CHAPTER 24

1.2K 43 13
                                    

GABRIEL'S POV

"Namiss mo ba ko?"

Tanong ko sa babaeng humahagulgol bago ako umupo sa tabi niya. "Kahit ilang balde pa ang luhang iiyak mo dyan, hindi mo na mababawi ang kuya mo." dugtong ko.

"Letse ka Gabriel! Pwede bang umalis kana lang dito?"

"Hindi ako aalis dito Annie, hangga't hindi mo inaamin sakin na may kinalaman ka dito." Malamig na sabi ko.

"Akala ko ba wala kang pakialam? Tapos ngayon pinapaamin mo ko? Tsaka bakit ba ako 'yung pinagbibintangan mo?" Sunud sunod na tanong niya.

"May sinabi ba kong wala akong pakialam?" Tanong ko pabalik.

"Oo! Ulyanin kana! Magmemo plus gold ka!" Sigaw niya sakin. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Gabriel, salamat sa pagdamay samin ni Annie." Sambit ni Lola Mercy habang hawak hawak nya ang isang pinggan ng cheesecake gamit ang isang kamay niya habang 'yung isang kamay niya ay ginagamit niya sa gulong ng wheel chair niya kaya naman tinulungan ko na siyang ilagay iyon sa lamesita. Magkapatid talaga sila ni Lola Mely, parehong mahilig sa cheesecake.

"Salamat Lola Mercy, nag abala ka pa talaga." Nahihiyang sabi ko.

"Plastic." Narinig kong bulong ni Annie.

"Wag kang magmalinis." Bulong ko sa kanya bago ako muling umupo sa sofa.

Biglang may nagdoorbell at nakita kong paalis si Lola Mercy para pagbuksan kung sino man 'yung nagdoorbell pero pinigilan ko siya.

"Ako na po Lola Mercy." Pagpiprisinta ko.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko nang buksan ko ang gate.

"Kuya Gabriel? Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong ni Jennie.

"Dinadamayan si Annie, ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko pabalik.

"Pinapunta ko siya." Biglang singit ni Annie. Ano na naman kaya ang plano ng babaeng 'to?

"Close kayo?" Sarkastikong tanong ni Jennie.

"Hindi. Si Limboy ang kaibigan ko." Giit ko at hindi na kumibo si Jennie habang nakatingin lang sakin. Nginisian naman ako ni Annie pero niliitan ko lang siya ng tingin.

"Pasok ka Jennie." Pag aaya ni Annie kaya naman pumasok si Jennie at sumunod na rin ako.

"Jennie apo." Nakangiting bati ni Lola Mercy bago ito yumakap kay Jennie.

Pagkaupo namin sa sofa ay pabalik balik ang tingin sa amin ni Jennie na para bang may tumatakbo sa isip niya tungkol sa amin ni Annie.

"Inireport mo na ba sa pulis ang pagkawala ng bangkay ng kuya mo?" Walang emosyong tanong ni Jennie kay Annie.

"Oo. Kahit alam kong wala namang magagawa ang mga pulis."

"Hindi mo ba nakita kung sino ang huling lumapit sa kuya mo noong nakaburol ito?" Tanong pa ni Jennie.

"Hindi. Pero noong araw na napansin naming nawala si kuya Limboy sa kabaong niya, nakakita raw si Jisoo ng isang taong nakaitim na hood sa chapel."

"Chapel?"

"Oo, doon namin ibinurol si kuya Limboy."

"Anong nangyari kay Jisoo noong nakita nya 'yung taong nakaitim na hood?" Sabat ko. Gusto kong malaman kung nagsasabi ba ng totoo itong si Annie.

"Ano ka ba Gabriel? Nagpapainosente ka ba o nag uulyanin kana talaga? Nandoon ka nung mga oras na 'yon diba?" Iritadong tanong sa akin ni Annie pero napailing iling lang ako.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon