CHAPTER 14

1.4K 51 47
                                    

JAMES' POV

"Rose, aalis muna ako. Mag iingat ka dito." paalam ko pero hindi nya pa rin ako kinikibo.

Hindi ko alam kung hanggang kailan nya ko hindi kikibuin o papansinin man lang. Samantalang si Seddie mukang napatawad na nya pero ako na sarili nyang kapatid hindi pa rin. Ang unfair naman ata nun?

"Aalis na ko." huling paalam ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pupunta ako sa Deunggol City, kung saan nakatira noon sila Daddy mula nung iniwan nya kami. Isasama ko sana si Seddie ngayon kaso umalis sya at nabalitaan kong patay na daw si Limboy. Baka isa lang sa mga kasamahan namin sa trabaho noon ang pumatay sa kanya dahil hindi pa rin sya bumubuwag doon. Mabuti nalang talaga at nagbagong buhay na ko.

Pupunta ako sa lugar na 'yon para mag imbestiga. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tumitigil sa pag iimbestiga, kaming dalawa ni Seddie. Nung inamin ko sa kanya na si Daddy ang pinaghihinalaan kong pumatay sa Mommy namin ay hindi siya makapaniwala, pero ang sabi nya ay sasamahan nya ko sa pag iimbestiga ng palihim kay Daddy. Pero asan sya ngayon? Nandoon sa bangkay ni Limboy. Kahit naman anong gawin nya doon, hindi na 'yon mabubuhay pa. Ang mas magandang gawin ay ang hanapin nalang ang suspek para mabigyan ng katarungan ang mga namamatay.

Hinagilap ko muna si Tita Maiza kung nasaan siya dahil sigurado akong magtatanong na naman siya kung saan ako pupunta pag nakita nya ko. Nakakairita kaya, lumaki akong walang nagtatanong sa akin kapag aalis ako kahit si Rose, tapos sya kung makapagtanong para kaming mga batang mawawala. Hello? May buhok na kaya ako sa kilikili.

Nakita kong nasa kusina siya kaya nagmadali na akong lumabas ng bahay.

Kakamadali ko, nakauntugan ko pa si Raffy sa pinto. Badtrip!

"Ang tangkad tangkad mo na, yumuyuko ka pa!" singhal ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo.

"Anong nangyari dyan?" sabay turo ko sa mga pasa sa muka at braso nya.

"Wala kang pakialam. Teka, saan ka pupunta?"

"Wala ka ring pakialam." panggagaya ko sa kanya bago ako naunang umalis.

Pumara ako ng taxi dahil wala naman akong kotse. Kung kasabay ko sana si Seddie, magkaka-instant driver sana ako eh.

Pagkalipas ng mga tatlong oras, nasa bukana na ko ng Deunggol City, nakakatakot lang ang bayang ito. Parang haunted city. Sabagay, demonyo nga pala ang Daddy ko.

Ilang minuto pa ay natunton ko na yung dating bahay nila, sigurado akong ito na 'yon dahil napuntahan ko na 'to dati. Tumingin muna ako sa paligid at nakita kong wala namang mga tao. Malalayo kasi ang agwat ng mga bahay dito at halos wala rin namang mga nakatira.

Sumampa ako sa bakod at madali naman akong nakapasok sa loob ng bakuran. Tumingin ako sa itaas dahil second floor ito at tumindig ang mga balahibo ko nang bigla nalang gumalaw ang puting kurtina ng bintana nito. Nakaawang ang kurtinang iyon kanina pero tila may sumara no'n. Hindi ko nalang pinansin at naghanap nalang ako ng daan para makapasok sa loob. Nakarating ako sa likod ng bahay at nakita kong may bukas na pinto doon. Hindi kaya, may pumasok nang magnanakaw dito kaya nakabukas na?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nasa dirty kitchen ako. Dirty, sobrang dirty dahil napakarumi ng lugar na 'to at ang baho pa. May mga putik at animo'y mga dumi ng pusa o daga. Pumunta ako sa sala at nakita ko ang isang basag na picture frame na nasa side table. Dinampot ko ito at mukang masaya sila nung kinuhanan sila dito, si Daddy, si Tita, si Lisa at si Raffy. Nakatitig lang ako sa larawan at wala sa sariling napangiti ng mapait. Ganito sana kami, kung hindi lang nagbago si Daddy.

Mangingilid na sana ang mga luha ko nang bigla nalang sumimangot ang muka ni Lisa sa larawan kaya naman halos mabitawan ko ito.

Pwede ba yon? Ang nakangiting litrato, biglang sisimangot?

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon