CHAPTER 13

1.4K 53 11
                                    

JOSH'S POV

"GAGO KA, IKAW PALA ANG SUSPEK SA LAHAT! NAPAKAWALANGHIYA MO! WALA KANG PUSO!"

Sunud sunod na sigaw ko ang umalingawngaw sa tabi ng kalsada pagkatapos kong pagsusuntukin ang lalaking itinuring na rin naming kapatid. Si Jennie naman ay halos mapaupo na kakaiyak.

"TAMA NA JOSH! ANO BANG PINAGSASABI MO!" sigaw sakin ni Limboy habang yakap yakap na nya ko.

"Josh, maniwala ka sakin! Nagkamali ka ng pinagbintangan! Hindi ako mamamatay tao!" Kahit hirap na hirap na sya ay pinipilit nya pa ring bumangon mula sa pagkakatumba dala ng sunud sunod na pagkakasuntok ko sa kanya.

"SINUNGALING KA RAPHAEL!" Buong pwersang sigaw ko sa kanya.

"KUMALMA KANA JOSH, BAKA MAPATAY MO SI RAFFY!" pagpigil pa sa akin ni Limboy.

"KULANG PA ANG BUHAY NYA SA LAHAT NG MGA PINATAY NYA!" Giit ko.

"JOSH, HINDI NGA AKO MAMAMATAY TAO, WALA AKONG GAGAWING MASAMA KAY LIMBOY! MAY GUSTO LANG AKONG BILHIN SA KANYA!" giit ni Raffy. Hingal na hingal ako at pilit kong ikinalma ang sarili ko dahil sa sinabi nya.

"Tama sya Josh, please lang kumalma kana." pakikiusap pa sakin ni Limboy bago nya ko marahang binitawan.

"Ang totoo nyan gusto ko rin sana syang iligtas kung sakaling may magtangka sa kanyang pumatay, kaya dito ko sya dinala papunta dyan sa simbahan para hindi sya mahanap ng suspek." sabay turo nya sa isang bukas na simbahan malapit sa kinaroroonan namin.

"Ano bang pinagsasabi nyo? Wala namang papatay sakin. Hello? Buhay na buhay ako." Natatawang sambit ni Limboy.

Nakita kong tumingin muli sa wrist watch nya si Jennie kaya tumingin din ako sa relo ko. Isang minuto nalang bago magsaktong alas dose.

"LIMBOY! WAG KANG LUMAYO SAMIN!" narinig kong sigaw ni Jennie kaya naman maagap akong napatingin sa kanya. Nilingon ko si Limboy at nakangiti pa syang lumingon sa amin bago nagpatuloy sa paglalakad palayo.

"Walang mangyayaring masama sakin, dyan na kayo. Uuwi na ko!" Pasigaw na sagot nya habang patuloy lang sa paglalakad palayo sa amin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang may humila sa kanya mula sa talahiban. Isang nakaitim na hood kaya mas lalo akong kinutuban ng masama. Agad akong tumakbo para habulin sila at inilabas ko na rin ang baon kong balisong at baril. Naramdaman ko rin si Jennie na sumunod sa akin hanggang sa makapasok kami sa masukal na bahagi ng talahiban.

"Kuya, siya ang totoong killer!" Natatatantang sigaw ni Jennie habang patuloy lang kami sa mabilis na pagtataob ng mga nagsisitaasang mga damo para mahabol sila. Lagpas tao ang mga matataas na damo kaya naman hindi na talaga namin sila makita.

Hindi na kami masyadong makatakbo dahil sa pagod at sigurado akong hindi na namin sila mahahabol pa kaya naman napatigil na ko bago ko hinila si Jennie sa wrist nya para tumigil na rin sya. Natatakot na rin ako na baka kapag nagpatuloy pa kami ay maligaw nalang kami at hindi na makalabas pa.

"Kuya, wala na si Limboy. Hindi na natin sya nailigtas.."

Bigla nalang napahagulgol si Jennie at wala na kong nagawa kundi ang yakapin nalang siya.

"Bumalik nalang tayo Jennie, iniwan natin doon si Raffy, baka kung mapano pa sya." tugon ko bago ko sya inakay papaalis sa lugar na 'yon.

Halos saksakin ko ang sarili ko sa sobrang pagsisisi. Kung bakit ko pinagbintangan si Raffy, kung bakit hindi ko nahuli yung killer.

Nakita kong nandoon pa rin yung kotseng pinuntahan nila Limboy kanina at doon kami pumunta ni Jennie.

Nakababa ang salamin nito kaya naman sinilip ko kaagad ang loob non. Napatingin sa amin si Raffy mula sa loob ng kotse at kitang kita ko ang mga luha sa pisngi nya.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon