CHAPTER 17

1.3K 49 44
                                    

Natagalan mag UD, hinahanap ko pa kasi yung killer. De joke lang. HAHA

JENNIE'S POV

"Mommy, sino ka ba talaga?"

Paulit ulit na tanong sa isip ko habang nakatitig lang ako sa babaeng nakasuot ng itim na hood sa harapan ko.

Nararamdaman kong siya talaga ang Mommy ko pero bakit ayaw niyang ipakita ang muka niya sakin?

Gustung gusto kong lapitan siya pero di ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Mommy, sino ka ba talaga?"

Bigla nalang akong napabangon sa kinahihigaan ko at narealize kong binabangungot na naman ako. Hindi naman mainit ang paligid pero pinagpapawisan ako ng malamig. Napahilamos nalang ako sa muka ko dahil may mga tanong na naman na pumasok sa utak ko.

Hindi ko na alam kung iisa lang ba yung taong nasa panaginip ko at yung taong nasa ospital. Kung hindi sila iisa, sino ba talaga ang Mommy namin? Yung taong nasa panaginip ko o yung taong nasa ospital? Yung taong nasa panaginip ko ay mukang masamang tao, pero yung taong nasa ospital naman ay mukang mabait. Bakit ganun?

Kung yung taong nasa panaginip ko yung totoong Mommy namin, paano naging kamuka ng Mommy namin yung taong nasa ospital? Kung yung taong nasa ospital naman yung Mommy namin, bakit hindi niya ko maalala? Bakit napapanaginipan ko pa yung taong nakahood na itim at sinasabi ng isip ko na siya ang Mommy ko?

Hindi kaya.. Iba ang Mommy ko? Kapatid ba talaga nila ako?

Bumalik lang ako sa huwisyo nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at nabosesan ko si kuya Josh. Bumaba naman ako ng kama at binuksan kaagad yung pinto.

"Jennie, pasensya na sa istorbo pero kailangan naming dalhin ngayon si James sa ospital!" Nag aalalang sabi nya.

"Bakit? Anong nangyare?"

"Hindi ko alam pero bumubula yung bibig nya!"

"A-ANO?"

"Magbihis kana, paalis na kami. Ibinaba na nila Tito si James para dalhin sa ospital!"

Biglang kumalabog ang dibdib ko dala ng pag aalala ko kay James.

"Hintayin nyo ko kuya, sasama ako!"

Nagmadali akong pumasok ng banyo at dali daling naghilamos at nagtoothbrush.

Walang tigil sa mabilis na pagpintig ang puso ko dahil kinakabahan ako sa kalagayan ni James.

My god, wala naman sanang mangyaring masama kay James. Gabayan niyo po siya.

"Ate.. Ate.."

"Chuckie, please lang. Wag muna ngayon!" seryosong sabi ko habang nagpupunas ako ng face towel.

Hindi ko na siya inintindi kahit pa ngayon lang siya ulit nagpakita. Lumabas na ko kaagad ng banyo para magbihis. Hindi na ko naligo at nagpalit nalang ako ng damit dahil baka maiwan nila ako. Napakunot naman ang noo ko nang may marinig akong busina ng ambulansya na nanggagaling sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita kong may ambulansya nga sa labas.

Pagkalabas ko nang kwarto ay nakita ko pa si kuya Josh na tila malalim ang iniisip habang nakasandal sa pader. Nang mapansin niya ko ay tumango na lamang siya bago kami sabay na umalis.

"Isinugod na siya sa ambulansya kasama ni Tita, doon tayo sasakay sa kotse ni Tito Myth." Sabi ni kuya Josh habang nagmamadali kaming maglakad palabas ng bahay.

"Bilisan nyo!" sigaw sa amin ni Jun habang nakadungaw sya sa bintana ng kotse kaya nagmadali na kaming pumasok sa kotse ni Tito Myth.

Si Tito Myth ang magdadrive at si Jisoo ang nasa front seat. Halos paharurot na ang pagpapatakbo ni Tito Myth at kitang kita ko sa mga muka nila ang pag aalala.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon