ROSE'S POV
"Kuya Seddie, tinawagan ako kagabi ni Divine, sabi niya nawawala daw 'yung bangkay ni Limboy." Narinig kong sabi ni Jisoo sa kuya niya kaya naman napatigil ako sa paglalagay ko ng nail polish sa kuko ko. Nanlaki yung tenga ko at hinihintay ko pa ang isasagot ni Seddie pero hindi na siya kumibo.
"Kuya noong pumunta ako sa burol ni Limboy, nakita yung taong nakahood na itim doon. Susundan ko sana siya pero bigla siyang nawala. Siguro siya yung kumuha ng bangkay ni Limboy!" dugtong pa ni Jisoo.
"Kuya hindi ka man lang ba iimik dyan?" Iritadong sabi ni Jisoo kaya naman napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakatingin din pala silang dalawa sakin kaya naman nag iwas nalang ako ng tingin sa kanila.
"Hindi ko naman sinasabing damayan natin si ANNIE! Gusto ko lang ibalita sa inyo kung ano 'yung mga nalalaman ko!" Napataas na ang boses ni Jisoo bago sya padabog na umalis sa harapan ng kuya niya.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Seddie bago sya umupo sa tabi ko. Nagpatay malisya lamang ako habang patuloy lang ako sa paglalagay ng nail polish sa kuko ko.
"Rose, selosa ka ba?" out of nowhere na tanong niya kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya.
"Hindi naman. Bakit?" tanong ko pabalik.
"Kung pupunta ba ko kila Annie, ma--"
"Annie na naman! HINDI KANA BA NADALA HA? SEDDIE?"
"Kumalma ka muna, itatanong ko lang naman kung papayag ka. Alam ko namang hindi ka papayag kasi nga hindi ka naman selosa eh, diba?" sarkastikong tanong niya pero inirapan ko nalang siya.
"Bahala ka kung gusto mong puntahan ang babaeng 'yon!" Inis na sabi ko bago ko isinara ang takip ng nail polish ko.
"Binantaan ko na siya noon Rose na wag na wag niya na tayong guguluhin at lalapitan. Mukang nakinig naman siya dahil hindi na siya tumatawag at nangungulit sakin."
"Namimiss mo naman?" sabay roll eyes ko.
"Ayiie! Nagseselos.." Akmang yayakapin niya ko pero umiwas ako sa kanya.
"Di ako nagseselos!" Giit ko.
"Oo nga, di ka nga nagseselos pero umuusok na 'yang ilong mo."
"Diba pupunta ka pa sa trabaho mo? Anong oras na oh? Daig mo pa manager!" sabay tingin ko sa wrist watch ko.
"Di naman talaga ko manager, ako 'yung owner."
"Sinungaling ka talaga!" sabay hamba ko sa kanya at umiwas naman siya.
"Pwede ba wag ka nalang maingay? Sa tingin mo mag aapply ako ng supervisor kuno kung mayaman naman talaga ko?"
"Oo nga naman. Bakit kailangan nyo pa kasing magsinungaling sa kanila? Pati kila Daddy?"
"Mas mabuti na 'yung nag iingat kami ng kuya James mo Rose, kahit kay Daddy Myth. Nakwento ko na naman sayo noon 'yung nangyari sa kumpanya ng mga magulang namin diba? Pagdating talaga sa negosyo, hindi na maibabalik 'yung tiwala ko kay Daddy Myth. Siguro, balang araw masasabi rin naman namin 'to kay Daddy Myth pero hindi pa sa ngayon."
"Tss! Si kuya ang dami daming pera pero hindi man lang makabili ng sarili niyang sasakyan. Si Jisoo ayaw mo rin ibili para naman hindi tayo laging siksikan sa van na pamana pa ni Lola Mely satin."
"Yun ang alam mo. Marami kaming sasakyan Rose, hindi lang namin madalas ginagamit mg kuya mo. Gusto lang namin mamuhay ng simple ng kuya mo kasama kayo. At isa pa, galing naman noon sa illegal ang pera namin, kapag maraming nakaalam na mayaman talaga kami ng kuya mo, magiging miserable ang buhay namin."
BINABASA MO ANG
Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHighest Rank Achieved: #33 in Mystery/Thriller as of 01/20/18. "Dollhouse" is about a family that appears to be perfect on the outside looking in, yet it's far from it.