CHAPTER 33

1K 45 23
                                    

GABRIEL'S POV

Ako na 'to. Ang totoong ako. Hirap na hirap na ko sa twing nawawala ako sa katauhan ko. Bakit kasi sa dinami rami ng magiging ganito, bakit ako pa? Bakit ako pa 'yung kailangan sapian ng demonyo? Bakit ako pa 'yung hinihiraman ng katawan? Bakit ako pa 'yung naging anak ng satanista at isa't kalahating demonyo?

Andito ako ngayon sa garden ng isang hotel dahil nagising na lamang ako na katabi ako ng isang babaeng hindi ko naman kilala. Matagal tagal na rin akong hindi umuuwi sa bahay na 'yon.

Napabalik ako sa ulirat nang may marinig akong busina ng sasakyan ng mga pulis. Bigla na lamang nanginig ang mga tuhod ko. Natatakot ako sa twing maaalala ko kung paano ko binaril si Tito Myth. Alam ko sa sarili ko na kaya ko namang pigilan 'yung demonyong nasa katawan ko noong mga oras na 'yon, kaya nga alam ko ang pangyayaring iyon pero bakit hindi ko napigilan? At ano nga ba ang pakay ng demonyong nasa katawan ko kay Tito Myth. Bakit nya ito pinatay?

Bigla na lamang tumulo ang isang butil ng luha ko dahil marahan na akong naglalakad patungo sa mga pulis. Alam kong hindi ako ang pakay ng mga pulis na nandito dahil si Jennie lang naman ang nakakita sa ginawa ko at sigurado akong hindi nya ko magagawang isumbong.

Hindi nya ko magagawang isumbong kaya ako na mismo ang aamin at susuko. Kahit hindi ako ang may gusto ng nangyari, katawan ko pa rin ang pumatay at nagkasala. Gusto ko rin mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Tito Myth. Kahit 'yun na lamang ang maitulong ko sa kanila para hindi na sila mahirapan pa.

Inamin ko ang lahat sa mga pulis hanggang sa nakarating na ako sa presinto ng nakaposas. Alam kong malalaman ito ng lahat kaya inihanda ko na rin ang sarili ko sa mangyayari.

"Ga-Gabriel?" Isang hagulgol ang narinig ko kaya iniangat ko ang tingin ko sa mga taong nasa harapan ko. "I-Ikaw? Bakit? Paano mo nagawa 'yun?" Sunud sunod na tanong ni Tita Maiza.

Hindi ako kumibo.

Akala ko sasaktan nya ko, bubugbugin o sasampalin man lang pero hindi, kaya mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"IKAW! NAPAKATRAYDOR MO! BAKIT MO PINATAY SI DADDY? BWISIT KA GABRIEL! NAPAKAWALANGHIYA MO!" Sunud sunod na sigaw sa akin ni Rose habang umiiyak sya. Kung hindi lamang sya pigil pigil ni James at Seddie baka lamog na ko ngayon sa mga pasa. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang ako sinasaktan nila James, maging si Raffy.

Mabilis na lumapit sa akin si Jennie at mukang kararating lang nito. Pumagitna sya sa amin bago nya iniextend ang magkabilang kamay nya na para bang gusto nya kong protektahan kung may mananakit man sakin. Sobrang sakit para sa akin habang naririnig ko ang paghagulgol nya.

"Wala pong kasalanan si kuya Gabriel, hindi sya ang pumatay kay Tito Myth!" Umiiyak na sigaw ni Jennie.

"Jennie umalis kana dito." Malamig na sabi ko pero nagmatigas sya.

"Hinde! Aminin mo sa kanila kuya Gabriel na demonyo ang gumawa nun hindi ikaw! Hindi ikaw ang pumatay kay Tito Myth, yung demonyo 'yon!" Umiiling iling pa na sigaw ni Jennie. Nakita kong napangisi ang mga pulis na nakapalibot sa amin na tila hindi ito naniniwala sa sinasabi ni Jennie.

"Lumang istilo na 'yan Miss!" Sarkastikong sambit nung isang pulis. Susugurin ko sana sya pero pinigilan kaagad ako ng isa pang pulis at pilit na pinaupo muli sa upuan.

"Tama na Jennie." Napatingin ako sa lalaking dumating. Si Josh. Niyakap nya si Jennie at walang emosyong tumingin sa akin kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya.

Naririnig ko ang mga nakakaawang paghagulgol kaya hindi ko namalayang tumutulo na naman ang mga luha ko. Gusto ko man itong punasan pero nakaposas ako.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon