CHAPTER 15

1.3K 55 19
                                    

ROSE'S POV

"Seddie parang awa mo na, hanapin natin si kuya James! Masama yung nakita namin kanina! Totoo yung sinasabi namin ni Jisoo, maniwala ka please. Si kuya James ko.."

Hindi pa rin ako tumitigil sa paghagulgol dahil sa nakita ko kanina, sinabi sa akin ni Jisoo na nakita rin daw nya iyon kaya naman hindi na talaga ako mapakali mula ng maaalala ko 'yon.

"Rose, kumalma ka muna." Pagpigil nya sakin mula sa gate dahil nagpupumiglas akong makalabas ng gate. Gustong gusto kong sundan si kuya James kung saan man siya pumunta kahit hindi ko naman alam kung nasaan siya.

"Paano ako kakalma kung nasa panganib ang kuya James ko!" sigaw ko sa muka nya habang nagwawala pa rin ako para makalabas ng gate.

"Rose, hindi natin alam kung nasaan siya. Mas mabuti kung ipahanap nalang muna natin sya sa mga pulis." Giit naman ni Tita.

"Putang inang mga pulis yan walang silbi 'yang mga 'yan!" sigaw ko.

"Rose, ano ba! Si Tita na 'yang sinisigawan mo!" bulyaw sakin ni Seddie.

"Ate Rose, nandoon si kuya James!"

Napalingon ako kay Lisa nang isigaw nya iyon mula sa pinto ng bahay kaya naman napatigil ako sa pagwawala at halos madapa ako kakamadali kong makalapit sa kanya. Tinuro nya lang sakin ang loob ng bahay kaya halos tumakbo na ko sa loob ng bahay.

Pero paano siya nakabalik kaagad dito? Totoo ba sinasabi ni Lisa?

Huminto ako sa pagtakbo at malamig na tumingin kay Lisa.

"Nasa itaas siya, walang malay!" Sabi nya sakin kaya naman pumanik ako kaagad sa itaas.

Halos manlumo ako pagkarating ko sa itaas dahil nadatnan ko si kuya James na nakahiga at walang malay sa sahig, sa tapat ng larawan ng itim na ibon.

"Kuya James! Jusko! Anong nangyari sayo?!" lumuhod ako para mayakap ko siya. Hindi mawala ang panlalambot ng tuhod at panginginig ng katawan ko dahil sa nakikita kong itsura nya.

Wala naman siyang galos at naramdaman kong humihinga pa siya kaya medyo nabawasan yung kaba ko kahit papaano.

"Kuya James, gumising ka!" halos pasigaw na sabi ko habang bahagya ko siyang niyuyugyog. Nagbabagsakan na rin ang mga luha ko sa muka niya nang ipatong ko ang ulo niya sa lap ko.

Umupo si Seddie sa tabi namin at hinawakan niya ang kamay ni kuya James.

"Tulog lang siya Rose." Aniya.

"Pero paano siya napunta dito? Kanina lang nakita ko siyang umalis?" nagtatakang tanong ko.

Nagkatinginan kaming lahat sa isa't isa.

"Rose, sigurado ka bang si kuya James mo yung nakita mo kanina?" tanong sa akin ni Tita kaya naman nakaramdam ako ng kakaibang kaba at hindi na nakasagot sa tanong niya.

"Mom, naniniwala kana ba na may misteryo sa bahay na 'to?" tanong ni Lisa.

"Oo Lisa, akala ko imagination ko lang yung mga nakikita ko.. Pero mukang hindi eh."

"Mom, sa tingin ko kailangan na nating umalis sa bahay na 'to."

"Hindi. Hindi na tayo makakaalis dito kahit anong gawin natin." Napalingon kaming lahat sa nagsalitang iyon.

"Anong ibig mong sabihin Jun?" tanong ko sa kanya.

"Sinumpa ang bahay na 'to at lahat tayo sinumpa na rin. Hindi ka ba nagtataka kung paano nakarating agad ang kuya James mo dito? Kami mismo ni Thei nakita namin siyang umalis kanina."

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon