Note again: Maaari po kayong mapasmirk kasi may pagkakorni po ang chapter na 'to sa part ng Liskook kaya pagpasensyahan nyo na. 😂
3RD PERSON'S POV
"Simulan na natin ang pag aalay." Sambit ni Maiza at tumawa ito ng malademonyo.
Isang itim na dasal mula sa isang libro ang sinimulang bigkasin ni Maiza kasabay ng marahang paglapit ni James sa isang strecher hanggang sa humiga na ito doon ng wala sa sarili. Nasa katabing stretcher naman nakahiga ang walang buhay na katawan ni Myth. Hindi ito 'yung manikin, ito talaga 'yung katawan ni Myth na itinago ni Maiza sa loob ng malaking freezer. Habang si Jennie ay nakatayo sa harap ng stretcher na kinahihigaan na ngayon ni James at may hawak hawak na kutsilyo dahil pagkatapos ng pag aalay ng katawan ni James ay syang pagtatakda na rin sa pagiging killer ni Jennie. Walang emosyon namang nakatitig si Gabriel sa rebulto na hugis muka ng demonyo na nasa pinakaharapan nilang lahat.
"Mom, tama na!" Halos mamaos na si Lisa kakasigaw pati na rin ang iba pa nyang mga kasama.
"Maawa ka sa kuya James ko!" Sigaw naman ni Rose habang walang tigil ito sa pag iyak.
"Wag mong gawin 'to kay Jennie, anak mo sya!" Sigaw naman ni Josh.
"Manahimik nga kayo! Pagkatapos nito papatayin ko na rin kayong lahat!" Sigaw pabalik ni Maiza.
"Amelisa!" Galit na sigaw ni Amelita kaya sa kanya natuon ang atensyon ng lahat. Mabilis na itinapat nito ang palad nya sa harap ni Maiza at naglabas ito ng bolang apoy kahit pa hirap na hirap na ito sa paglalakad. Mabilis nyang naipatama ang bolang apoy kay Maiza kaya naman tumilapon ito pero hindi pa rin nito binibitawan ang libro.
"Buhay ka pa ring gaga ka!" Malademonyong sigaw ni Maiza. Patuloy lang sa pagpapatama si Amelita ng bolang apoy kay Maiza hanggang sa ipinalibot na nya ang bolang apoy sa katawan nito, pero mas pinili pa rin ni Maiza na ipinagpatuloy ang pagdarasal ng isang itim na dasal kahit nahihirapan na siya dahil desidido talaga siyang tapusin ang dasal.
Unti unting iniangat ni Jennie ang hawak hawak nitong kutsilyo habang walang emosyon na nakatitig kay James. Nagmistulang kulay itim lamang ang mga mata nito at walang kulay puti.
"Jennie wag!" Sabay sabay na sigaw nila Rose.
"Sige Jennie! I-Ituloy mo na! Patayin mo na sya!" Sigaw ni Maiza kahit nahihirapan na sya sa ginagawa ni Amelita.
"Jennie, wag mong gawin 'yan! Baka makasama sa baby natin!" Sigaw ni Jun na nagpatigil sa lahat.
"Ano kamo?" Di makapaniwalang tanong ni Josh.
"Buntis si Jennie!" Halos papaiyak na sigaw ni Jun. "At ako ang ama."
"Hinde! Kung buntis si Jennie, si kuya James ang ama!" Giit ni Rose kaya napatingin sa kanya si Jun. "Wala talagang nangyari sa inyo ni Jennie, sa kanila ni Kuya James meron! Natatakot lang si Jennie na malaman ito ng mga kuya nya dahil ang alam nating lahat ay magpinsan sila! --Kuya James, buntis si Jennie! Kailangan mong gumising! Magkakaanak na kayo! Jennie, gumising ka! Isipin mo yung baby nyo ni kuya James!" Sigaw pa ni Rose.
Napatulala naman si Josh at Jun at parang hindi makapaniwala sa mga narinig nila. Bigla na lamang tumulo ang mga luha ni Jun habang nakayukom ang kamao nito dahil umasa siya na magkakababy na siya.
"Jennie, patayin mo na sya!" Malademonyong sigaw ni Maiza.
"Kuya James, pigilan mo si Jennie! Baka mapano ang anak nyo!" Sigaw ni Rose.
"Kuya Seddie anong gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Jisoo sa kuya nya.
Pagod na pagod na silang lahat dahil kanina pa sila nagpupumiglas para makatakas sa itim na usok na nagmistula nang nakatali sa katawan nila.
BINABASA MO ANG
Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved: #33 in Mystery/Thriller as of 01/20/18. "Dollhouse" is about a family that appears to be perfect on the outside looking in, yet it's far from it.