CHAPTER 40

1.1K 53 24
                                    

Note: Sa chapter na 'to malalaman na po natin kung sino ang totoong killer/demonyo (kung di nyo pa po nagegets kung sino sya) kaya huminga ng malalim. De joke lang! Dalawang bagay lang po ang mangyayari sa inyo (pasuspense kunwari 😂) Maaaring mas mauna pa po kayong magets kung sino sya (base sa mga sasabihin ni Mico) kaysa kay Thei kasi nga may pagkaslow ang character nya dito (pero love ko talaga si Thei😂). Pangalawa, maaaring malito po kayo sa logic ni Mico (pero magegets nyo rin po syempre 'yun) pagpasensyahan nyo na rin po kung may paulit ulit na salita dito si Mico (way nya talaga 'yun😂). Yun lang po at maraming salamat. See you po hanggang sa ending! Mwa! 💕

THEI'S POV

"May alam ka ba tungkol sa alitan ng Mommy kong si Juliana at ni Amelisa? Kung bakit nya isinumpa ang Mommy ko?" Tanong ko pa kay Mico.

"Si Amelisa ba ang sumumpa sa Mommy mo?" Tanong sa akin ni Jennie.

"Wala pa kong pruweba, pero sa tingin ko siya nga."

"Tama ka Thei. Lahat ng mga masasamang nangyayari sa paligid nyo, si Amelisa ang may pakana. Dumako naman tayo sa Ma City, kung saan nandoon ang bahay ng Lola Mely nyo na nagmistulang bahay ampunan na dahil ang hilig nyang mag ampon kahit minsan na nyang nakaalitan ang sarili nyang kapatid na si Mercy ay mas pinili pa rin ng Lola Mely nyo ang mga batang inampon nya kesa sa sarili nyang kapatid. Yung Lola Mely nyo ang umampon kay Juliana, Myth, kay Patty na nanay nila Seddie, kay Tina na nanay nila James pati na rin kay Amelisa. Naging mabuting tao si Amelisa kaya ganoon na lamang ang tiwala nila sa kanya. Hanggang sa naglakihan na ang mga ito at nakapag asawa."

"Naging mabuting tao rin noon si Amelisa?" Tanong ni Jennie.

"Oo, alam mo kung ano ang nagtulak sa kanya para maging isang mabuting tao?"

"Ano?"

"Pag ibig. Matagal na syang umiibig ng palihim sa isang lalaki ngunit wala naman itong kahit katiting na pagmamahal sa kanya."

"Sino ang lalaking iyon?"

"Hindi ko pa kayang sagutin kung sino sya pero maniwala ka, pinilit ni Amelisa na kalimutan ang lalaking iniibig nya dahil may mahal na itong iba, pero sadyang malakas ang ama nyang si Lucifer at inudyukan sya nito."

"Uulitin ko, paano nagkaganoon ang Mommy ko?" Tanong ko ulit.

"Excited excited? Di pa ko tapos magkwento Thei." Pagpapaalala nya kaya napakamot na lamang ako sa batok ko.

"Wala na sa sarili noon si Juliana, kahit kayo mismong anak nya ay hindi na nya naalala. At sa sobrang desperada ni Juliana na buhayin ang asawa nya, tumawag na sya ng isang demonyo. Si Lucifer ang natawag nya kaya nalaman iyon ni Amelisa at bumalik na naman sya sa pagiging demonyo nya. Sinet up ni Amelisa ang lahat. Inaya nya sila Patty, Tina, Myth at Jisoos na pumunta sa kinaroroonan ni Juliana. Sinabi nya sa mga ito na bisitahin nila si Juliana dahil alam na nya kung saan ito nakatira pero ang totoo ay may pinaplano sya. Wala sa sarili noon si Juliana habang tinatawag na nya ang demonyo, kaya nang makalapit sila Tina kay Juliana at hindi natuloy ang pagtawag ni Juliana sa demonyo, sinumpa ni Juliana ang mga ito. Minu-minuto makakakita ng iba't ibang uri ng mga demonyo, engkanto at multo sila Tina at hindi matatahimik ang mga buhay nito, yun ang sumpa. Nagkaroon din ng epekto ang sumpa sa mga anak nilang babae na si Rose at Jisoo kaya nagkaroon ng kakaibang kakayahan ang mga ito, si James at Seddie, meron din pero mahina lamang. Lingid sa kaalaman ni Juliana na hindi naman tatablahan ng sumpa si Amelisa dahil kalahating demonyo rin ito at pinlano na nya ito."

"Lumipas ang mga taon, pinilit ni Amelisa na maging mabuting tao dahil kahit papaano ay nakukunsensya sya sa nangyari sa mga kaibigan nya at doon na nga sya nakapag asawa at nagkaroon ng mga anak, si Gabriel at ikaw Jennie. Habang si Juliana ay nakakulong pa rin sa pagiging desperadang mabuhay ang asawa nya at hindi na nya naisip ang kambal na anak nya."

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon