CHAPTER 34

1K 46 2
                                    

SEDDIE'S POV

Dinala ko sa ospital si Jisoo para ipagamot ang bali nya sa kaliwang braso at maipacheck up na rin. Sinabi nya sakin na 'yung braso nya lang daw ang masakit sa kanya pero pinasailalim ko pa rin siya sa iba't ibang medical examinations para makasigurado. Halos buong gabi na rin akong walang maayos na tulog dahil sa tuwing pipikit ako ay nakakakita na naman ako ng isang kamay na may hawak ng kutsilyong may dugo.

"Hindi ka pa ba nakakabisita sa burol ni Annie?" Tanong sa akin ni Jairus mula sa bench na kinauupuan namin ngayon sa ospital habang hinihintay si Jisoo. Bigla na lamang siya pumunta dito at hindi ko alam kung sino ba ang nagpapunta sa unggoy na 'to.

"Hindi siya importante sakin at mas marami akong dapat unahin na intindihin kesa sa kanya. Patay na si Tito Myth, hindi pa magaling ang kapatid ko at comatose naman si Gabriel." May halong inis na sagot ko. Masyado na kasi akong naiistress sa mga nangyayari.

"Nagtatanong lang naman ako. Kung hindi mo pa kasi nalalaman, patay na rin 'yung lola nya."

Bigla akong natigilan sa sinabi nya dahil bigla ko nalang naalala si Lola Mely. "Ano?"

"Nagsuicide si Lola Mercy, we just found her dead at nakabigti sa loob ng kwarto nya."

"Lola Mercy?" Pag uulit ko. Akala yata ni Jairus kilala ko na 'yung lola ni Annie pero ang totoo ay hindi pa at nakakaramdam ako ng pagkacurious sa di malamang dahilan. Hindi ko rin alam kung siya ba 'yung nakikita ko dahil ang sabi ni Jairus ay nagbigti ito.

"Yup. Pero hindi kami sure kung nagsuicide nga ba talaga siya. Kasi hindi namin alam kung paano siya nakasampa sa upuang ginamit nya, eh hindi na naman siya nakakalakad na. Baldado na 'yung paa nya kaya imposibleng makasampa siya at ibigti ang sarili nya."

"So posibleng may nagbigti lang sa kanya?"

"Exactly."

Naputol ang pag uusap namin ni Jairus nang lumabas na si Jisoo mula sa isang sa kwarto. Pakiramdam ko napakapabaya kong kapatid nang makita kong nakaorthopedic ang kaliwang braso nya.

"Kuya Seddie, binalitaan ako ni Divine. Sabi niya patay na daw 'yung Lola ni Annie. Di ko naman kilala kung sino 'yon." Bungad ni Jisoo.

"Sa tingin ko dapat nating makilala kung sino siya."

"So hindi nyo pa pala sya kilala?" Pagsabat ni Jairus. Bahagya kaming umiling ni Jisoo.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko at nakita ko ang isang text mula kay Jennie.

Jennie:

Patay na si Lola Mercy, 'yung lola ni Annie at kapatid ni Lola Mely. I'm really sorry kung late ko nang sinabi sa inyo.

Napapikit ako ng mariin. Bakit ngayon ko lang nalaman? Ni hindi ko man lang siya nakilala at nakausap.

Narinig ko namang tumunog rin ang cellphone ni Jisoo kaya mabilis nyang kinuha ito mula sa bulsa nya. Mukang isang text din iyon dahil nakita kong binasa nya lang ito.

"Totoo ba 'tong sinasabi ni Jennie? Kapatid 'yon ni Lola Mely?" Tanong ni Jisoo. Mukang iisang mensahe lang ang ipinadala sa amin ni Jennie.

"Kuya.." Halos papaiyak na sambit pa ni Jisoo kaya niyakap ko siya.

"Pupuntahan natin siya." Tipid na sabi ko.

Biglang napaubo si Jairus kaya napatingin kami sa kanya. "Ahm, mauna na ko." Aniya.

"Oo Jairus, salamat sa pagpunta." Tugon ni Jisoo. Ngumiti naman ng tipid si Jairus bago ako tinanguan at tsaka naglakad paalis.

Nang makaalis na si Jairus ay hinarap ko si Jisoo. "Anong meron?" Tanong ko.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon