CHAPTER 18

1.3K 51 14
                                    

LISA'S POV

"Tito, Tita. Uuwi po muna kami ni kuya Josh para makapaligo." paalam ni ate Jennie.

"Ate Jennie, sasabay na ko sayo." sabat ko.

"Ako rin. Ikaw Thei? Nakakapagsalita kana pero ang tahimik mo pa rin!" Sabi ni Jun sa kakambal nya pero hindi pa rin kumibo si Thei.

"Ihahatid ko na kayo para makapaligo na rin ako, ikaw Rose? Hindi ka ba muna uuwi para makapaligo?" tanong ni kuya Seddie.

"Hindi ba dapat ako muna ang tinatanong mo kuya Seddie?" mataray na tanong ni ate Jisoo.

"Alam kong nakapaligo kana Jisoo bago ka pumunta rito. Hindi ka nakakaalis ng bahay ng hindi pa naliligo." sagot ni kuya Seddie kaya napairap nalang si ate Jisoo.

"Sige na Rose, kami na muna magbabantay sa kuya mo." Sabi ni Mommy.

"S-Sige po. Daddy, kayo po muna bahala kay kuya ah? Tita, balitaan nyo po ko kaagad kung ano man po ang mangyari kay kuya James." paalam ni ate Rose.

"Sige na Rose, magkasing amoy na kayo ni kuya Seddie eh." pang aasar ni ate Jisoo.

Yumakap muna kami kila Mommy at Daddy bago kami lumabas ng kwarto.

Sa sasakyan kami nila kuya Seddie sumakay. Lahat kami ay tahimik lang habang nasa biyahe. Pakiramdam ko lahat kami ay may kanya kanyang malalim na iniisip.

"Ano kaya kung lumipat nalang tayo ng bahay?" pambasag ni kuya Josh sa katahimikan.

"Hindi pwede Josh." giit ni kuya Seddie.

"At bakit hindi?"

"Kahit anong gawin natin, hinding hindi na tayo makakaalis sa bahay na 'yon kaya wala tayong magagawa kundi ang humanap ng solusyon para mawala ang sumpa." sagot ni kuya Seddie.

"Lahat ng mga kasagutan sa mga tanong natin Josh, nasa bahay na 'yon. Doon nagsimula ang lahat kaya doon din iyon magtatapos." Sabat ni Jun.

"Paano nyo nalaman ang mga yan?" pang uusisa ko.

"Simula nang alukin kami ni Daddy Myth na tumira doon kasama kayo ay pumayag na ko kaagad dahil pakiramdam ko ay mahahanap ko na ang mga sagot sa mga tanong ko." sagot ni kuya Seddie sakin.

"Ganun din yung pakiramdam ko." pagsang ayon ni kuya Josh.

"Miski ako. Pero imbis na masagot yung mga tanong ko, mas lalo lang na nadadagdagan." Sambit ni ate Jennie.

"May gusto nga pala akong sabihin sa inyo." Seryosong sabi ni Jun.

"Ano yun?" pang uusisa ko.

"Hindi ko alam kung alam na ba 'to ni James pero.."

Lumingon si ate Rose kay Jun mula sa front seat at tila hinihintay nya ang karugtong ng sasabihin ni Jun.

"Ano yun Jun?" tanong ni ate Rose dahil masyadong pabitin pa itong si Jun.

"Si James ang binatang iaalay para mabuhay ang isang demonyo."

Iaalay sa demonyo? Si kuya James?

"Sino ang nagsabi sayo nyan Jun?" tanong ko.

"Hindi na importante 'yon. Ang importante ngayon, ang kaligtasan ni James. Kailangan nating mapigilan ang pag aalay ng katawan niya para mawala ang sumpa. Yun lang ang tanging paraan para mawala ang sumpa."

"Tama ka Jun." pangsang ayon ni ate Rose.

"Alam mo 'yun ate Rose?" tanong ko.

"Oo, napanaginipan kong mangyayari iyon at hindi ko alam kung mapipigilan pa ba 'yon dahil lahat ng panaginip ko ay nagkakatotoo. Nakita mo ba yung pinakita noong napadpad tayo sa likod tayo ng kusina? Ganun na ganun yung nangyari sa panaginip ko. Sinaksak si kuya James mula sa likuran."

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon