CHAPTER 2

3K 118 129
                                    

JISOO'S POV

"Mas malaki ba ang luggage ni James kaysa sa kanya kaya hanggang ngayon hindi pa rin sila bumababa?" sarkastikong tanong ko kay kuya Seddie.

Nakakainis lang kasi dahil lahat kami ay nandito na sa baba pero silang dalawang magkapatid ay hindi pa rin bumababa.

"Wag kana ngang magreklamo dyan, sumasayad na naman ang nguso mo sa lupa eh!" suway sakin ni Thei pero inirapan ko lang sya.

"Pababa na sila." Tipid na sagot sakin ni kuya Seddie.

Napatingin naman kaming lahat sa hagdan dahil after 100 years ay bumaba na silang magkapatid. Siguro nagmake-up pa tong si James bago bumaba, feeling gwapo kasi!

"Inuugat na ko dito kakahintay." bulong ko.

"Nakaupo ka lang Jisoo." Pagpapaalala sakin ni Thei.

Isa pa tong tukmol na to, palagi nalang akong kinokontra. Papansin masyado, may crush ata sakin!

"Sorry guys, masyado kasi kaming maraming damit kaya natagalan kami." Ani Rose kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit? Magtatayo ba kayo ng ukay ukay doon?" sarkastikong tanong ni Jennie.

"FYI, hindi ukay ukay ang mga damit namin!" giit ni Rose. Nakita kong tinaasan sya ng kilay ni Jennie pero nakipagtaasan lang din si Rose ng kilay sa kanya.

"Wag nga kayong magpataasan ng kilay, hindi kayo maganda." Suway sa kanila ni kuya Seddie.

That's my kuya, mas maganda kasi sya sa kanilang dalawa! Tss!

"Lumabas na nga tayo bago ko pa pitikin ang noo mo Jennie!" suway pa ni Gabriel kay Jennie.

"Pitikin ko gilagid mo." Narinig kong bulong ni Jennie pero napailing nalang si Gabriel.

Isa isa kaming lumabas ng bahay at sa huling sandali, tiningnan ko ang kabuuan ng bahay mula dito sa bakuran.

Sobrang mamimiss ko ang bahay na 'to. Dito na kasi kami lumaki at inalagaan ni Lola Mely. Masyado akong maganda para magdrama kaya goodbye 'bahay ni Lola' nalang.

"Halika na." Pag aaya sakin ni Thei pero nagmake face lang ako sa kanya bago ako naunang maglakad sa kanya.

Sumakay ako ng front seat dahil si kuya Seddie naman ang driver namin. Oo, driver namin sya. Dyosang driver.

"Malayo ba yung bahay nila Daddy?" tanong ko kay kuya Seddie nang makasakay na kaming lahat.

"Oo." Tipid na sagot nya bago nya binuhay ang makina ng kotse. Oo binuhay nya, may powers sya eh.

"Aabutin ba tayo ng gabi?" tanong ko pa.

"Oo, kaya matulog ka muna para hindi ka mainip." Suhestyon nya.

"Ayoko."

Kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa at hinanap ang camera non.

"Picture tayo guys!" pag aaya ko.

"Umaandar ang sasakyan, blurred lang ang kalalabasan nyan." Giit ni Jennie kaya tiningnan ko sya mismo sa backseat.

"What?" maarteng sambit nya.

"Kung ayaw mong sumama, kami nalang." Sabay angat ko ng cellphone ko pero lahat sila ay nakaiwas ng tingin maliban lang kay Josh at Thei na nakapeace sign pa.

Ngumiti nalang ako sa camera bago ko tinap ito. Pagkatapos tiningnan ko yung picture namin at napangiti ako.

"Oh diba? Hindi naman blurred! Ang galing ko talaga!" pamumuri ko sa sarili ko.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon