EPILOGUE (REPUBLISHED)

1.7K 63 35
                                    

Note: Kawawa, nagloloko wattpad, ayaw mag open nung pinublish ko na 'tong epilogue kaya ginawan ko ulit ng panibagong part. Sayang eh!

JAMES' POV

"Doc, gawin nyo po ang makakaya nyo para mabuhay ang mag ina ko!" Hapong hapo at namamaos na ko sa kakahagulgol at kakasigaw ko.

"Doc pakiusap po, iligtas nyo silang dalawa!" Umiiyak na sigaw ni Josh.

"Halika na James." Awat awat naman ako ni Seddie dahil kanina pa kami pinapalabas ng mga doctor sa bukana ng emergency room. Halos magwala na rin ako dahil napakasakit habang nakikita ko si Jennie na nakahiga sa hospital bed at pinalilibutan ng mga doctor, hindi ko makakaya kung mawawala siya sakin pati na rin ang anak ko.

"Doc ipangako nyo pakiusap! Ipangako nyong mabubuhay sila, nagmamakaawa ako sa inyo." Lumuhod na ko sa harap ng doctor at ngayon ko lang ginawa 'to sa buong buhay ko. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko dahil sa sobrang pagod at takot na baka sa isang iglap lang, wala na silang dalawa, wala na ang mag ina ko.

"Mister, lumabas po muna kayo. Ang dapat nyo lamang pong gawin ay ipagdasal sila." Sabi sa amin ng doctor. Halos hindi na ko makahinga at makapagsalita sa sobrang hapo ko. Hindi ko na rin kayang magwala kaya naman nagkaroon ng pagkakataon sila Seddie para mailabas na ko mula sa emergency room.

"James, Josh, ipagdasal nalang natin sila." Sabi sa amin ni Seddie nang makalabas kami. Iniupo nya ko sa isang bench. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakialam sa kanila.

"Nasaan si Rose?" Paos na tanong ko kay Seddie.

"Nagpapacheck up lang, sinamahan sya ni Lisa." Sagot nya. Hindi ko na naalala ang kapatid ko dahil kay Jennie at sa anak ko.

Tumingin ako kay Josh na nakaupo malapit samin, iyak ng iyak at nakayuko na tila nagdarasal.

Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko, doon ko lang napansin na puro dugo pa pala ang damit at kamay ko kaya mas lalo akong napaiyak kahit nananakit na ang mga mata ko.

"Linisin mo muna katawan mo James." Sabi sakin ni Seddie bago ito tumayo at inakay ako.

Sumama ako sa kanya. Inaalalayan nya ko sa paglalakad hanggang sa banyo dahil hinang hina na talaga ko.

"Hintayin nalang kita dito." Paalam nya sakin nang maihatid nya ko sa banyo ng ospital.

Pagpasok ko sa banyo ay nakita ko kaagad ang nakakaawang itsura ko sa salamin. Hindi lang pala damit at kamay ko ang may bahid ng dugo ni Jennie, pati na rin pala ang muka ko kaya mabilis kong binuksan ang gripo. Hinugasan ko ang kamay ko bago ako naghilamos. Napansin kong mas lalong sumingkit ang mga mata ko dahil namamaga na ito kakaiyak ko.

"Gusto mo bang mabuhay ang isa sa kanila?"

Natigilan ako at napatingin sa taong nagsalita, mga nasa edad 40 na siguro. Hindi ko man lang siya napansin na lumapit sa akin.

"Anong isa lang? Gusto kong mabuhay ang mag ina ko!" Wala sa sariling giit ko kahit nag aalinlangan akong sumagot dahil hindi ko naman sya kilala at hindi ko rin alam kung paano nya nalaman ang bagay na 'yon.

"Wala na silang pag asa, mamamatay na sila pareho pero kung ibubulong mo ito sa nobya mo, mabubuhay ang isa sa kanila. Depende sayo kung sino ang pipiliin mo." Sabay abot nito ng isang kapirasong papel. Marahan ko naman itong tinanggap at tiningnan, may nakasulat sa papel na hindi ko alam kung anong klaseng wika iyon.

"Sino ka ba?" Iritadong tanong ko.

"Hindi na 'yon mahalaga, gusto ko lang tumulong. Kung itatanong mo kung bakit ko nalaman, isa ako sa mga nakiusyoso at nakitingin sayo habang nagwawala ka doon."

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon