CHAPTER 27

989 41 26
                                    

RAFFY'S POV

Nagpatingin tingin muna ako sa paligid dahil baka makita ako ni Mommy. Alam kong hindi niya ko papayagang umalis sa bahay na 'to dahil sa kondisyon ko, pero sa tingin ko ay magaling na ko simula nang iturok niya sa akin yung gamot na galing daw kay Doctor Eve. Gusto kong malaman kung anong klaseng gamot 'yon kaya gusto kong puntahan si Doctor Eve.

"Success." Bulong ko dahil nakalabas na ko ng bahay ng walang nakakapansin sakin.

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Lisa at Seddie na magkasama at mukang kakauwi lang nila ngayong umaga. Gusto ko man silang usisain kung saan sila pumunta at kung bakit sila magkasama pero alam kong uusisain din nila ako kung saan ako pupunta kaya naman nagtago nalang ako at hindi nagpakita sa kanila.

Hindi ko kinuha ang kotse ko at naisipan kong magcommute nalang dahil baka may makakita pa sa akin.

Nang makita kong nakapasok na ng bahay ang dalawa ay nagmadali na kong lumabas ng gate.

Pumara ako ng taxi at sumakay doon. Napansin kong nakatingin pa rin ang driver sa bahay namin at hindi pa pinapaandar ang taxi kahit nakasakay na ko sa loob ng sasakyan.

"Boss, doon po ba kayo nakatira sa bahay na 'yon?" Tanong sakin ng driver. Napatingin naman ako sa bahay namin.

"Opo. Bakit po?" Tanong ko pabalik.

"Alam nyo po bang chapel 'yon noon?"

"Chapel?" Paninigurado ko.

"Opo."

"Eh ano naman po kung chapel 'yun noon?" Medyo natatawang tanong ko pero sa loob loob ko ay gusto kong malaman kung bakit niya pa sinabi 'yon kahit alam kong wala namang sense.

"Wala naman po, isang larawan ng isang masayang pamilya ang nakikita ko sa bahay na 'yon.."

Kung alam mo lang manong.

Nakita ko pang sumulyap ulit siya sa bahay bago nya pinaandar ang taxi at kung paano naging blangko ang ekspresyon ng muka nya.

"Pero mag iingat po kayo." Malamig na sabi niya habang hindi tumitingin sakin kaya pakiramdam ko ay isang banta ang sinasabi niya.

"Bakit naman po?"

Umiling iling lang siya habang patuloy lang sa pagdadrive kaya hindi na ko muling umimik pa.

Hindi na nagbago ang ekspresyon ng muka ng driver. Nananatili lang itong blangko at tahimik buong biyahe namin hanggang sa inabot ko na ang bayad at bumaba na ko.

Pumasok ako sa loob ng ospital at dinukot ang calling card ni Doctor Eve mula sa bulsa ko. Nagpatango tango ako dahil sigurado ako na tama ang ospital na pinuntahan ko.

Magtatanong na sana ako nang makalapit ako sa front desk pero may nahagip ang mga mata ko sa di kalayuan kaya para akong natulala sa kinaroroonan niya. Pagkatapos ng ilang taon, nakita ko ulit siya.

May parte sa loob ko na gusto ko siyang kausapin kaya imbis na magtanong na ko sa front desk ay sinundan ko na lamang ang pamilyar na babae.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pasimpleng sumusunod sa kanya. Hindi ako nagkamali, siya na nga.

Mas gumanda siya ngayon.

Pumasok siya sa loob ng isang kwarto at isinara ang pinto noon kaya napatigil ako sa pagsunod sa kanya.

Nang makarating na ko sa mismong tapat ng kwartong pinasukan niya ay humugot ako ng malalim na paghinga. Para akong dinadaga. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung galit pa rin ba siya sakin hanggang ngayon.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon