A/N: (Drama mode) Akala nyo ba hindi ko alam? Akala nyo ba hindi ko nakita? Charot! XD
Thank you sa inyo mga bhebhe ko, nagrank #33 in Mystery/Thriller ang istoryang ito. Lalo tuloy akong ginaganahan magsulat, oras lang talaga kalaban ko. huehue! Thank you ulit! Hugs & Kisses.
--
JUN'S POV
Pakiramdam ko ang sikip sikip ng bahay na 'to. Hiyang hiya ako sa mga taong nakasaksi pagkatapos sa nangyari sa amin ni Jennie. Parang wala na akong mukang maihaharap sa kanila. Hindi ko naman talaga ginusto ang nangyari. Wala akong ideya ng mangyayari 'yon. I was drunk at hindi ko alam kung may nangyari ba talaga samin.
Nakita kong seryosong nag uusap si Lisa at Tita Maiza kaya naman nagtago muna ako sa isang gilid at pinakinggan ang pag uusap nila.
"Wag mo nang uulitin 'yung ginawa mo kagabi Lisa, pinag alala mo ko."
"I'm sorry Mom. Biglaan lang po talaga, kasama ko naman po 'yung kaklase ko noon eh."
Kaklase? Umalis siya kagabi?
"Kahit sino pa 'yung kasama mo. Dapat tumawag o nagtext ka man lang para hindi ako nag aalala dito."
Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino iyon at napabuntong hininga ako nang makita kong si Seddie lang pala.
"Bakit hindi mo siya kausapin?" Tanong nya at natahimik akong bigla dahil kinukutuban ako sa itinanong niya. "Ang totoo niyan Jun, kasama din kami ni Lisa sa motel kagabi." Dugtong niya. May tila dumagundong sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Kung pwede lang ako magpalamon sa lupa, ginawa ko na dahil sa kahihiyan ko.
"I-Ibig sabihin.."
"Alam niya Jun."
Napapikit ako ng mariin.
Ang tanga tanga ko! Bakit ko ginawa 'yon? Ang tanga tanga ko talaga, sana hindi nalang ako pumunta ng bar at nagpakalasing. Hindi sana ako sinundan ni Jennie at wala sanang mangyayari samin.
I'm sorry Lisa.
"Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin Seddie." Gulung gulo na ang utak ko.
"Kung totoong sincere ka talaga sa kanya, hindi ka magdadalawang isip at magsasawang suyuin siya hanggang sa mapatawad ka niya."
Tumingin ulit ako sa kinaroroonan nila Lisa at Tita Maiza. Nakita kong nandoon na rin si Tito Myth.
"Totoo bang doon ka sa kaklase mo pumunta Lisa? Hindi ka ba nagsisinungaling?" Narinig kong tanong ni Tito Myth. Naalala ko ang nakita ko kagabi sa bar bago ako mawalan ng malay kaya naman hindi ko na naiwasang sumingit sa usapan nila.
"Ikaw Tito Myth, hindi ka rin ba nagsisinungaling? Wala ka bang tinatago samin? Kila Tita Maiza?" Sunud sunod na tanong ko. Nakita kong nagulat silang tatlo sa sinabi ko. Tumayo si Lisa mula sa pagkakaupo niya at nakita kong nakayukom ang isang kamao niya.
Wrong move Jun.
"Bakit Jun? Kung makapagsalita ka kay Daddy akala mo naman kay linis linis mo!" Nahimigan ko ang pagkabasag ng boses ni Lisa. Pakiramdam ko nadurog ang puso ko dahil parang isinupalpal niya sa pagmumuka ko ang ginawa kong kahihiyan. "KUNG MAY SINUNGALING MAN DITO JUN, IKAW 'YON!" Mariin na sabi pa nya sakin kaya naman napayuko nalang ako.
"Anong sinasabi mo Jun?" Nakasimangot na tanong ni Tita Maiza na parang naguguluhan siya sa sinabi ko.
"W-Wala po." Sagot ko. Sumulyap ako kay Tito Myth at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Baka hindi naman nila ako paniwalaan, lalo na si Lisa kaya umalis nalang ako.
BINABASA MO ANG
Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved: #33 in Mystery/Thriller as of 01/20/18. "Dollhouse" is about a family that appears to be perfect on the outside looking in, yet it's far from it.