CHAPTER 25

1.3K 44 20
                                    

Hi guys! May nagbabasa pa ba? Sorry po ngayon lang nakapag update, pero may surprise po ako, I mean ginawa ko po ito para sa inyo kahit medyo nahirapan ako kasi hindi talaga ako magaling sa ganito. HAHA! Inedit ko po yung first page para maisingit to, sana po makita at mapanood nyo. Inayos ko po yung first page.

Please watch first. Jebal. Para may idea or hint kayo sa mga next na mangyayari sa story na to.

Yun po. Salamat kung pinanood nyo. Hugs and kisses.

-Loveholic08

JAMES' POV

FLASHBACK:

"Anong kailangan mo?"

Walang ekspresyong tanong sa akin ng isang babae mula sa pintuan ng bahay na tinitirhan ni Seddie. Hindi ko alam kung wala ba sa mood ang babaeng ito o meron lang ba siya ngayon kaya ganyan ang awra niya. Karamihan kasi sa mga babaeng nakakakita sakin ay ngumingiti kaagad dahil nagagwapuhan o nacucute-an sa muka ko pero iba ang isang ito.

Napalunok naman ako bago ako nakapagsalita.

"Si Seddie?" Pinakitaan ko siya ng killer smile ko pero hindi naman nagbago ang ekpresyon ng muka niya kaya naman binawi ko nalang kaagad ang ngiti ko.

"Tawagin ko lang." Tipid na sagot nya. Hindi man lang ako pinapasok sa loob ng bahay. Tss.

Sinundan ko pa siya ng tingin habang naglalakad siya dahil nakashort siya na maiksi at nakasando lang. Okay na sana eh, ang kaso muka siyang pinaglihi sa sama ng loob.

Tumalikod ako mula sa pintuan at nasilayan ko namang paparating mula sa gate ang matandang may edad na, kasama nito ang isang lalaking seryosong napatingin sa akin. Napakunot ang noo ko dahil natigilan ang matanda sa paglalakad nang makita niya ko. Dahan dahan niya pa kong tinuro na para bang namumukaan niya ko pero hindi ko naman siya kilala.

"Mytho?" Nag aalinlangang tawag niya sa akin. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa ideyang kakilala niya ang Daddy ko. Tuluyan siyang lumapit sa akin habang nakatitig pa rin sa muka ko na tila kinikilala niya kong mabuti.

"Bakit nyo po kilala ang Daddy ko?" Hindi ko na naiwasan ang magtanong kaya naman napaisip siya bigla.

"Anak ka ni Mytho?" Tanong niya habang pinagmamasdan pa ang kabuuan ko. Tumango lamang ako.

"Ikaw na pala yan apo ko." Nakangiting sambit niya pero ako ay nakangiwi at naguguluhan pa rin. Magsasalita na sana siya nang may marinig akong lumabas mula sa loob ng bahay kaya naman napalingon ako at humarap sa kanya.

"Oh James, pasok ka." Paanyaya sakin ni Seddie. Napatingin ako sa babaeng nasa likuran ni Seddie. Kanina para siyang menopausal baby pero ngayon ay halos kumikinang ang gilagid niya sa lapad ng ngiti niya habang nakatingin siya sa lalaking kasama ng matanda.

"Jun, 'yung pasalubong ko!" Tuwang tuwang sabi nya. Ang ganda niya pala lalo na kapag nakangiti. Simpleng simple lang siya kung titingnan pero ang lakas ng karisma niya, isama mo pa 'yung magandang hubog ng katawan niya.

"Hindi ko nabili Jennie." Walang ganang tugon ng lalaki bago nya nilagpasan 'yung Jennie bitbit ang dalawang supot kaya naman nawala bigla ang lapad na pagngiti nito at napalitan ng malungkot na ekspresyon. Napatingin sa akin si Jennie kaya ibinalik ko muli ang atensyon ko sa matanda at kay Seddie.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon