JISOO'S POV
Bakit kaya hanggang ngayon wala pa rin si Gabriel? Nagpaganda pa naman ako ng bongga para sa kanya, sayang naman kung hindi nya makikita.
"Mga anak, bakit may mga kahon ng alak doon sa kusina?"
Napatingin kaming lahat kay Daddy nang itanong nya iyon.
"Ah Dad, may nagkamaling delivery boy kasi. Pinipilit nya na ako ang nagpadeliver kahit hindi naman." paliwanag ni Raffy.
"Hindi nyo ba iinumin yon?" tanong pa ni Daddy kay Raffy.
"Hindi na po Dad, sa susunod nalang." nakangiting tugon ni Raffy.
"Mabuti yan anak, masama rin kasi ang epekto ng alak sa katawan."
"Mababait naman pala ang mga anak mo Myth, magaganda at puro gwapo pa." pamumuri nung isang babae.
"Kailan kaya kami makakabuo ng ganyang mga anak, yung almost perfect na ang itsura?" pabirong tanong pa nung kasama nyang lalaki.
"Hindi lang yung mga itsura nila, tingnan mo naman sila kung paano sila magbonding, mukang sobrang saya ng pamilya nila." pamumuri pa nung isang babae.
"Iha, may boyfriend kana ba?" pang uusisa sakin nung isang babae.
"Ah wala pa po." nakangiting tugon ko.
"May anak akong binata pa, ipapakilala ko sya sayo at sigurado akong magugustuhan mo sya. Hindi kasi ako boto sa girlfriend nya eh."
"May girlfriend na po pala sya bakit nyo pa po sya ipapakilala sakin?"
"Hindi ko kasi gusto ang girlfriend nya, masasama kasi ang ugali ng pamilya nya. Ipapakilala kita sa kanya ha?" sabay hawi pa nya sa buhok ko kaya pilit ko nalang sya nginitian kahit hindi naman ako interesado.
Wala sa sariling napangiti ako nang mahagip ng mga mata ko si Gabriel.
"Excuse me lang po ah?" paalam ko sa babae bago ako naglakad patungo kay Gabriel.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong inakbayan nya yung isang babae kaya naman pakiramdam ko ay may tumusok na karayom sa puso ko.
"G-Gabriel, sino sya?" nauutal na tanong ko. Kahit hindi ko kayang ngumiti sa nakikita ko ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kanilang dalawa.
Nakangiti rin silang dalawa ngayon sa akin at hindi pa rin tinatanggal ni Gabriel ang pagkakaakbay nya sa babae.
"Siya ba si Jisoo? Yung binanggit mo sakin noon na pinsan mo?" tanong nung babae.
"Oo siya nga." nakangiting sagot ni Gabriel.
"Kuya Gabriel!" Narinig kong tawag ni Jennie bago nito niyakap ang kuya nya sa tagiliran. Hinaplos naman ni Gabriel ang buhok ni Jennie.
"Hi Jennie." nakangiting bati nung babae sa kanya.
"Hello Divine." pabalik na bati ni Jennie. Mukang magkakilala na silang dalawa.
Pakiramdam ko ay hindi naman ako napansin ni Jennie kaya lumayo na ko ng bahagya sa kanila dahil naa-out of place na ko.
"Let's go." pag aaya ni Jennie sa dalawa bago nito hinila ang kuya nya sa isang table at hindi na nila ako napansin pa.
"Jisoo." Napatingin ako kay Thei at parang kagagaling nya lang sa isang takbuhan. Hindi ko sya inimik, sa halip inirapan ko na lamang sya dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"Jisoo wait!" pangungulit pa ni Thei sabay hawak nya sa braso ko.
"Ano ba!" inis na sabi ko bago ko padabog na binawi ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHighest Rank Achieved: #33 in Mystery/Thriller as of 01/20/18. "Dollhouse" is about a family that appears to be perfect on the outside looking in, yet it's far from it.