CHAPTER 32

1.1K 47 27
                                    

THEI'S POV

"Thei, ilang beses ko nang sinubukan na magpanggap na hindi ko na siya mahal dahil akala ko matutunan ko rin na kalimutan siya. Pero hindi, hindi ko talaga kaya." Pagdadrama sa akin ni Divine. Pasimple kaming tumitingin sa kinaroroonan ni Jairus at Jisoo na seryosong nag uusap kaya halos mamatay na sa selos itong si Divine.

At ganoon din ako.

Kahit anong pilit ko na iwasan si Jisoo at kalimutan 'yung nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Ginusto kong mas mapalapit kay Divine dahil kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na talaga papansinin si Jisoo, pero 'yung puso ko talaga sobrang pasaway eh. Siya lang talaga ang hinahanap hanap nito.

Nakita naming tumayo ang dalawa mula sa pagkakaupo at mukang papunta sila sa labas ng bahay. Nanliit ang mga mata ko nang makita kong may isang bagay na nalaglag mula kay Jairus habang naglalakad ito. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para pulutin ang bagay na iyon at naramdaman ko namang sumunod sa akin si Divine. Pinulot ko ang school I.D ni Jairus at tiningnan ito.

"Ang gwapo nya diba?" Tanong sa akin ni Divine. Tss! Di hamak na mas gwapo pa rin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko nang mabaling ang tingin ko sa full name nya.

"Sanchez?" Wala sa sariling tanong ko.

"Oo, diba ang sosyal? Sanchez last name niya. Gwapo na, ang ganda pa ng pangalan. Hindi tulad ng pangalan mo Altheo, pang matanda."

Napatingin ako kay Divine hindi dahil nabubwisit ako sa pumumuri nya sa unggoy nyang ex boyfriend kundi may naiisip akong hindi imposible.

Pumunta kaagad ako sa kinaroroonan nila Jisoo at nakita kong nakangiti sila sa isa't isa.

"Ang sakit." Narinig kong bulong ni Divine mula sa likuran ko.

Bahagya akong umubo para mainterrupt ang dalawa sa pag uusap nila at napatingin naman sila kaagad sakin. Walang sabi sabing inabot ko kay Jairus ang I.D nya at tinanggap nya naman ito kaagad.

"Salamat pare." Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Jairus. Apelyido ba ng tatay mo 'yung Sanchez?" Tanong ko. Alam kong out of the blue 'yung tanong ko pero 'yun talaga ang gusto kong itanong.

"Oo naman. Bakit?"

"Nasaan siya?"

"Nasa Canada. Bakit ba?"

"Gusto ko siyang makausap. Pero nasa Canada pala siya, di bale nalang." Akmang tatalikod na ko pero tinawag nya ko.

"Anong ginagawa ng social media? Pwede ko siyang i-video call kung gusto mo." Aniya. "Kung may mga tanong ka at may paraan naman para masagot ang mga ito, wag mo nang palampasin pa."

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero sang ayon ako sa sinabi nya.

"May wifi internet ba dito?" Pagsingit ni Divine.

"Oo naman!" Proud na sabi ni Jisoo.

"Ayokong dito siya kausapin, kung pwede sana sa ibang lugar." Pagtanggi ko.

"Bakit?" Tanong ni Divine.

"Ang arte mo Thei!" Panunukso sa akin ni Jisoo.

"Seryoso ako." Malamig na sabi ko.

"Pwede sa bahay namin!" Pag aalok ni Divine habang nakataas pa ang isang kamay kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. "Kung gusto nyo lang naman." Sabay bawi nya.

"Kila Jairus dapat! Daddy nya 'yung tatawagan natin eh." Giit ni Jisoo.

"Malayu layo pa ang bahay namin dito Jisoo, mas malapit ang kila Divine." Sagot ni Jairus bago ito bumaling ng tingin kay Divine.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon