CHAPTER 19

1.2K 51 14
                                    

Shoutout kay Jairus, Yung namiss mong multo sa Chapter 1 nandito na. Sa POV ni Jennie. HAHAH!

THEI'S POV

"Thei.."

Bigla akong napabalikwas ng bangon nang marinig kong nagsalita si James. Nakaidlip na pala ko mula sa pagkakaupo ko pero wala pa rin sila Rose.

"James, gising kana! Sandali lang." Masayang sabi ko.

"Nakakapagsalita kana Thei?" Aniya.

"Oo James."

Pinindot ko yung button para may pumuntang nurse dito.

"James, anong masakit sayo?" Nag aalalang tanong ko.

"Wala Thei.. Okay lang ako pero nauuhaw ako.."

"Sa-Sandali lang James. Hindi kasi ako marunong magtanggal ng host eh, hintayin muna natin yung nurse ha?"

"Sige.. Nasaan si Rose?"

"Umuwi lang saglit pero--"

"Si Seddie?" Maagap na tanong pa nya.

"Umuwi din kasama nila Rose, pabalik na rin sila dito. Teka lang, tatawagan ko." sabay dukot ko ng cellphone ko sa bulsa.

"Si Jennie?"

"Umuwi din James. Ako lang ang naiwan dito."

Dinial ko yung number ni Rose at sumagot naman sya kaagad.

["Hello Thei?"]

"Rose, gising na si James." Masayang sagot ko.

["TALAGA? JUSKO SALAMAT PO! MALAPIT NA KAMI!"]

"Sige, dalian nyo!" *hang up*

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang nurse.

"Gising na po siya!" Nakangiting sabi ko sa nurse.

Umupo muna ulit ako habang chinecheck nung nurse si James.

Makakauwi na rin ako sa wakas. Makakausap ko na ulit si Mommy.

Bumukas muli ang pinto at pumasok si Seddie at Rose.

"Kuya James!" Halos mangiyak ngiyak si Rose nang makita niyang gising na si James.

"Okay na siya. Kailangan nalang niya magpahinga at inumin yung mga gamot na inereseta sa kanya." sabi samin nung nurse.

"Sige po, salamat." sagot ni Rose. Ngumiti lang yung nurse samin bago ito lumabas.

"Si Jisoo?" tanong sakin ni Seddie.

"Lumabas kanina, mukang sinundan si Gabriel." walang ganang sagot ko.

"Si Gabriel? Pumunta siya dito?" may halong gulat na tanong pa sakin ni Seddie.

"Oo, pero umalis rin kaagad. Nasaan si Jun?" tanong ko naman sa kanya.

"Kasama ni Jennie at Lisa, pupunta daw sa albularyo para ipatingin si Raffy."

"Sige, ako naman ang uuwi para makapaligo na ko. Amoy unggoy na ko eh." paalam ko bago ako lumabas ng kwarto.

Namimiss ko na si Mommy, sana makita ko na siya. May isang tanong pa kasi akong hindi naitatanong sa kanya at iyon yung pinakaimportante sa lahat. Hindi ko rin alam kung bakit ba hindi ko man lang iyon naitanong sa kanya.

Kung ano nga ba ang pangalan ng demonyong nasa paligid na tinutukoy nya, dahil sigurado akong iyon din ang tinutukoy ng albularyo na demonyong nagkakatawang tao at may kagagawan ng lahat.

Napatigil ako sa paglalakad mula sa hallway ng ospital nang makasalubong ko ang mga taong umiiyak at mga nurse na may itinatakbong isang lalaking duguan ang katawan mula sa stretcher.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon