.

"Andito rin sya." Sambit ni Raffy.

"Bakit? Anong nangyari kay JD?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Sino sya?" Curious na tanong ni Rose. Nagkatinginan kaming tatlo sa isa't isa.

"Kasamahan namin noon sa illegal na trabaho." Pag amin ni James sa kapatid nya kaya bahagya akong napayuko. Mas mainam na rin siguro kung sabihin na nya kay Rose ang katotohanang iyon. Hindi na sumagot si Rose.

"Sa tingin ko iisa lang ang nangyayari sa amin, pero 'yung sa kanya ay hindi na nya nakayanan kaya tuluyan na syang nabaliw." Paliwanag ni Raffy. "Noong nakita ko sya na dinadala dito, sigaw sya ng sigaw habang nakahawak sa ulo nya at idinadaing nya ang sakit non. Halos nagwawala na sya ng mga oras na 'yon, isinisigaw nya na natatandaan nya na daw ang pumatay sa mga magulang nya pero hindi sya iniintindi ng mga doctor hanggang sa turukan na sya ng pampatulog."

"Hindi nya siguro nakayanan dahil hindi naman sya gumagamit ng kahit anong uri ng drugs." Dagdag pa ni Raffy.

"Kung hindi ka rin ba gumagamit, ganon din ang mangyayari sayo?" Tanong ko. Mabilis na napatingin sa akin si Rose kaya napahawak ako sa bibig ko, sumunod ay kay Raffy naman sya tumingin kaya napayuko nalang si Raffy.

"Nagda-drugs ka?" Tanong ni Rose kay Raffy. Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Raffy bago sya bumuntong hininga at tumingin kay Rose.

"Noon pa, pero may dahilan kung bakit ako gumagamit. Kung hindi sa dahilang iyon ay hindi na talaga ako gagamit, pero hindi pwede eh." Depensa ni Raffy. Napahawak naman sa noo si Rose.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon